Chapter 6: Pinuno

460 232 5
                                    

Chapter 6: Pinuno
Dedicated to ShikaSensei

Rhia's Point of View

Nagteleport kami ni Prince Andrexsel papuntang Ivatran Warriors Room. Napunta kami sa isang napakalaki at magarang kwarto.

"Nandito tayo sa room ko sa Ivatran Warriors Room Rhia pangit" sabi nya.

"Room mo? pati rito may room ka Kamahalan? " tanong ko na nagtataka.

Tumawa sya. "Hahaha, mamaya malalaman mo"

May kumatok sa pinto."Friyan" sabi ni Prince Andrexsel. Kusang bumukas ang pintuan na kinagulat ko at nakita namin ang isang sexy at magandang babae na nakangiti.

Tiningnan siya ng masama ni Prince Andrexsel. "Akala ko si Friyan ang kumatok, ikaw pala Seris. Umalis ka na at huwag humarang sa pintuan, dadaan kami ni Dasre Rhia"

Pumasok ang babae sa loob at kinagat ang labi. "Mahal kong Prinsipe naman eh, masaya kong makita ka" nagtwinkle pa ang eyes nya.

Maganda siya at nakamakeup pa ng bongga habang nakasuot ng Ivatran Warrior Armor. Napatingin siya sa akin at nakita nya na magkahawak ang kamay namin ni Prince Andrexsel. Napansin ko ito at tinanggal ko ang aking pagkakahawak sa kamay ng Prinsipe.

"Mahal kong Prinsipe Sino po siya?" tanong niya at nakatingin sa akin na may pag-aalala

Naiirita pa din si Prince Andrexsel sa kanya ."Wala kang pakialam landi.At pwede ba tigil mo na pang-aakit sakin" Tinignan niya ng masama si Seris. "Pag di mo pa tinigil ang pang-aakit mo, kamatayan ang parusa mo." ngumisi ang Prinsipe. "Labas na at dadaan kami ni Dasre Rhia."

Lumabas nga si Seris ang ikalimang pinuno ng mga Ivatran Warrior na natakot at umiiyak.

"Tayo na Dasre." sabi ni Prince Andrexsel, sumunod naman ako sa paglakad niya palabas.

Paglabas namin ay nakita kami ng mga Ivatran Warriors at napatingin kami sa isat-isa ng mga friends ko na sina Derick at Yola. Tumayo lahat sila at nagbigay pugay kay Prince Andrexsel. Natuwa sina Derick at Yola na makita ako uli. Kinawayan ko sila at nakita iyon ni Prince Andrexsel.

"Nasan sila?" tanong ni Prince Andrexsel.

"Ayun sila, andun si Derick at andun si Yola." turo ko.

Kinawayan din ako nina Derick at Yola at bakas sa kanilang mukha ang labis na saya. Parang gusto niyang umalis sa upuan niya pero hindi nila alam kung pwede. Nag-aalala din silang kasama ko si Prince Andrexsel at nakasuot ako ng pangdasre o tagasilbing damit.

Lumapit sa amin si Friyan ang ikalawang pinuno ng mga Ivatran Warriors pati na sina Vire ang Ikatlong pinuno, si Croen ang Ikaapat at si Seris ang ikalima, nakasimangot sya at halatang galing sa iyak.

Yumuko si Friyan at bumati sa Prinsipe. "Magandang gabi Kamahalan, Prince Andrexsel."

Binati rin siya ni Prince Andrexsel. "Magandang gabi aking pinsan Friyan."

Narinig ito ni Yola at nagulat na magpinsan pala sina Friyan at Prince Andrexsel.

"Tumayo kayo at magbigay pugay sa ting Kamahalan Prince Andrexsel, Prinsipe ng Kingdom of Ivatra, at Pinuno ng mga Ivatran Warriors." sabi ni Friyan na aking kinagulat pati nina Derick at Yola.

Tumingin sa akin si Prince Andrexsel at nilapit ng konti ang mukha nya sa king mukha na kinagulat ko at namula ang mukha ko at kinabahan.
"Narinig mo yun Dasre Rhia, ako ang Pinuno ng mga Ivatran Warriors." Nilayo nya ng konti ang mukha niya at tumawa. "Sabi mo kanina wala akong kwenta, walang silbi at kain tulog lang, tangang pangit ka Dasre haha."

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now