Chapter 30

277 4 3
                                    

Sabay


"Eh baka naman kasi talagang nagmove on na 'yung tao, bes," mahinahong sambit ni Vincent sa akin sa kabilang linya. Bukas na pala ang ojt namin, kailangan ko ng mag-impake ng mga gamit ko.

"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Ayos naman na, minsan naalala ko siya pero hindi na ngayon... paminsan minsan nalang." Sagot ko sabay ngiti.

Mamaya lang maniningil na ang landlord sa apartment na tinutuluyan ko, baka naman pwede pang makahingi ng dalawang linggo para sa renta. Mabait naman ang babaeng landlord dito, at alam kong papayag iyon.

Nabalitaan ko rin na may magaganap na fiestahan dito, sayang nga dahil kasagsagan ng ojt namin 'yon. Ilang buwan nalang naman na ang hihintayin ko, mangingibang bansa na ako. Panigurado akong makakapasa ako sa bar examination.

Sunod sunod din ang mga binigay ng mga instructor sa amin sa gcr. Kaya kahit nakauwi na ako ay panay pa rin ang tunog ng cellphone ko.

"Ayos na ba ang gamit mo? Nakapag-empake ka na?" tanong ni Yishin sa akin at tumango ako. Malapit naman na akong mayari, kakaunting damit nalang ito.

"Ayos naman na, kaunti nalang 'yung hindi ko nalalagay..." sagot ko. Tumingin ako sa mga gamit ko rito, ayan! Ayos naman na, wala na sigurong mananakaw dito kung sakaling pumunta rito magnanakaw dahil wala ng gamit na natira.

Ibang mga papeles ko nalang ang iniwan ko dahil nung last sem pa 'yun.

Medyo malayo rin kasi ang pag oojt-han namin, ang sabi nila si Doc Cutler na raw ang may sagot sa apartment. Hindi ko alam, ang dami naming mag oojt, at kailangan marami rin ang kailangang apartment.

Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na hindi pa siya pwedeng ikasal ng wala ako.

"Ang pogi ng doctor hano?" kwento sa akin ni Yishin habang nag-aayos na ako ng mga panloob kong damit. May binigay sa akin si Yishin, victoria's secret 'yon kaya alam kong mahal.

Aalagaan ko talaga dahil hindi talaga biro ang presyo ng panty't bra na binigay sa akin, mas mahal pa yata sa tf ko.

"Parang hindi naman..."

"Kaya pala natulala ka nung nag-attendance kahapon?" kinaltukan niya ako sa aking nuo at napahawak duon.

"Aray ko ha! Ang rahas mo naman sa akin!"

"Kaso nga lang parang taken na yata..." sagot nito. Hindi pa 'yan! Walang magiging taken, dahil kailangan ako muna iyon, dapat ako lang.

Kahit pa hindi ko na kilala ang Cutler na minahal ko dati, mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi na magbabago 'yon kahit ako naman ang saktan niya.

"Paano mo naman nalaman na taken na?" segunda ko. Inayos ko muna ang maleta at inilagay sa ibabaw ng upuan.

"Ala lang, nakita ko kasi siya kahapon may kasamang babae... sexy pa nga..." sagot nito Napatango ako, hindi ko naman siya masisisi dahil maganda naman talaga si Maam Rosset, sobrang nipis ng kaniyang balat na kung hawakan mo lang siguro ay masusugatan na siya.

Pero kung ano naman ang kinaganda ng mukha niya, siya namang kinapangit ng ugali niya. Hindi pa rin ako nakakamove on sa mga sagutan namin nuon, hindi ko talaga siya gusto nuon kaya pala.

"May kasama lang babae, jowa na agad?" tanong ko ulit.

"Malay mo naman? Hindi naman lilingkis ang babaeng iyon kung walang namamagitan sa kanila eh! At tyaka, bagay na bagay talaga silang dalawa..." singhal niya.

Napakagat ako ng aking labi, umurong ang dila ko at ang sasabihin ko sa kaniya na baka talagang ganuon lang talaga sila sa isa't isa. Masyado lang close, kaya ganuon. Tumingin naman si Yishin sa akin habang nakakunot ang noo.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now