Chapter 10

333 5 0
                                    

Warning:  Medj Spg
#Movies

Nang matapos na kaming manood ng liga ay kasama kong umuwi si Doc Cutler ngayon, ngingiti-ngiti ako habang nakatingin sa kaniya, dahil sabay kaming maglakad at papagabi narin kaya medyo hindi ko na nakikita ang paligid.


Para akong tangang sumusunod sa kaniya at naramdaman ko ang pagbagal ng kaniyang lakad kaya nakasabay na rin ako.


Pero sayang din kasi hindi namin naabutan ang mga kaibigan ni Vincent doon, minsan ng nagbabasketball sila kapag gabi na. Naaabutan namin kapag maghahapon at nakakauwi na kami ng hating-gabi kasama si Sol.


Kumunot ang noo ko dahil hindi yata kami sa terminal dadaan, doon pa yata sa Mall. Ang sabi ko sa kaniya hindi kami mag-mamall dahil wala akong pera at nakakatukso din talaga kapag dumadaan kami rito ni Vincent. Ni minsan hindi namin naranasang makapasok dito dahil pili lang ang pinapapasok nila.


"Doc, ang dami na nating nakain...." sambit ko.


Hinawakan niya ang aking kamay at nagulat pa ako dahil pinagsiklop niya pa ito. Namula naman ang aking dalawang pisngi dahil sa kaniyang ginawa at halos magtatatalon sa kilig. Bwisit naman, hindi ko tuloy matago ang kilig ko.


Bago pa man kami makapasok ay may guard pang humarang sa amin pero nang makita ang card ni doc ay yumuko pa ito para igalang siya. Napatingin ako sa kanya at kaagad na napalunok, hindi nga? Ang isang pangalawang anak ng De Viola ay nakahawak sa kamay ko ngayon.


Hindi nahihiya dahil sa akin at parang confidence pa siya kahit marami nang nakakakilala sa kaniya. Hindi ako makaimik.


"Saan tayo pupunta?" tanong ko.


"I will giving you a treat."


"Doc, nakailang treat ka na sa akin ha. Baka mamaya kapag nag-away tayo isumbat mo sa akin lahat ng nilibre mo sa akin haa..." sambit ko habang natatawa naman ito.


"Ofcourse not, as if mag-aaway tayo...."


Nagulat na naman ako sa binitawan niyang salita at tinitigan siyang muli, anong nakain niya bakit siya naging ganito kabait sa akin? Samantalang noong pumupunta ako sa office niya halos ipagtulakan niya ako paalis.


Pero may parte sa akin na sobrang tuwa. Hindi ko alam kung ito na ba ang simula ng love story namin ni Doc Cutler pero natutuwa ako dahil nagiging malapit na kami sa isa't isa.


Dinala ako ni Doc Cutler sa may tindahan ng mga damit, hindi ko alam bakit niya ako dinala pero alam kong may bibilhin siya. Siguro ay damit, mga bagong damit niya siguro dahil baka nagsasawa na siya mga nakalagay sa kaniyang closet.


Grabe nga naman ang mayayaman, hindi marunong makuntento.


"Hello, Maam and Sir!" bati niya.


Lumapit siya sa amin at ngumiti, pero nagtagal ang tingin niya sa lalaking katabi ko. Ang hirap talagang magkaroon ng kasamang gwapo halos lahat agaw pansin sa lugar. Hindi niya rin ako napansin at sinubukan kong ngumiti at hindi rin siya gumanti.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now