Chapter 36

335 5 0
                                    

Graduation

"Congrats Magna Cumlaude!" bati sa akin ni Yishin, napayakap ako sa kanya nang batiin niya ako, nakakaproud dahil parehas kaming nakaangat. Magna cumlaude ako at summa cumlaude siya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.

"Pagkatapos kaya nito, hindi na tayo magkikita?" tanong niya sa akin at napangiti naman ako. Hinawakan ko ang kaniyang balikat.

"Magkikita naman tayo ah, pagkatapos natin dito, magshoshot ulit tayo... iyon naman ang gusto mo eh!" kumpyansa ko pa at napanguso na lamang ito.

"Pero iba na ngayon, magiging busy na tayo sa mga susunod na araw, at malabong magkita na naman tayo sa isang buwan..." giit niya.

"Pwede naman tayong magtext kung gusto mo ako yayain sa bgc eh!" sagot ko sa kaniya ngunit mas lalo itong lumungkot. Ako rin, nalulungkot ako dahil may katotohanan ang sinasabi niyang iyon, na mas lalo pa kaming magiging busy.

Pero sa wakas ay yari na kami sa NCII at hindi ko na rin makikita ang mga professor naming terror, pero kahit ganuon pa man meron pa rin kaming pinagsamahan, masyado lang siguro akong nacarried away sa mga pananakot ng mga proffesor namin na hindi kaagad kami makakahanap ng trabaho.

Mamimiss ko rin ang proffesor kong paborito akong utusan.

"Lesha..." may tumawag sa akin at kaagad ko naman itong nilingon, kumunot ang aking kilay dahil sa pamilyar na mukha nito. Parang nakita ko na ito dati pa eh, siguro ito 'yung nagbibigay ng chocolate sa locker ko.

May iniabot siya sa aking chocolate.

"Uhmm... tutal graduate na tayo... g-gusto ko lang icongrats ka... ang galing galing ko mo..." puri pa nito sa akin. Halata sa kaniya ang kaba kaya ngumiti ako sa kaniya at tinanggap iyon.

"Salamat!" ngiting sabi ko at naestatwa siya ng kaunti bago bumalik sa huwisyo.

"Uhmm... L-lesha..."

"Hmmm?"

"Gusto ko lang sabihin na gusto kita, matagal na. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa 'yo pero ngayon naglakas loob na ako, matagal ulit tayong magkikita... m-mamimiss kita," sambit nito.

Siniko ako ni Yishin at minatahan, alam ko naman na ayaw niya na akong nakikitang may lumalapit sa akin pero hindi kasi ako maruong magtapos ng usapan. Ininguso ni Yishin ang lugar kung saan nanduon si Doc Cutler.

Mukhang badtrip na naman habang umiinom ng buko juice na ibinigay ko sa kaniya. Nakatitig lamang ito sa akin, nakatutop ang paningin niya. Bali siya ang nasa stage at nakikipaghands shake sa mga college grad ngayon.

Wala naman siyang magagawa dahil nanduon siya.

"Gusto mo bang lumabas tayo? Manood ng sine or kumain?" tanong niya sa akin. Inayos niya ang malaking eyeglasses nito at nahihiyang tumingin sa akin.

"Ah... ano kasi..." kumamot muna ako ng aking batok bago ko pinagpatuloy ang sasabihin. Paano ko nga ba sasabihin sa kanya na may boyfriend na ako?

"Ayos lang naman kahit kailan mo gusto, always free naman ako..." siniko ko si Yishin kung paano ko sasabihin 'yon.

"Ay, bawal na friend ko... may boyfriend na 'yan!" giit ni Yishin. Napakagat ako ng labi at naspeechless yata ang nasa harapan namin.

"G-ganuon ba? Kung ganon sino ang maswerteng lalaking 'yun?" kahit na sabihin pa nating nagulat siya ay may halong lungkot sa kaniyang mga mata. Bigla itong tumamlay, hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin.

Kung ako naman ang nagsabing may boyfriend na ako ay baka naman masaktan siya.

"Ah ano kasi---"

"May boyfriend na nga siya, huwag ka na rito sa bestfriend ko..." inis na sambit ni Yishin sa kaniya at pinalo ko ang kaniyang balikat.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now