Chapter 23: The Letter
Rhia's Point of View
Agad nilagay ni Graceno ang isang bronze na medalyon sa leeg ng Reyna. May likido din ito sa loob tulad ng sa medalyon ko na silver naman na bigay ni Graceno.
"Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Prince Andrexsel kay Haresiya Arviena.
"Mahal kong nobyo, lagi naman akong pumupunta rito sa kwarto ng Reyna lalo na pag mayroon siyang karamdaman, noong nakaraan ay kasama mo ko sa pag-aalaga sa kanya na ikinatutuwa ng Reyna at natutuwa ka rin" ngumiti si Haresiya Arviena. "At sa sobrang tuwa mo mahal ko ay binigyan mo pa ko ng bulaklak." sabi ni Haresiya Arviena.
Nagulat ako sa sinabi ni Arviena. Binigyan siya ng bulaklak ni Prince Andrexsel?
Napatayo si Prince Andrexsel. Bakas sa mukha nya ang galit.
"Huwag kang makapal, ambisosya at baliw Arviena, ang ina ko lang ang binibigyan ko ng bulaklak." sabi ni Prince Andrexsel.Natawa si Haresiya Arviena. "Binigay kasi sa akin ni Reyna Imarra ang bulaklak na pinabibigay mo daw." sabi ni Arviena."Gusto talaga ng iyong ina na magkasundo tayo mahal ko, at ito ang magpapaligaya sa kanya."
"Ayoko sayo Arviena." diretsahang sagot ni Prince Andrexsel.
Natawa muli si Haresiya Arviena " At sino ang gusto mo mahal kong nobyo?aking Prinsipe, si Haresiya Seuneda ba?" tanong ni Arviena na may panunuya.
Nagulat ako ng tumingin si Arviena sa akin.
"Ahh si Haresiya Seuneda, ang pinakamagandang babae sa buong Kingdom of Ivatra." sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.
Biglang nagsalita ang Reyna. "Tama na, ano bayang pinag-uusapan niyo tigilan niyo na yan Andrexsel at Arviena." bumangon ang Reyna na nawala bigla ang nararamdaman.
"Andrexsel tigilan mo na pakikipagmabutihan kay Seuneda at sa pangit mong Dasre, si Arviena ang dapat mong mahalin bilang nobya at magiging asawa mo." inis na sabi ni Queen Imarra"Hindi ko nobya si Arviena." galit na sagot ni Prince Andrexsel.
"Alam niyo ba Reyna Imarra na nagbigay ng Magical flower of Beauty ang mahal kong nobyo kay Haresiya Seuneda." sabi ni Haresiya Arviena at tinaas nito ang kanyang kilay. "Naririnig nyo naman kung paano niya sabihin na gandang ganda siya kay Seuneda at sinabi na din niya iyon kay Haresiya Seuneda."
Nagulat ako at kumirot din ang puso ko. Binigyan din pala ni Prince Andrexsel si Haresiya Seuneda ng Magical Flower of Beauty. Marahil ay binigay nya talaga ito sa kanya at hindi inabot lang kagaya sa akin. Tila may gusto si Prince Andrexsel kay Haresiya Seuneda pero sabi niya sa akin ay wala pa siyang nagugustuhan, at wala pa siyang girlfriend. Nakita ko nga siya kanina at mas maganda siya kay Haresiya Arviena.
"Bakit? Selos ka ba Arviena hahaha?" sabi ni Prinsipe Andrexsel at ngumisi.
Nainis si Arviena pati ang Reyna.
"Umalis ka na sa room ko Andrexsel." sabi ni Reyna Imarra na may inis.Nagulat si Prince Andrexsel at nakaramdam ng lungkot at pag-aalala sa sinabi ng ina. "Patawad ina kung nakipag-away pa ko kay Arviena gayong may nararamdaman ka, naiinis lang ako sa kanyang presensya." sabi ni Prince Andrexsel.
Kinabig ng Reyna ang kamay ni Prinsipe Andrexsel. Muling sumakit ang kanyang ulo at napahiga uli sya sa kanyang kama.
"Umalis ka na Andrexsel, hindi kita kailangan dito, si Arviena ang gusto kong manatili rito." sabi ng Reyna.
"Magpahinga na po kayo Mahal na Reyna, makakasama sa inyo ang magalit" sabi ni Graceno.
"Umalis ka na Andrexsel, kasama ang pangit mo na Dasre." sabi ni Queen Imarra.
Malungkot na hinawakan ni Prince Andrexsel ang aking kamay at nagteleport kami patungong kwarto niya.
Iniwan niya ko sa tapat ng kama niya at pumunta sa pader at galit na pinagsusuntok ito. Umagos ang dugo sa kanyang kamao.
Lumuluhang nagteleport ako patungo sa kanya. "Kamahalan tama na, huwag mong saktan ang iyong sarili." sabi ko.
"Tumahimik ka Rhia, Hayaan mong ibuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko." sabi ni Prince Andrexsel at patuloy siya sa pagsuntok sa pader.
Lalong tumulo ang luha sa mata ko sa nakikita kong lalong dumarami ang dugo sa kanyang kamao.
Hindi ko na kinaya at niyakap ko siya mula sa likuran niya habang umiiyak.
"Kamahalan, ayokong nakikitang nasasaktan ka." sabi ko na habang umiiyak.Napatigil si Prince Andrexsel sa pagsuntok sa pader at tumayo ng diretso. Umaagos ang dugo sa kanyang kamay. "Bimo." sabi ng Prinsipe. Agad dumating ang Bimo o doktor ng palasyo.Lumapit ito kay Prince Andrexsel. Agad ko ng tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
Umupo si Prince Andrexsel sa kanyang upuan at nagsimulang gamutin ng Bimo ang kamay niya.
Pagkagamot ay umalis na agad ang Bimo.
Binukas bukas ni Prince Andrexsel ang kanyang kamay na may benda at tumingin sa akin. Nagtitigan kami.Pagkaraan ay nakatitig siyang lumapit sa akin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang bewang ko. Tumitig muna siya sa akin bago ako yakapin.
"Sorry, magsasanay pa tayo bukas tapos sinaktan ko yung kamay ko." sabi niya sa malambing na tinig.
Ngumiti ako at niyakap ko rin siya.
"Ang mahalaga ay huwag mong saktan ang sarili mo." sabi ko.Humigpit lalo ang yakap niya. Pumikit kami pareho.
Bigla namang sumulpot si Graceno sa kwarto at nakita niyang magkayakap kami ng Prinsipe.
"Kamahalan." sabi ni Graceno.
Tinanggal namin ni Prince Andrexsel ang pagkakayakap sa isat-isa at humarap kay Graceno.
"Pakisabi sa mga inutil at pangit na mga iyon na mga Haresiya at Haresiyo na hindi na tuloy ang pagpupulong at maari na silang umalis." sabi ni Prince Andrexsel.
Pinilit kong huwag matawa sa sinabi niya."Sasabihin ko po Kamahalan." sabi ni Graceno at naglaho ito.
Tumingin muli sa akin si Prince Andrexsel. Seryoso kaming nakatingin sa isat-isa. "Ano ang pakiramdam mo na makilala ang mga Haresiya at Haresiyo ng Kingdom of Ivatra at matuklasan ang 6 Country?" tanong niya na seryoso ang tingin sa akin.
Nakaramdam ako ng kaba sa tanong niya at bigla ko namang naalala sina Haresiya Arviena at Haresiya Seuneda.
Sasagot na sana ko ng biglang sumulpot uli si Graceno. "Nasabi mo na Graceno?" tanong ni Prince Andrexsel.
"Opo Kamahalan, may pinabibigay nga po pala na sulat si Haresiya Seuneda, Lumabas siya sa room ng pagpupulong para ibigay iyan." sabi ni Graceno
Inabot ni Graceno ang sulat kay Prince Andrexsel.
"Sige po Kamahalan." sabi ni Graceno at naglaho ito.
"Ang napakagandang babaeng yun oh nagbigay pa ng sulat, sobrang nagustuhan niya ang binigay kong Magical flower of Beauty." sabi ni Prince Andrexsel at binuksan ang letter na may design pa na mga hearts at flowers.
Ewan ko pero parang nakakaramdam ako ng inis at selos, parang gusto ko din umalis ng room niya.
Nabuksan na nya ang letter at binasa, Nakita ko ang malapad niyang ngiti.
writist_j ❤
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...