Chapter 16: Queen Imarra

213 95 1
                                    

Chapter 16: Queen Imarra

Yola's Point Of View

Muling bumalik si Graceno sa kwarto ni Rhia sa Dasre Room kung nasan kami ngayon ni Derick pagkatapos niyang samahan si Rhia papunta sa kwarto ni Prince Andrexsel. Tumayo si Derick sa kama ni Rhia at galit na hinawakan ang damit ni Graceno. Susuntukin niya sana ito pero naglaho si Graceno at napunta sa dulong kanang bahagi ng kwarto ni Rhia.

"Akala ko ba ay pagsasamahin mo na kami ni Rhia. Bakit pinapunta mo na naman siya sa mayabang niyong Prinsipe? Gagawin niyo pa rin siya na Dasre niya?" galit na tanong ni Derick. "Porket pangit siya patuloy niyo siyang pahihirapan at aalilain, mga wala kayong puso.'

"Mali ka ng iniisip. Gaya ng sinabi ko magkakasama na muli kayo ni Rhia at hindi na siya Dasre ng Prinsipe. May mahalaga lang silang pag-uusapan ni Prince Andrexsel." Sabi ni Graceno.

Nakaramdam ng kaba at selos si Derick. "Ano ang pag-uusapan nila ng Prinsipe niyong masama?" tanong niya.

"Sikreto muna ito sa ngayon. Sa ngayon ay bumalik na muna kayo sa Ivatran Warriors Room." sabi ni Graceno.

Sa isang iglap ay bigla na lang kaming napunta uli ng Ivatran Warriors Room. Nagulat kami ni Derick dahil nakapwesto na kami sa hanay ng mga Ivatran Warriors. Ako ay nasa hanay ng mga babae at nasa hanay naman ng mga lalaki si Derick.

Nagsasalita si Friyan at katabi niya si Vire, kasunod naman nila sina Croen at Seris. "Ivatran Warriors, ngayong linggo ay mga araw ng inyong pahinga. Maaari muna kayong umuwi sa inyong mga bahay, mamasyal at gawin ang iba pang nais nyong gawin." sabi ni Friyan.

"Pero Ikalawang Pinuno, kagagaling lang ng mga Osko dito mismo sa Palasyo. Dapat ay manatili kami sa Palasyo para sa dagdag proteksiyon dito." sabi ng isang lalaking Ivatran Warrior.

"Huwag niyo ng alalahanin ang pangyayaring iyon, hindi na mauulit ang ganung pangyayari. At maraming tagabantay ang palasyo na malalakas ang power na proprotekta sa palasyo." sabi ni Friyan.

Nakita kong niyakap ni Vire si Friyan at tumingin sa direksyon ko at ngumisi. Nakaramdam ako ng lungkot.

"Sige maaari na kayong lumabas. Bumalik uli kayo rito sa Ivatran Warriors Room matapos ang isang linggo." sabi ni Friyan.

Rhia's Point of View

"Kamusta Mahal kong Anak? Andrexsel." tanong ni Queen Imarra

Nakatingin kami ni Prince Andrexsel sa Reyna. Ramdam namin ang kaba sa kanyang presensya. "A-ayos lang ako, Mahal kong Inang Reyna." sabi ni Prince Andrexsel.

Tumingin sa akin ang Reyna at tumawa. "Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng pangit mong Personal na Dasre, anak kong Prinsipe." sabi ni Queen Imarra at tumawa uli ito.

May pinagmanahan pala si Prince Andrexsel sa pagiging mapanlait! hehe.

Napatingin kami ni Prince Andrexsel sa isat-isa. Kapwa namumula ang pisngi namin at kinabahan sa sinabi ng Reyna. "Ma-Mali ka ng iniisip Inang Reyna" sabi ni Prince Andrexsel.

"Mabuti naman." tinaasan niya ko ng kilay. "Akala ko ay nabaliw ka na sa dami ng problema mo at pumatol sa isang pangit at hamak na Dasre lamang." sabi ni Queen Imarra.

Kung si Prince Andrexsel ang Prinsipe ng Kayabangan. Si Queen Imarra naman ang Reyna ng Kayabangan hahaha.

"Inang Reyna huwag nyong pagsasalitaan ng ganyan si Rhia, at wa-wala kaming relasyon na ikakagalit mo." sabi ni Prince Andrexsel. Nagulat ako ng ipagtanggol niya ako sa kanyang Ina.

"Tama lang yun, ikakasal ka na kay Haresiya Arviena, sa kanya ka lang dapat, anak kong Prinsipe." sabi ni Queen Imarra sa madiin na pananalita.

"Ayokong magpakasal kay Arviena, hindi niyo ako mapipilit sa gusto niyo na ayaw ko." sabi ni Prince Andrexsel na umigting ang kamao at bagang.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now