Chapter 4 : Black Kingdom of Griya

573 269 10
                                    

Chapter 4 : Black Kingdom of Griya

Dedicated to Fantasystic and mlovej4

Derick's Point of View

Umaga na dito sa Ivatran Warriors Room. Dinalan kami ng almusal ng mga Dasre sa aming kwarto.

"Masarap yung luto nila pero mas masarap ang mga luto ni Rhia" kwento ko sa mga kasama ko sa kwarto na sina Baste at Erno na mga Ivatran Warrior ng matikman ko ang almusal.

"Sino sya girlfriend mo? hahaha" nanunuksong tanong ni Baste.

Nahiya tuloy ako. "Hahaha hindi pa. pero gusto ko sana."

"Maganda ba sya?" tanong ni Erno na kinagulat ko.

"Oo maganda sya, sya yung pinakamagandang babae inside and out" sagot ko.

"Ah masarap mga luto nya?" tanong ni Baste.

"Oo, pag pumupunta nga kami ni Yola sa bahay nila nagluluto sya , ang sarap ng luto nya" kumislap ang mata ko.
"Kababata ko sya, mabait sya at mapagmahal, bata pa lang kami gusto ko na sya." napangiti din ako sa kwento ko.

"Mukha ngang nagmamahal ka ng sobra sa kanya" tukso ni Baste,

"Nasan sya? " tanong naman ni Erno.

"Nasa lugar sya ng mga Dasre ngayon" sagot ko at nakaramdam ng lungkot.

Nakaramdam din ako ng galit pero di ko sinabi kina Baste at Erno na si Graceno ang nagdala kay Rhia dun at nagdala din sa amin dito dahil sabi nya ay huwag sasabihin yun sa kahit sinong taga-Kingdom of Ivatra. Susundin ko muna siya ngayon kahit galit ako. Di ko naman alam ang mga nangyayari. Baka mapahamak pa lalo si Rhia at kami din.

"Gusto ka rin ba nya?" tanong ni Erno.

"Hahaha, Oo sa tingin ko she likes me." sagot ko.

"Gwapo ka naman at mabait kaya sigurado gusto ka din nun. Alam na ba nya na Mahal mo sya at gusto mo sya?"  tanong ni Erno.

Bumuntong hininga ako. "Hindi pa eh, pero pag nagkita uli kami magtatapat na ko sa kanya."

"Tama dapat magtapat ka na. Baka makuha pa sya ng iba sayo" sagot ni Erno na nagpakaba sa akin.

"Hi-hindi ko masabi kasi magbestfriend kami. Kumbaga mahirap kasing magtapat sa matalik mong kaibigan na gusto mo sya at mahal mo sya dahil may friendship kayong iniingatan. Pero i love Rhia very much more than just a friend, at sa tingin ko its time to tell her how much i love her" sagot ko.

Tinukso naman ako ni Erno. "Hahaha ang sweet naman, swerte naman nya, Gwapo na mabait pa at sobrang love sya ng boyfriend nya."

Kinilig ako sa sinabi niya at nangiti ng todo. "Hahaha oo im her boyfriend. She is mine, akin lang sya."

Yola's Point of View

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay pinalabas kami ng kwarto namin sa Ivatran Warriors Room at pinaupo sa mga upuan. Nakita kong nag-uusap sina Friyan at Vire at nakaramdam ako ng selos. Ano ba tong napifeel ko? haha.

Humarap sina Friyan at iba pang pinuno ng  mga Ivatran Warriors sa amin."Kamusta mga Ivatran Warriors? handa na ba uli kayo sa inyong pagsasanay?" tanong ni Friyan at tumingin sya sa kinaroroonan ko na kinagulat ko.

Inumpisahan naman namin uli ang pagsasanay. Kutsilyo ang kinuha ko para hindi si Vire ang magsanay sa akin dahil sa mga tagapana sya namumuno. Ngunit laking gulat ko ng lumapit sya sa akin at kumuha din ng kutsilyo. Nagulat ako ng iamba nya at ipinatama ang kutsilyo sa akin at akoy umiwas ng umiwas sa kanya.
Takot na takot ako sa ginawa nya.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now