Chapter 48: Decisions

149 12 0
                                    

Chapter 48: Decisions

Author's Note: Hi everyone  My Lovely Readers Happy 10k Reads to Kingdom of Ivatra Thankyou po sa mga nagbabasa, nagbovote at naglalagay sa reading list at library ng aking story. Thankyou po sa supporta. Merry Christmas at Happy New Year Everyone ❤❤❤

Yola's Point of View

Kinagabihan ay kumain na kami ni Derick sa dining room ng Haren ni Haresiya Fresca kasabay sina Kemin, Kenna at Yekesha, Si Haresiya Fresca ay wala sa sala at kausap sa opisina niya si Haresiyo Givion.

Bakas ang pagkabalisa ni Derick pero tinuloy pa rin niya ang pagkain. Si Kemin ay sinusubuan ni Kenna at sinubuan naman ni Yekesha si Kenna.

Nagulat kami sa biglang sumulpot sa dining room ng Haren.

Friyan. He carry flowers and a letter.

Yekesha and Derick are looking at me and watching my reaction.

"Yo-Yola, ku-kung maari ay nais sana kitang makausap, sana pagbigyan mo ko" sabi ni Friyan.

Tumingin ako kay Derick at nagulat sa pagtango niya. Tumayo ako at lumapit kay Friyan. Si Yekesha ay napatigil sa pagsubo kay Kenna at tinitignan ako na kinakabahan.

"Sige Friyan, mag-usap tayo" sabi ko na kinakabahan. Sumunod sa akin si Elum na nasa likuran ko na.

"Bigay ba yan ni Venido?" tanong ni Friyan.

"Ah, Oo" sagot ko na nahihiya.

Hinawakan niya ang kamay ko at napatitig kami sa isat-isa. Nagteleport kami sa isang upuan sa maraming puno sa labas ng Haren. Umupo kami sa upuan.

"Kamusta na Yola? Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Friyan.

"Ah, maayos naman Friyan" sagot ko na may kaba.

"Napapasaya ka ba ni Venido?" tanong ni Friyan na kinagulat ko.

Di ako nakasagot.

"Alam mo ba na Mahal pa rin kita Yola, Ikaw pa rin ang gusto ko, ikaw ang unang babaeng minahal ko, ikaw lang ang babaeng minahal ko" sabi ni Friyan.

"At ano si Vire?" sabi ko at tinakpan ko ang aking tenga."Ikakasal ka na kay Vire kaya tumigil ka na, huwag mo ng guluhin ang puso at isip ko." sabi ko at nanginig ang aking katawan.

"Di ko kailanman minahal si Vire, Isa lang siya sa mga babaeng pinaglaruan ko, pero sayo seryoso ako Yola" sabi niya.

"Pero ikakasal na kayo Friyan" sabi ko. Bakit parang nasasaktan pa rin ako pag sinasabi ko yun.

"Hindi naman sigurado kung ikakasal kami" sabi ni Friyan na kinagulat ko.

Tumayo ako para harapin siya. "Magkakaanak na kayo, kailangan mo siyang pakasalan Friyan" sabi ko.

Tumayo siya na kinagulat ko at napaatras ako ng konti. Inabot niya sa akin ang letter niya at flowers.

"Basahin mo ang letter ko, Yola my love" sabi ni Friyan at nagulat ako ng halikan niya ang labi ko.

He touch the silver medallion and teleported away from the Haren. I was left confused especially when i read his letter.

Rhia's Point of View

Nagtatawanan at nagkikilitian kami ng aking Boyfriend habang nakaupo at nag-uusap kami sa kama niya. Sobrang saya ng pakiramdam namin. Hinahaplos ko ang mukha niya habang nakatitig kami sa isat-isa. Pinaglaro din namin ang aming mga kamay at pinagdikit ang aming mga ilong. Super sweet lovers.

Tumayo ako at kinuha ang drawing books at pencils na regalo sa kin ng aking Boyfriend.

"Pangit drodrawing kita dito" sabi ko na nakangiti.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now