Chapter 8: Bravery
Dedicated to themisteriousjuanRhia's Point of View
Umaga ulit dito sa Kingdom of Ivatra.
Pumunta uli ako ng room ni Prince Andrexsel."Dasre pupunta tayo sa Slerpina, pupuntahan natin ang tagadesenyo ng damit o Sadre na si Quinta para kunin ang pinagawa kong damit at bibili ko ng flowers na bibigay ko sa king ina na si Queen Imarra." sabi ni Prince Andrexsel sa akin.
"Ano yung Slerpina Kamahalan?" tanong ko.
"Isa yung pamilihan dito sa Dell Ress Country, ang pinakasikat na pamilihan dito sa Kingdom of Ivatra" sagot ni Prince Andrexsel. "Dapat ikaw lang ang lalabas at uutusan kitang kunin ang mga iyon, pero dahil natakot ka sa kaluskos sa gubat kahapon ay sasamahan na kita."
"Sige Kamahalan. Salamat pa rin kung sasamahan mo ko dahil natakot talaga ko sa nangyari, salamat kahit gusto mo pa rin akong utusan." Natawa lang siya sa aking sinabi.
Pero naiisip ko pa din kung ano kaya ang kaluskos na yun? Sa Black Kingdom of Griya kaya iyon o mga hayop lang sa gubat na yun?
Hinawakan ni Prince Andrexsel ang kamay ko at nagkatitigan kami. Agad niyang iniwas ang tingin sa akin at nagteleport kami tungong Slerpina.
Ang Slerpina ang pinakasikat na pamilihan sa Kingdom of Ivatra. Puro mayayaman at maharlika ang mga namimili rito. Meron tong 11 na floor. Binebenta dito ay puro mamahaling kagamitan at kasuotan. Wala itong hagdanan. Kapag nasa loob ka na sasabihin mo lang sa bibig mo kung sang floor ka mamimili.
"4th floor" sabi ni Prince Andrexsel at napunta kami sa 4th floor.
Hindi kami nakita ng mga nasa pamilihan dahil nag-invisible kami ni Prince Andrexsel gamit ang silver na medalyon. Habang lumalakad kami ay manghang-mangha kong pinagmamasdan ang kagandahan ng mall. Mas maganda pa ito sa mga mall na nasa mundo ng mga tao.
Pumunta kami sa Sadre o designer ng damit na si Quinta para kunin ang pinagawang damit ni Prince Andrexsel. Nang makarating kami ay pinapunta naman niya ko sa bilihan ng flowers buti nasa 4th Floor lang din. Nagteleport ako pabalik sa kung nasan si Prince Andrexsel at inabot sa kanya ang bulaklak na pinabili niya. Napakaganda nito at mabango. Bumalik din kami agad ng palasyo.
"Maglaba ka na ng mga damit ko Dasre" utos ni Prince Andrexsel pagkabalik namin na kinagulat ko at kinaini..Hays ang sama niya talaga!
Pumunta si Prince Andrexsel ng kwarto ng Reyna para ibigay ang bulaklak na kanyang pinabili. Pagbalik nya ay parang mainit ang kanyang ulo. "Dasre ikuha mo ko ng lagatena, ang alak ng Kingdom of Ivatra" utos ng Prinsipe na kinagulat ko. "Huwag kang tumunganga dyan Dasre, ang sabi ko ay ikuha mo ko ng Lagatena." pasigaw niyang utos.
"Ka-Kamahalan hindi kita susundin" sabi ko na kinagulat nya.
Tiningnan niya ko ng masama. "At bakit naman Dasre? Sundin mo ang utos ko."
"Ku-Kung ano man ang problema mo hindi solusyon ang alak." sabi ko na maluluha.
"Dasre tatawagin ko ang mga Regaso o Tagaparusa para parusahan ka pag di mo sinunod ang utos ko." pananakot ni Prince Andrexsel.
"Kukunin ko na." Tumulo na ang luha sa mata ko na kinagulat niya.
Nagteleport ako patungong room ko sa Dasre Room at hindi bumalik ng kwarto nya. Nakaramdam din ako ng takot pero nais ko itong gawin. Nakaramdam din ako ng lungkot at kirot sa puso ko.
***
Umaga na ng akoy bumalik ng kwarto nya. Nagulat ako ng makita si Prince Andrexsel na nakahiga, nanghihina at mukhang may lagnat."Da-dasre Rhia." sabi nya na nakahiga at mataas ang lagnat. Lumapit ako sa kanya at hinipo ang kanyang noo at sobrang init niya. Nakaramdam ako ng labis na pag-aalala.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...