Jealous
Naging maayos narin siya, may tiwala rin ako dahil si Doc Cutler ang gumamot sa kaniya at nag-alaga. Nandito na ako sa hospital ngayon at inaalagaan si Natasha. Bumili rin ako ng hairpin para sa kaniya, simple lang siya pero ang ganda.
"Wow, para po sa akin 'to?" manghang tanong niya sa akin at tumango ako.
"Yes, para sa 'yo 'yan... huwag mong iwawala 'yan ha?" bilin ko sa kaniya.
"Bakit niyo po ako binigyan ng ganito?" magalang na tanong niya sa akin. Napangiti ako at pinantayan siya.
"Uhm... mahal ka kasi ng Mommy mo," sagot ko.
"Love din po kita, Mommy ko..." tugon niya. Tumango ako, alam ko at nararamdaman ko ang pagmamahal niya.
"Dadalaw daw po si Mama mamaya, gusto ko po kapag namatay ako kailangan kasama kita, ha?" tanong niya.
Nagulat ako sa kaniyang tanong, bakit niya sinasabi 'to? Anong dahilan niya para sabihin 'yon? Napakabata niya pa para mawala sa mundong ito, hindi ako papayad. Hindi!
"Natasha, hindi ka naman mamamatay eh..." sabi ko sa kaniya at nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha.
"Ang sabi po nila Mom and Dad, they will do mercy killing na raw po para hindi na raw po ako mahirapan," nalaglag ang panga ko ron. Hindi pwede, bakit sila ang magdedesisyon nun kung gusto pa ng anak nila ng buhay.
May pag-asa pa naman, hindi ko alam kung bakit kayang gawin ng isang magulang nito sa kaniya. Bakit hindi man lang nila ipaglaban at bigyan ng pagmamahal ang anak nila?
"Hindi 'yun, mangyayari, Natasha... don't worry hindi ka mamamatay, I'll promise... hmmm?" pangako ko. Napayakap ako sa kaniya at kaagad niya akong sinuklian, napakagat ako ng labi. Naaalala ko ang sarili ko sa kaniya.
Pero hindi ganito kasakit.
Inabando na siya ng magulang niya.
"Doc, bakit kayo pumayag?" tanong ko sa kaniya. Nasa office niya ako, napahagod siya sa kaniyang bagsak na buhok.
"You think, gusto ko rin? Hindi ko gusto Lesha... it's their decisions kung anong gagawin nila sa bata, magulang sila... wala tayong laban dahil healthworkers lang tayo..." sagot niya.
"Kailan may gawin tayo," segunda ko. Alam kong busy siya ngayon, wala na akong pakialam, kasalanan niya 'yon.
"Lesha, please..." pakiusap niya. Tila nanghihingi ng kaunting katahimikan. Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.
Ano pa bang gagawin ko para lang huwag gawin 'yon? Gusto niya pa ba akong lumuhod sa harap niya, kailangan ko. Hindi ko kailanman ginawa ito sa talambuhay ko pero si Natasha 'yon. Hindi pwedeng ganito na lang, hindi pwedeng ganito nalang ang buhay niya.
Walang pakundangan akong lumuhod sa kaniyang harap, kaagad kong nakita ang pagkagulat sa kaniyang mukha.
"Doc Cutler, nagmamakaawa ako... kung ayaw nila ako mismo ang kukupkop sa kaniya... aalagaan ko siya, Doc! Please!" pagmamakaawa ko.
Kaagad kinuha ni Doc Cutler ang aking balikat, pinantayan niya rin ako at bigla siyang napaluhod, ang buhos ng luha ko ay biglang umagos.
"Please, kahit ito nalang..."
"Lesha... we have nothing to do with that, I want that too... pero magulang sila, gagawin nila ang gusto nila sa anak nila..." sagot nito.
"A-ang ibig sabihin wala tayong magagawa ron?" tanong ko. Ang nangungusap kong mga mata ay nakatitig sa kaniya, wala siyang nagawa.

YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...