Chapter 20: Princess Laraneva

211 83 0
                                    

Chapter 20: Princess Laraneva

Yola's Point Of View

Nagulat ako ng makita ko si Derick na nasa loob din ng kwarto kung nasan ako. "Yo-Yola." sabi ni Derick.

"Na-nasan kaya tayo?" tanong ko na kinakabahan.

"Nandito kayo sa room ko" sabi ni Graceno na sumulpot sa room.

"Gra-Graceno." gulat na sambit ko.

"Ngayong araw pansamantala ay dito muna kayo sa room ko mananatili. Marami pa kasi kong aasikasuhin sa ngayon, bago ko  kausapin ang aking kapatid na dun muna kayo tutuloy habang wala pang pagsasanay." sabi ni Graceno na walang emosyon.

"Ikukulong mo kami dito?" galit na tanong ni Derick.

"Ngayon lang kayo dito. Gaya ng sinabi ko ay may mga bagay akong aasikasuhin sa ngayon. Dahil iyon sa pagpasok ng mga Osko sa Palasyo, hindi biro ang nangyari kaya kailangan ay mayroon kaming hakbang na dapat gawin tungkol dito." sabi ni Graceno.

"Unawain na lang natin si Graceno Derick. Hindi biro ang kinakaharap nilang problema ngayon." sabi ko.

"Kamusta si Rhia? Nag-uusap pa rin ba sila ni Andrexsel Yabang? " tanong ni Derick na naiinis.

Halatang selos na selos si Derick hahaha.

"Oo." maiksing sagot ni Graceno.

"Bakit nag-uusap pa rin sila?" tanong ni Derick.

"Malalaman niyo rin" sabi ni Graceno at naglaho.

"Kainis, akala ko makakasama na natin si Rhia." sabi ni Derick at pinag-igting ang kamao.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa Derick makakasama din natin si Rhia" sabi ko na nag-aalala kay Derick at Rhia.

"Na-Nakita ko, nakita ko yung ngiti ni Rhia nung narinig niya ang pangalan ni Prince Andrexsel, at nakikita ko na imbes na naiinis siya ngayon, masaya siya dahil kay Prince Andrexsel." sabi ni Derick. Bakas sa mukha niya ang lungkot.

"De-Derick, huwag kang mag-isip ng ganyan, hindi naman natin alam ang tunay na nadarama ni Rhia. Kailangan muna natin siyang makausap. Magulo ang mga nangyayari na hindi natin alam ang katotohanan sa lahat" sabi ko na nag-aalala.

Rhia's Point Of View

Nagteleport kami ni Prince Andrexsel patungong Damira Room.

Hinatak niya ang isa sa upuan at tumingin sa akin. "Upo ka Rhia." sabi ni Prince Andrexsel at ngumiti.
Namumula ang pisngi ko na umupo.
Inilapit ni Prince Andrexsel ang isa pang upuan sa tabi ng upuan ko para magkatabi kami na kakain.

Pumunta ang Punong Fedre na si Ikayil sa Damira Room para ihain ang pagkain namin ng Prinsipe. Nagulat pa siya ng makita niya ko na katabi ni Prince Andrexsel at nakasuot ako ng Ivatran Warrior Armor.  Natawa naman si Prince Andrexsel sa reaksyon ni Ikayil.

Pagkahain ay umalis na si Ikayil.
Nag-umpisa na kaming kumain ni Prince Andrexsel. Magkahalong kaba at saya ang nadarama ko.

Sa gitna ng aming pagkain ay nagtanong ako kay Prince Andrexsel.
"Kamahalan, hindi na ako magluluto ng pagkain mo?" tanong ko na may lungkot.

"Sa kasamaang palad ay hindi na, si Ikayil na uli, mas masarap pa naman ang luto mo sa luto niya." sagot ni Prince Andrexsel.

"Ba-bakit hindi na?" tanong ko.

"Hindi na kita Personal na Dasre diba, Ivatran Warrior ka na, hindi  gawain ng Ivatran Warrior ang magluto." sagot ni Prince Andrexsel.

"Ahh ganun pala." sabi ko. Bakas pa rin sa mukha ko ang lungkot.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now