Chapter 31
Krystal's POV
Four years ago...
"Paano kayo naging close ni Matthew?" tanong sa akin ni Rupert nung isang beses samahan niya akong mamili sa bookstore ng mga gamit para sa gagawin kong bulletin board ng isa kong sinalihan na club nung 4th year high school palang kami.
"Magkaibigan 'yung nanay namin. Saka matagal ko na siyang kaklase. Simula nursery pa lang ata. As in hindi na kami naghiwalay while schooling." sabi ko habang dumadampot ng mga nasa listahan na hawak ko. Nilalagay ko naman sa basket na hawak niya iyon.
"Aware ba kayo sa fixed marriage? 'Di ba kadalasan kapag magkaibigan ang dalawang pamilya, may pinapakasal sa anak nila? Or kung hindi i-arrange, may nagkakatuluyan talaga... choice ng anak, something like that."
Tumangu-tango ako nang marahan, "Pwede rin siguro."
"Paano kapag kayo ni Matthew 'yung ipakasal? P-papayag ka?"
Hindi ko sinagot 'yung tanong niya. Ngumiti lang ako.
Malabong may arranged marriage sa amin. Hindi kami mayaman. Wala kaming kumpanyang dapat isalba. Nabubuhay ako sa realidad, hindi sa mundo ng pocketbooks. Pero siyempre, may ganoon talagang cases. Kung mangyayari man 'yun sa akin at si Matthew ang ipapakasal sa akin, hindi siguro ganoon kabuo ang kasiyahan ko. Ayokong ikasal dahil pinilit lang. Alam ko kasi, pag-ubos lang sa pagkain ang pinipilit dahil sayang.
"Krystal! Saan ka ba pumunta? Kanina pa kita hinahanap. 'Di ka nagrereply sa text ko, 'di ka sumasagot sa tawag. Ano bang ginagawa mo?"
Sunud-sunod 'yung tanong ni Matthew nang makabalik ako sa school. Dala niya 'yung backpack ko na nakalagay pa sa harapan niya na iniwan ko sa office ng student council. Sinusundan niya lang ako sa paglakad.
"Pumunta lang kami ni Rupert sa bookstore. Bumili kasi kami ng kailangan para sa bulletin board. Saka nakasilent phone ko."
"Dapat sa 'kin ka na lang nagpasama."
"Wala ka eh."
"Kahit na. Dapat tinext mo 'ko hindi 'yung bigla ka na lang mawawala."
"Wala akong load saka nagmamadali ako."
"Hindi pa ako kumakain ng lunch. Kumain ka na ba?"
Natigilan ako. Nakalimutan kong sabay pala dapat kaming kakain ng lunch.
"Hala. Kumain na ako."
"Akala ko ba sabay tayo?"
"Sorry talaga. Ang dami ko kasing iniisip. Sobrang dami. Sorry. Sorry. Kumain lang kami ni Rupert ng burger habang naglalakad."
Hindi siya nagsalita kaya mas kinabahan ako.
"Galit ka ba? Pwede namang kumain ulit ako eh. Alam mo gutom pa rin ako---"
"Nasaan 'yung kasama mo? Bakit ikaw lang nagbubuhat niyan?"
Kinuha niya 'yung dala ko. Parang ang sama-sama pa ng loob niya ng gawin 'yun.
"Kinuha niya lang 'yung gamit niya sa classroom. Matthew... galit ka ba?"
Hindi siya sumagot. Halata sa mata niyang naiinis siya. 'Yung kilay niya nagkakasalubong na rin. Siguro dahil sa gutom. Nakakakonsensiya.
Pagkatapos niyang ilapag 'yung mga gamit sa SC office, umalis agad siya. Nung tinanong ko kung saan siya pupunta, sabi niya lang basta.
"Ang tagal niyong namili, Mizuki. Kanina ka pa inaabangan ni Henry dito. Natapos na nga siyang mag-audit kahit siya lang mag-isa eh. Naabutan mo ba siya?" tanong ng nasa late 20's adviser namin sa student council na kakarating lang ilang minuto pagkaalis ni Matthew. May hawak pa siyang class record. Halatang kagagaling lang sa klase. Nang mailapag niya 'yun sa desk, lumapit siya sa akin habang umiinom sa tumbler niya.
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.