Chapter 23

248 4 0
                                    

Mas deserve



"Ayos ka lang ba diyan?" tanong niya sa akin. Kausap ko si Vincent sa kabilang linya habang kumakain ng umagahan. Mamaya ako maghahanap ng trabaho kapag nagbukas na silang lahat.

"Ayos lang naman," sambit ko.

"Ilang oras byahe mo ah, hindi ka ba napagod?" tanong niya sa akin.

"Konti lang, ayoko na kasi diyan. At tyaka hindi naman ako pwedeng magpakita kay Doc Cutler dahil sa masasakit na sinabi ko sa kaniya bago ako makipagbreak."

Unti-unting namuo ang aking luha sa mata ko, ewan ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko para makalimutan ang lalaking iyon, pero tama naman ang desisyong ginawa ko na iwan siya.

"Syempre, ikaw ba naman iwan mo 'ko, magkakaroon ako ng sama ng loob sa 'yo..." sambit nito sabay hinga nang malalim.

"At tyaka, ayos lang naman ako sa ginawa kong 'yon, feeling ko kasi hindi niya ako deserve... na mayroon pang mas deserve kaysa sa akin," paliwanag ko.

"Besh, baka naman bigla kang magsisi kung may ibang ipapalit sa 'yo?" kaagad kong nakalimutan ang lahat nang sabihin niya 'yon at parang lumagabog ang aking puso sa sobrang kabang nararamdaman.

Paano kaya?

"Iyon lang ang magagawa ko para sa kaniya," sambit ko.

Matapos naming mag-usap ay nagpahangin muna ako bago ko ayusin ang gamit ko sa loob, nagsearch din ako sa google kung saan pa pwedeng mag apply ng trabaho, maraming restaurant ang lumalabas sa Laguna.

Kaya hindi narin ako mahihirapang maghanap, advantage ko nalang siguro ang experience dahil nagtatrabaho naman ako sa ibang restaurant.

Hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan ko ng pumasok sa loob para ayusin ang aking mga gamit. May mga damit ako ron na ibinigay sa akin ni Doc Cutler, siguro namna hindi na siya pupunta rito para lang isoli ko ang binili niyang mga original na damit.

Habang tinitignan ko ang aking mga damit ay unti unting pumapasok sa aking isip ang mga ala-ala kong kasama siya.

Nang maayos ay tinignan ko ang mga message sa akin ni Doc Cutler, inisa isa ko lahat iyon hanggang sa hindi ko na naman napigilan ang pagiging emosyonal ko. Kahit na sinabi ko lahat iyon sa kaniya, syempre mahal na mahal ko parin siya.

Pero dahil nga hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging kami, kahit na gustuhin pa namin.

As in tinadtad niya talaga ako ng message at calls, sinilent ko na rin kasi ito kagabi kaya hindi ko na naisipan pang buksan. Tinignan ko ang mga message niya sa akin at puno iyon ng pagmamakaawa.

"Please come back here..."

Anong oras niya na 'yon sinend? Alas dos? Bakit parang late na siya natulog? Nakakatulog pa ba siya ng maayos? Kumakain kaya siya ng healthy foods? O baka naman umiinom siya? Imposible dahil health consious siya pagdating duon.

Ilang oras kong inisip lahat lahat, hanggang sa mapagtagpi-tagpi ko na lahat. Buo na rin ang loob kong magpakalayo layo sa kaniya.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko at nakita kong tumatawag si Doc Cutler, kumalabog ng husto ang aking puso. Parang hindi magkamayaw ang puso ko, hindi ko nga laam kung paano ko masasagot iyon.

Sa huli ay sinagot ko na ang tawag niya.

"H-hello..."

"Lesha... c-come back to me... please..." lasing siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, bababaan ko ba siya ng tawag? Ang akala ko ay binabaan ko siya ng tawag pero nandito pa rin ako. Nakikinig.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now