Chapter 25: Most Beautiful
Rhia's Point of View
Umaga na sa Kingdom of Ivatra. Umupo na ko mula sa pagkakahiga sa kama ng Prinsipe ng Kingdom of Ivatra. Nakita ko siya na nagsusulat ng letter sa kanyang table. Nakita ko naman sa kanyang table ang sulat mula kay Haresiya Seuneda. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
Sumulpot sa kwarto ni Prince Andrexsel si Ikayil dala ang tray ng almusal. Tumayo si Prince Andrexsel at kinuha ang tray. "Maari ka ng umalis Fedre." sabi ng Prinsipe. Kahit sa Punong Fedre ay masungit siya.
Lumapit siya sa akin at tumabi, ipinatong niya sa aming hita ang tray ng almusal namin."Pagbigyan mo na ko sa gusto kong gawin kasi pag nagkita kayo ng mga friends mo, sila na lagi mong kasabay kumain." sabi ni Prince Andrexsel.
Nagulat ako at nakaramdam ng lungkot sa kanyang sinabi.Diba dapat matuwa ako dahil makakasama ko na uli sina Derick at Yola.
"O bakit malungkot ka? dapat masaya ka, makakasama mo na lagi mga friends mo." sabi ni Prince Andrexsel.
"Anong malungkot? masaya ako Kamahalan." sagot ko na kinakalma ang sarili.
"Uy makakasama na niya uli si Derick hahaha." sabi niya.
Kinagulat ko ang sinabi niya."Bakit mo ba yan sinasabi Kamahalan, ikaw nga masaya ka, kasi, kayo ni Seuneda" sabi ko at bakas sa mukha ko ang kalungkutan.
Napangisi si Prince Andrexsel.
"Kumain na nga tayo, Aking Hivre" sabi niya."Bakit mo nga pala ko ginawang Hivre mo Kamahalan o kanang kamay?, dami mong pinagawa sa akin, una Dasre, Ivatran Warrior tapos Hivre hehe." tanong ko.
"Kumain na tayo huwag ka munang magtanong." sabi niya.
Sinubuan niya ko ng food " Subuan mo rin ako Rhia" sabi niya.
Sinubuan ko rin siya, at nagsubuan kami ng food na parang magboyfriend hehe. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang labi ko, kinuha ko ang panyo sa kamay niya pinunasan ko rin ang labi niya. Napatitig kami sa isat-isa. Para kong matutunaw sa titig niya, kakaibang titig. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinaya at nailang ako.
Pumunta muli si Ikayil, ang Punong Fedre at nakita niyang nakaupo kami pareho ni Prince Andrexsel sa kama nito. Kinuha niya ang aming pinagkainan at bumalik uli siya sa Fedrena Room. Tumayo na kami ni Prince Andrexsel sa kama niya. Kinuha niya ang dalawang letter sa table niya. Isa dun ang loveletter from Very Pretty Haresiya Seuneda.
Kinakabahan ako habang papalapit sa akin si Prince Andrexsel. Nagulat ako ng iabot niya sa akin ang letter ni Seuneda. "Pakipunit ng buong galit, aking Hivre" sabi niya at ngumisi.
Loko-loko talaga siya, bakit niya ito pinapupunit sa akin?
"Bakit ko ito pu-" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng hawakan niya ang labi ko.
"Tumigil ka Hivre, Tigil mo ang pagsasalita ng malaki mong labi hahaha." sabi niya.
Buti natanggal ko ang kamay niya sa labi ko. "Pati labi ko ay nilalait mo Prinsipe ng Kayabangan." sabi ko na nakasimangot.
"Aba nagbabalik ang Prinsipe ng Kayabangan na tawag mo sa kin ha, Prinsesa ng malaking labi hahaha. Atlis di na Prinsesa ng kapangitan." sabi niya.
"Loko-loko ka talaga Kamahalan." inis kong sabi.
"Punitin mo nga Rhia." sabi niya.
"Sulat ito mula kay Haresiya Seuneda Kamahalan." sabi ko may lungkot.
"O, ano ngayon?" tanong niya na nakakunot ang noo.
"Ang pinakamagandang babae sa Kingdom of Ivatra, ang gustong-gusto mong babae." sabi ko.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasiSi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...