Chapter 35: Andrexsel

189 39 5
                                    

Chapter 35: Andrexsel
             Dedicated to LUCK_J

Rhia's Point of View

Bumalik na kami ni Prince Andrexsel sa room niya. Naabutan namin si Erka na naglilinis ng room ng Prinsipe. Nagulat siya na makita kami ni Prince Andrexsel na magkahawak kamay at basa ang katawan.

"Sa-san po kayo galing ni Rhia, Mahal na Prinsipe?" tanong ni Erka.

"Wala kang pakelam" galit na sagot ni Prince Andrexsel.

"Rhia magpalit ka na ng damit mo" sabi niya at pumunta na ko ng banyo upang magpalit ng damit.

Kinakabahan ako sa presensya ni Erka. Tumingin ng masama si Prince Andrexsel kay Erka at kinabahan si Erka.

Lumabas na ako ng banyo ay nagsalita si Prince Andrexsel.

"Umalis ka na rito Fedre, pakisabi sa ina kong Reyna na hindi ko kailangan ng Personal na Dasre kung ang magiging layunin nito ay maging espiya at bantayan ang galaw namin ni Rhia, siguro sapat na yung nalaman mo na pwede mong isumbong sa kanya, naligo kami ni Rhia sa ilog, niyayakap ko siya, tinitigan at pinagmamasdan." sabi ni Prince Andrexsel na kinagulat namin ni Erka.

"Pa-patawad mahal na Prince, ngunit hindi po ito ang layunin ng Reyna, a-ah" sabi ni Erka na hindi malaman kung pano magpapaliwanag.

"Umalis ka na, pag hindi ka pa umalis mawawalan ka na ng trabaho" sabi ni Prince Andrexsel na galit na galit.

Umiiyak na nagteleport si Erka paalis ng kwarto ni Prince Andrexsel.

Third Person's Point of View

"Haresiya Arviena, Mahal na Reyna, pinaalis po ako agad ni Prince Andrexsel bilang Personal niyang Dasre." sabi ni Erka na kinakabahan at nalulungkot.

Nalulungkot kasi siya dahil hindi nagtagal ang pagiging Personal nyang Dasre ng Prinsipe at hindi na niya ito maaakit haha. Naiingit nga din talaga siya sa naging tungkulin ni Rhia na Personal na Dasre ni Prince Andrexsel at lalo siyang naiinggit at nagselos ng sa tingin niya ay napalapit ang Prinsipe kay Rhia.
.
Si Haresiya Arviena ang kumausap kay Erka na maging Personal na Dasre ni Prince Andrexsel upang mag-espiya kay Rhia at sa Prinsipe.

Dahil ayaw magsalita ng Punong Fedre na si Ikayil at Punong Dasre Pigna tungkol sa nakikita nilang mga aksyon nina Prince Andrexsel at Rhia ng pumunta si Haresiya Arviena sa Fedrena Room upang kausapin ang mga Fedre at Dasre. Si Erka ang nagsalita sa nakita niya na binabantayan ng Prinsipe si Rhia sa Fedrena Room nung pumasok ang mga Osko.

Malditang Erka.

Kahapon ay pinasabay nila si Erka kay Ikayil sa pagpunta nito sa kwarto ng Prinsipe upang makita ni Erka ang kwarto ng Prinsipe at makapagteleport dito gamit ang silver na medalyon na binigay nila dito. Dala ni Ikayil ang tanghalian ng Prinsipe at dala naman ni Erka ang isang cake na pinagawa daw ng Reyna para kay Prince Andrexsel, akala ng Prinsipe na sweet na ang kanyang ina sa kanya haha, kaya pumunta siya sa kwarto nito para magthankyou, pero pinaalis din siya ng Reyna at tinarayan pa siya nito.

"Hahaha, ayos lang yun, inaasahan ko ng magiging ganun ang mangyayari" sabi ni Haresiya Arviena na pinagtaka ni Erka.

"Nais ko lang ding inisin si Andrexsel kaya pinasabi ko rin sayo na itinalaga ka ng Reyna bilang Personal niyang Dasre. Dahil naging Personal din niyang Dasre ang Rhiang yun" sabi ni Haresiya Arviena.

"Pero tila totoo ang mga hinala namin sa kanya na may relasyon sila ng Rhiang yun, dahil pinaalis ka niya agad" sabi pa ni Arviena.

"O-Opo Haresiya Arviena, Queen Imarra, nakita ko pong kayakap ng Prinsipe si Rhia habang suot ni Rhia ang isang napakagandang damit at nalaman ko pong naligo sila sa ilog" sabi ni Erka.

"Ano?" sabay na galit na tanong ni Haresiya Arviena at Queen Imarra.

"Kung ganun, may relasyon talaga sila ng Rhiang yan" sabi ni Haresiya Arviena na naiinis at nagseselos.

Tumingin siya kay Queen Imarra.
"Papayag ba kayo Queen Imarra na maging nobya ng inyong anak na Prinsipe ang isang Pangit at Dasre lamang" sabi ni Haresiya Arviena na nakataas ang kilay.

"Mas gusto nyo diba na Pinuno o Haresiya ng Dell Ress Country ang magiging asawa niya at kanyang magiging Prinsesa at Reyna" sabi ni Haresiya Arviena at ngumiti sa Reyna.

Hinawakan ni Queen Imarra ang pisngi ni Haresiya Arviena.

"Oo ikaw Arviena ang gusto kong maging asawa ng anak ko, ang magiging Prinsesa niya at susunod na magiging Reyna ng Kingdom of Ivatra" sabi ng Reyna at ngumiti rin.
Lalong ngumiti si Haresiya Arviena sa narinig.

"Nakita ko pa po ang picture ng Rhia Pangit na yun na nakaframe at nakalagay sa maliit na kabinet katabi ng kama ng Prinsipe." sabi ni Erka na nagseselos at naiinis.

Nakaramdam din ng selos at inis si Haresiya Arviena.

"Bumalik ka doon sa room ng aking nobyo, ipagpatuloy mo ang pagiging Personal niyang Dasre." sabi ni Haresiya Arviena na kinagulat ni Erka.

"Pe-pero Haresiya, pinaalis na ako ng Prinsipe" sabi ni Erka.

"Basta bumalik ka dun" sabi ni Haresiya Arviena.

Yola's Point of View.

Nagising ako sa aking pagtulog.

Panaginip lang pala na nakita at nakasama ko si Friyan.Tila nakaramdam ako ng lungkot.

Tiningnan ko si Derick, nagulat ako na wala ito sa kama niya.

Napatayo ako "Derick!" sigaw ko.
Sobrang kong nag-aalala para sa friend ko.

Pinilit kong buksan ang pintuan ng room namin ngunit hindi ko ito mabuksan.

"Yekesha, Yekesha, Haresiya Fresca" sigaw ko na nanghihingi ng tulong.

Ngunit walang pumupunta ng kwarto. Wala kong nagawa kundi ang umiyak.

Hanggang sa may humawak sa braso ko.

"Derick, san ka nagpunta, nag-alala ko sayo" nayakap ko na tuloy si Derick.

"Hi-hindi ko alam Yola" sabi ni Derick na kinakabahan.

Natakot ako ng husto sa nangyari.

"Alam ko lang hindi ako nakatulog, kakaisip kay Rhia na di pa bumabalik hanggang ngayon" sabi ni Derick na tumulo na ang luha.

"Si Rhia, kasama niya si Prince Andrexsel at hindi na siya bumalik" malungkot at naiinis na sabi ni Derick.

Rhia's Point of View

Pagkatapos magpalit ni Prince Andrexsel ng sando at pants sa banyo ay lumabas ito at lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Huwag kang matakot Rhia, anuman ang mga plano ng aking ina, ay titiyakin ko at gagawin ko ang lahat huwag ka lang mapahamak" sabi ng Prinsipe.

Niyakap ko siya ng mahigpit "Salamat Kamahalan"

Kumalas kami sa aming yakap, pero hawak pa rin niya ang bewang ko.

"Magsasanay uli tayo" sabi ni Prince Andrexsel.

"Magsasanay uli tayo Kamahalan?" gulat kong tanong.

Pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"Pwede ba Andrexsel na lang itawag mo sa akin Rhia, huwag mo na kong tawaging Kamahalan." sabi niya na nakangiti at hinaplos niya ang mukha ko.

"A-ah, ba-bakit?" tanong ko na nagtataka at nagugulat, tumawa naman siya.

"Basta" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.

Nakakatakot minsan yung pagngisi niya.

"Pe-pero na-nakakahiya" sabi ko na namumula ang pisngi.

Kinurot na naman niya ang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga, lalo na pag namumula yang pisngi mo." sabi niya at ngumiti siya.

Niyakap niya ko ng mahigpit at pinikit ang mata niya.

"Andrexsel na itawag mo sa kin Rhia ha" sabi niya sa malambing na tinig.

Kumalas na siya sa pagkayakap at hinawakan ang kamay ko.

"Tayo na Rhia" sabi niya at nagteleport kami papuntang sanayan niya.

writist_j

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now