Chapter 48 - Super-sized Princess' Notes

70 6 5
                                    

A/N: Enjoy! :)

=====

Krystal's POV

Wednesday morning, hindi pumunta si Matthew sa bahay or kahit man lang sana sabay kami pumasok, hindi nangyari. Absent pa siya sa klase at kahit na nakailang text na ako sa kanya, hindi niya ako nirereply-an. Calls? Hindi niya sinasagot. Nag-good morning lang siya sa akin at iba pa doon, wala na. Good thing, wala masyadong ginawa sa klase namin at talagang itinaon niyang hindi nagpapa-attendance ang mga professor namin sa araw na 'yon kaya hindi malaking kawalan para sa kanya na wala siya. Napaka-wais!

Online siya sa viber!

Nagmadali akong magtype bago pa siya mawala.

Me: Bakit ka absent? Ikaw ah! Napapadalas na 'yan.

Kinabahan ako bigla nung sineen niya.

F. Henry Matthew Natividad sent a sticker.

May animated icon siyang sinend na nagsosorry na sinundan ng bear na naghahagis ng kisses with large text na nagsasabing "I miss you". Napangiti naman ako pero since hindi niya nakikita e kunwari wapakels ako. Aba't sinendan ko nga ng sticker ng naghihimutok na cutie pig.

F. Henry is typing...

Him: 'Wag na magalit. ;) Mamaya, okay? Don't forget.

Me: Bakit ka nga absent?

Him: May inaasikaso lang po. ;) Don't worry. 

Me: Naku, Matthew. Siguraduhin mo lang talaga.

Him: Wala akong kalokohang ginagawa. Promise. Sige ah. Mamaya na lang. Got to go. :)

Ginapang ko na lang yung last subject namin dahil sa sobrang nababagabag ako na wala siya sa classroom. Saktong pagkalabas ng professor, tumakbo na ako palabas. It was not that awkward afterall dahil kasabay ko si Nicole.

"Bakit nagmamadali ka rin?" tanong ko.

"I'm in danger."

"Bakit naman? May iniiwasan ka?"

"Oo. Dismissal kasi nung makulit..."

"Ah! Yung manliligaw mo from business ad?"

Hindi siya sumagot at tumango lang. Aba. Ang ganda naman pala ng friendship ko.

Pagkalabas namin ng gate, gulat naming dalawa nang biglang sumulpot sa gilid yung admirer ng kasama ko. Pareho kaming napa-atras. Pati ata mga fats ko e nagambala.

"O-Oh. M-Mauuna na ako, ah?" sabi ni Nicole pero hinarangan siya ni BA guy.

"Hatid na kita sa inyo, Nicole."

"'Wag na po, kuya."

"Kuya? Kilala mo naman ako, 'di ba?"

Hindi sumagot si Nicole. Suddenly, may kuya na galing sa ibang university na lumapit sa amin. Nalaman ko dahil sa uniform niya at patch. Infairness, ang fresh ng datingan kaso ewan ko kung baka alagad 'to ni BA guy at bigla kaming kidnapin ni Nicole at isako. Naku po.

"May problema ba dito?" tanong ni fresh guy. Hihi.

Hindi ko inaasahan yung sumunod na nangyari kaya dalawa kami ni kuyang creeper na nagulat dahil biglang kumapit si Nicole doon sa kuya na parang girlfriend siya nito.

"Nicole? Boyfriend mo 'yan?" tanong ni BA guy na mukhang nayurak ang puso. Makita mo ba naman crush mo na nakaabri-sieste sa iba e. Ewan ko na lang.

"Hindi ba halata?" sabi ni Nicole. "Kaya sana iwasan mo na ako kasi ayaw kong magselos 'tong..." tumingin bigla si Nicole doon sa fresh guy at wala nang sunod na nasabi.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon