Chapter 11: Panyo

293 131 8
                                    

Chapter 11: Panyo

Yola's Point of View

Lumabas na ako sa aking kwarto matapos hindi lumabas kahapon.
Nakatingin lahat sa akin ang mga Ivatran Warriors. Nakakaramdam ako ng hiya pero nagpatuloy ako sa paglakad.

Napansin ko na wala sina Friyan at Vire sa sanayan at tanging si Croen lang at Seris ang nakita ko. Lumapit sa akin si Croen at binigay ang isang espada.

"Yola magsanay kang mabuti, huwag mong isipin ang nangyari. Ang isipin mo ay maging mahusay na Ivatran Warrior." sabi ni Croen at ngumiti. Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Ito rin ang gusto ni Friyan na gawin mo, gusto nya na maging mahusay ka na Ivatran Warrior."

"Huwag mo munang banggitin sa akin si Friyan Croen," pinipigil ko ang emosyon ko. Pero paghuhusayan ko ang aking pagsasanay bilang Ivatran Warrior, para na rin sa aking proteksyon at kaligtasan." sagot ko.

"At para sa Kingdom of Ivatra" sabi ni Croen na kinagulat ko.

"O-oo pa-para sa Kingdom of Ivatra." sagot ko.

Nag-umpisa na ang pagsasanay. Nakita ko si Derick na nagsasanay ng mabuti sa pag-eespada. Inspirasyon nya si Rhia sa kanyang pagsasanay. Nais nyang maging mahusay sa pagsasanay at baka mailigtas niya si Rhia sa kalagayan nya ngayon at para maprotektahan si Rhia. Kami lang ang makakatulong sa aming mga sarili sa sitwasyon namin ngayon.

Rhia's Point of View

Nagteleport kami ni Prince Andrexsel papunta sa room nya sa Ivatran Warriors Room para sa pagpupulong nila nina Vire at Friyan. Sinabi nya sa akin na mag-invisible ako gamit ang medalyon na bigay ni Graceno upang di ako makita nina Vire at Friyan na nakikinig sa pag-uusap nila. Nakatayo ako sa likod ng upuan kung nasan si Prince Andrexsel.

Pumasok na sina Friyan at Vire sa kwarto at umupo sa kanilang mga upuan. "Nabalitaan ko ang tungkol sa kaguluhan dito sa Ivatran Warriors Room Friyan at Vire at kasama din si Yola sa gulo." sabi ni Prince Andrexsel.

"Patawad po Kamahalan, ako po ang may kasalanan sa kaguluhang ito at sisikapin ko na maging maayos ang lahat." sagot ni Friyan na kinakabahan.

"Hahaha, ikaw kasi pinsan babaero ka." sabi ni Prince Andrexsel na nagpatawa kay Friyan at nagpasimangot naman kay Vire.
Pinilit ko na huwag matawa sa kanyang sinabi.

Tumingin si Prince Andrexsel kay Vire. "At ikaw naman Vire" sabi ni Prince Andrexsel at namula ang mukha ni Vire. May lihim kasing pagtingin si Vire kay Prince Andrexsel. "Bakit ka naman nag-eeskandalo na nakikita ng mga Ivatran Warriors dahil lang kay Friyan at kay Yola, at ngayon ay buntis ka pa. At dahil buntis ka at magiging isa ng ina ay matatanggal ka na sa pagiging Ikatlong pinuno ng mga Ivatran Warriors ayon sa batas ng mga Ivatran Warriors." sabi ni Prince Andrexsel.

Nakaramdam ng lungkot si Vire at maging ako ay nakaramdam ng lungkot para sa kanya.."Sinayang mo ang posisyon mo dahil lang sa pinsan kong babaero haha," sabi ni Prince Andrexsel na nagpayuko kay Vire at kinagulat at nagpatawa uli kay Friyan.
"At ikaw Friyan, aking pinsan, Ayon sa batas ng Kingdom of Ivatra kailangan mong pakasalan si Vire dahil sya ang magiging ina ng iyong anak." sabi ni Prince Andrexsel.

"Opo Kamahalan alam ko po iyon." sagot ni Friyan na halatang nalungkot.

"Tungkol naman kay Yola, Huwag nyo na syang kausapin o lapitan. Si Croen na o si Seris landi ang magiging tagasanay nya, lalo na ikaw Vire. Nasa iyo naman na uli si Friyan haha." sabi ni Prince Andrexsel.

"Opo Kamahalan." sagot ni Friyan at Vire.

"Maaari na kayong lumabas." sabi ni Prince Andrexsel at lumabas na sina Friyan at Vire.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now