Chapter 15: Yakap
Rhia's Point Of View
"I-Ivatran Warrior? A-ako magiging Ivatran Warrior na Kamahalan?" tanong ko kay Prince Andrexsel. Naguguluhan pa rin ako sa kanyang mga sinasabi.
Kinuha ni Prince Andrexsel ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang mga luha ko, nagtitigan din kami. Pagkaraan ay inabot niya uli sa akin ang panyo.
"Oo tulad ng iyong mga kaibigan na sina Derick at Yola." sagot ni Prince Andrexsel.
Hindi ko alam kung anong mararamdam sa sinasabi ni Prince Andrexsel. Naguguluhan talaga ako.
"Kamahalan, hindi na talaga ko magiging Personal na Dasre mo?" tanong ko uli."Oo nga, pauulit-ulitin mo ba ko ha Rhia." sabi ni Prince Andrexsel at sumimangot.
Hindi na talaga ako Dasre?Nakaramdam din ako ng tuwa.
Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Graceno. "Sa-Sabi ni Graceno kailangan kong magawa ang pagiging Dasre mo Kamahalan para makabalik kami sa mundo namin, Pero ngayon ay gagawin mo akong Ivatran Warrior," bumuntong hininga ako. "Natutuwa din ako na gagawin mo akong Ivatran Warrior. Pero naguguluhan din ako Kamahalan." tanong ko.
Nagulat si Prince Andrexsel sa sinabi ko. Pagkaraan ay tumawa siya. Nagulat din ako sa aking sinabi.
Napatitig ako kay PrinceAndrexsel. Unti-unting bumalot ang lungkot sa akin."Hahaha Rhia oo nga pala sinabi yun ni Graceno. Gusto mo na bang bumalik sa inyong mundo?" tanong ni Prince Andrexsel.
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung anong gagawin at magiging desisyon.
Pero kusang bumukas ang aking bibig. "O-Oo gu-gusto kong bu-bumalik sa aming mundo Kamahalan." sabi ko.
Tumawa uli si Prince Andrexsel. Pero nakita kong nagkuyom ang kamao niya na kinagulat ko.
"Si-Sige Ri-Rhia kakausapin ko si Graceno para itigil na ang mga pinagagawa niya sa inyo at tulungan kayong makabalik sa mundo nyo." sabi ni Prince Andrexsel na kinakalma ang sarili.
Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi ni Prince Andrexsel na makakabalik na kami sa mundo namin. Makakabalik na kami sa mundo namin at hindi na ako Dasre, Makakapiling na namin ang aming pamilya. Pero may halong lungkot ang nararamdaman kong saya.
"Sadyang misteryoso si Graceno hahaha, pero alam ko na kung ano man yung mga ginagawa niya ay laging tama, Dahil malaki ang tiwala ko sa kanya, maliit pa lang ako ay kilala at kasama ko na si Graceno." sabi ni Prince Andrexsel.
"Kaya hindi ako tumutol na gawin ka niyang Personal na Dasre ko, lalo na at gusto kitang asarin at kawawain hahaha." sabi ni Prince Andrexsel na kinainis ko at nagpasimangot sa akin. "Talagang sobrang napangitan ako sayo nung na pa lang kitang makjta hahaha."
Napakamapanlait nya talaga. Kainis!!!
"Ang sarap mong asarin at insultuhin, lalo kang pumapangit pag inaasar at iniinsulto kita hahaha." sabi ni Prince Andrexsel.
Ang sama niya talaga. Ang sarap niyang hambalusin!
"Pero cute ka at kakaiba, kahit nung una pa lang nating paghaharap." sabi ni Prince Andrexsel at kinurot ang pisngi ko at ngumiti. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Sabi mo nung una nating paghaharap na gwapo ko diba?" sabi niya at ngumisi.
Nanlaki ang mata ko sa gulat at napatakip ako ng mukha.
Sinabi ko nga yun at nadinig pala niya, sabi ko pa nga."Oh My God, Ang Gwapo." hahaha.
"Gwapung-gwapo ka sa akin, Pinagpala talaga ko ng sobrang kagwapuhan eh. At ako ang Pinakagwapong nilalang sa buong Kingdom of Ivatra. Ako ang Prinsipe ng Kagwapuhan." sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...