Chapter 44: Garden

166 24 0
                                    

Chapter 44: Garden

Outer Beauty Attracts,  But Inner Beauty Captivates - Kate Angell

Rhia's Point of View

Kwinento sa akin ni Yola ang nangyari sa Lensefora at itsura nito. Naimagine ko ang itsura nito at namangha.

Karga ko pa rin ang cute na si Princess Kenna na nakayakap sa akin. Pinasama muna siya ng kanyang Ina at Ama kina Yola at Derick dahil sa black na usok na biglang sumabog sa Lensefora at nagpatulog sa ilan sa mga Lenym. Ang mga Black Lenym daw ng Black Kingdom of Griya ang may gawa nito. Balak nilang takutin ang mga Lenym. Sinalikay sila ng mga Leverox sa pangunguna ni Lagenba na nagtaboy sa kanila paalis sa Lensefora.

Ibinalita na ito ni Yekesha kay Haresiya Fresca at nagtungo na dun ang Haresiya upang tingnan ang kalagayan ng mga Lenym.

"Ta-Takot a-ako a-ate Rhia, takot, sabog, usok, takot, shiwi" sabi ni Kenna na nakanguso at bakas sa mukha ang takot. Gumalaw galaw pa ang cute na buntot nito.

Niyakap ko si Kenna
"Huwag ka ng matakot Princess Kenna pumunta na dun si Haresiya Fresca at hindi na manganganib ang mga Lenym" sabi ko.

"Bad, Gri-Griya Bad, limaw, shiwi" sabi ni Kenna. Tila nangigigil ang kamay at mukha ni Kenna habang sinasabi iyon pero ang cute pa rin ng mukha niya hehe.

Kahit ako ay nagagalit na sa kasamaan ng Black Kingdom of Griya.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo Rhia?" tanong ni Derick na kinagulat ko.

Kahit nasaktan ko si Derick ay nag-aalala pa rin siya sa akin.

"Ayos lang ako Derick, salamat sa pag-aalala" sabi ko.

Ngumiti din sa akin si Derick.

"Ba-bagay kayo, a-ate Rhia, ku-kuya Derick, bagay, sweet, shiwi" sabi ni Kenna at nagheart sign pa ito habang nakangiting nanunukso.

Namula ang mukha ni Derick at napangiti ng todo at napahawak sa ulo. Ako naman ay nakaramdam ng hiya.

"Magtigil kang unano ka" sabi ni Prinsipe Andrexsel na biglang sumulpot sa room. Nakasimangot siya.

Napatingin kami sa kanya. Napangiti ako.

"Andrexsel, bumalik ka na" sabi ko na nakangiti. Masayang-masaya ako sa twing nakikita ko siya.

Ngumiti na din siya "Di ba sabi ko sayo babalik ako agad" sabi niya sa malambing na tinig.

Lumapit siya sa akin habang nakatitig kami sa isat-isa.

"Ba-Bad, Pri-Prinsipe Andrexsel, bad, shiwi" sabi ni Kenna na galit ang mukha na nakatingin sa Prinsipe.

Tumawa lang si Prinsipe Andrexsel.

"Princess Kenna, hindi bad si Andrexsel, mabait yan" tumingin ako kay Prinsipe Andrexsel at ngumiti. Natawa ang Prinsipe.

"Yoko kanya, gu-gusto ko Ku-Kuya Derick, ba-bagay kayo Ku-Kuya Derick, sweet, shiwi" sabi ni Kenna na namumula ang pisngi na nagheart sign uli.

"Rhia pakibitawan nga yang unano na yan, ako na lang yakapin mo" sabi ni Prinsipe Andrexsel at ngumisi. Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"May boyfriend na yang si Rhia Kenna, ako ang boyfriend niya" sabi ni Prinsipe Andrexsel na seryoso ang mukha.

Napasibangot si Derick at nagkuyom ang kamao.

"Edi ikaw na" sabi ni Derick na galit ang mukha.

Natawa si Prinsipe Andrexsel. Nakaramdam naman ako ng kaba. Si Yola naman ay nag-aalala.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now