A/N: READ AT YOUR OWN RISK. AGAIN, READ AT YOUR OWN RISK. Ang update na ito ay R-18. Joke! Hahaha. Sana maenjoy niyong basahin. Namiss ko na kayoooo, mga dating readers pa nito. May nagbabasa pa kaya nito maliban sa mga kaibigan ko? :( Tagal ko kasing nawala e. Hay.
BASTA READ AT YOUR OWN RISK. :) Sana may matutunan din kayo sa chapter na 'to. It's either you'll be the Krystal or you'll be the Matthew. Hearts!
=====
Krystal's POV
"Krystal." tawag sa akin ni Matthew. Pauwi na kami galing sa mall malapit sa subdivision namin para kumain kaya ngayon nilalakad na lang namin pauwi sa kanya-kanya naming bahay. Tadtad kinain na rin. And of course, quality time together. Harot!
"Bakit?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.
"Nakita mo si James Reid kanina?"
Lumawak yung ngiti ko. "Yah!"
"Anong masasabi mo sa kanya?"
"Hhmm... gwapo!" saka ako napakagat labi. Ang gwapo naman kasi talaga! Super!
Huminto siya sa paglakad saka nagsingkit ang mata. Ang cute!
"Gwapo pala ah. Eh sinong mas gwapo sa aming dalawa?"
Ito talaga 'yung moment na hinihintay ko e, yung magtatanong siya tungkol dito. Naaexcite tuloy ako sa reaction niya sa magiging sagot ko.
"Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Wala lang. Dali na... Sino nga?"
Sineryosohan ko muna yung mukha ko bago sagutin yung tanong niya. "Ganito kasi 'yan, Matthew. Siyempre si James Reid kasi---"
"Edi wow. Hmp!"
Tumawa na lang ako dahil sa reaksyon niya. Ang cute naman nito, aba! 'Yun bang napa-crossed arms pa siya saka napasimangot. So adorable!
"Matthew, ayieee." saka ko siya kiniliti sa tagiliran. Sinalag naman niya yung kamay ko, aww don't touch me ang peg.
"Doon ka na sa James Reid mo." sabay tinalikuran ako. Tawang-tawa na talaga ako sa ginagawa niya. Parang babae e! Pero sobrang nakakapanggigil yung cuteness na pinapakita niya.
"Ganito kasi, Matthew. Bago ko sagutin yung tanong mo e inisip ko na muna yung magiging reaksyon mo in each of the two answers." saka ko pinisil yung pisngi niya, "Naisip ko na mas cute ka kapag nagseselos."
"Ako? Magseselos?" saka bumuga ng hangin na parang wow, ah? Lakas.
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.