Chapter 3
[ Story of Cavis ]Cavis' POV
"Ano na namang kadramahan 'to Cavis?" sabi ni Bryle. Kaibigan ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano naman bang nagawa ko?" sabi ko.
"Ito oh. Look." sabay pakita sa akin ng binder ko.
"Hoy! Akin na nga 'yan. Ikaw kalalaki mong tao napakapakielamero mo!" sabi ko sabay agaw sa kanya nun. Naku naman. May mga nakasulat pa naman doon.
"Kasalanan ko bang burara ka? Ikaw kalalaki mong tao napakaclumsy mo. Kung ayaw mong mabasa ko yung mala-diary mong binder, 'wag mong iwanang pakalatkalat."
"A---nong mala-diary? 'Wag ka ngang barbero. Hindi ko alam 'yang mga sinasabi mo."
"Sus. Maniwala ako sa hopeless romantic na katulad mo. Gusto mo ipaalam ko sa 'yo? Ganito ah. Mataas ang sikat ng araw, lahat ng nakikita ko sa paligid ay nagpapaalala ng masasayang alaala ko kasama siya... something like that. Teka, sino si Denise? Babae mo na naman ba?"
"Makasabi ka naman ng babae mo NA NAMAN ba. Kaibigan ba talaga kita? Kailangan pang ipaalala na NGSB ako eh. Paulit-ulit na lang."
"Naninigurado lang. Saka anong kinalaman ng pagiging NGSB mo sa sinabi ko? Malay ko ba kung may pinagpapantasyahan gabi gabi."
It suddenly hit me. Pero teka. Iba naman ang iniisip gabi-gabi sa pinagpapantasyahan, diba? Aba 'to. Nabatukan ko nga. Mga pinag-iisip talaga. Hindi ako ganoong lalaki.
"Ano na nga? Sino si Denise. Totoong tao ba 'yon o joke lang? Share naman."
Hindi ko siya pinansin. Hinayaang ko na lang siyang mangulit sa akin kahit nakakahiya 'yung ginagawa niya.
"Michael Cavis Mercado Ano nga? Totoo ba 'yung nakalagay sa diary mo?"
"Hindi nga 'yun diary." kulit talaga.
"Sus. Hindi mo lang nilagyan ng Dear Diary hindi na agad diary? Sige, hindi kita aasarin na bakla kahit na sabihin mong diary talaga 'yon."
Hindi naman kasi 'yun diary. Isinulat ko lang para maalala ko 'yung mga nangyari at yung araw na pumunta ako sa dati naming tinitirhan para balikan siya.
"Hindi kasi 'yun diary o kung ano mang naiisip mo. Kwento 'yun."
"Kwento? Edi hindi 'yun totoo? Sabi ko na nga ba eh! Too fictitious kasi. Hindi na makatotohanan. Ikaw magkakaroon ng kababata? Hindi ka nga ata dumaan sa childhood eh."
Nabatukan ko siya ulit pero mahina lang. Heartbroken na nga ako tapos ginaganito pa ako.
"Saan na 'yung ending? Pabasa na dali. Naeexcite ako sa lovestory MO na IKAW mismo nagsulat. Atleast doon mabibigyan mo ng katarungan 'yung hindi mo katuwatuwang lovelife."
Ending? Paano ko gagawan ng ending kung hindi naman talaga nagsimula?
"Walang ending. Tapos na 'yun."
Kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanan na hindi na kami magkikita... Doon na matatapos ang istorya namin. Kumbaga, one shot lang pero implied pa ang ending. Ikaw mag-iisip kung anong gusto mong kahantungan ng dalawang lead characters sa dulo. Kung happy ending ba o tragic.
Siguro sa istorya ko, g'graduate ako at hopefully ay magiging sikat na singer. Kapag kilala na ako sa Pilipinas, mahahanap ko na siya o kaya siya mismo ang makakahanap sa akin.
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.