Chapter 42 - Super-sized Princess' Notes

88 7 2
                                    

Krystal's POV

Kinuha ko 'yung cardigan ni Matthew sa sampayan, na kaninang umaga ko lang naalalang labhan, saka sinampay iyon sa braso ko. Kinakabahan ako na ewan. Ano kaya 'yung mahalagang sasabihin niya na kailangan kahit gabing gabi na e pag-usapan pa namin? Sa sobrang urgent no'n, feeling ko masasaktan ako ngayong gabi.

"I just realized something." sabi niya habang nakaupo kami sa bench sa gilid ng basketball court.

"Ano 'yon?"

"Hindi ko kayang ipagpatuloy pa 'to."

Sabi ko na nga ba. Ang sakit.

"Ha?"

"Krystal, hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ituring sa 'yo. No more, no less."

Napabuntong-hininga ako sa imahinasyong 'yon. Paano kapag ganoon nga? Iiyak ba ako? Baka madampi ko pa sa pisngi niya 'tong cute kong palad.

"Krystal..."

"Bakit?"

"Sorry."

"Para saan?"

"Kasi pinaasa kita."

"Pinaasa... what?"

"Bading ako. Sorry, Krystal."

Gosh. No. Impossible. No. No.

"I'm so sorry, Krystal."

"Bakit?"

"Nakabuntis ako.

MOTHERFATHER SISTERBROTHER. Hindi mangyayari. No. Pero kung nakatakda, pakakawalan ko siya. Ayokong makasira ng pamilya. Kahit ang sakit sakit, gagawin ko.

Nakatayo lang ako sa garahe habang nakatingin sa bahay nina Matthew. Nakita ko na lumabas siya na may kasamang blue Japanese bike. Naalala ko na pinag-ipunan niya 'yon nung high school kasi sabi niya, parang gusto niya na rin daw matutong magbike nang makita niya akong magbike. Isa pala 'yon sa naimpluwensiya ko sa kanya.

Nang makalapit siya, nginitian niya kaagad ako. Hindi ko siya nangitian. Nalulungkot ako kasi sobrang namiss ko siya kahit kanina lang kami hindi nagkausap at parang may problema siya sa akin na ayaw niyang sabihin. Parang gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

Umupo ako sa angkasan sa likod niya. Sabi niya, kumapit daw ako at baka malaglag ako.

"Hindi pa ako gaano marunong mag-angkas, ah? Hindi mo kasi ako tinuruan e." sabi niya.

Ako nga pala ang nagturo sa kanya. Pero nahinto 'yon kasi naging sobrang busy ako sa pagiging officer nung high school.

Napabulong na lang ako ng sorry. Lumingon siya sa akin.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon