Chapter 4
Cavis' POV
I'm such a fool. Bakit hindi ko napansin man lang na si Denise na pala 'yung babaeng kaharap ko kanina?
Puro papogi ka kasi.
Umaasa kasi ako na si Denise 'yung unang babae pero hindi pala kaya tuloy nagpalutang lutang 'yung isip ko.
Saka ngayon ko lang siya natitigan kasi kanina tinignan ko lang siya. Nadaanan ng mata parang ganun. Hindi ko kasi ugaling tumitig sa taong kakameet ko pa lang.
Napansin ata nila na napalingon ako sa kanila kaya tumigil muna sila sa pag-uusap. Hindi ako makalapit. Ewan ko ba pero parang nilamon na 'yung paa ko ng lupa. Hindi ko na siya magalaw. ASDFGHJKL. Nanlalambot din 'yung tuhod ko na parang anytime, pwede akong magcollapse dito.
Naisip siguro nila na baka may kailangan ako sa kanila kaya lumapit sila sa akin. The mere fact na mas palapit si Denise, parang luluwa na 'yung mata ko sa sobrang panlalaki. Namamawis na rin 'yung kilikili ko sa kaba.
Bakit ba ako nagkakaganito?
Cavis! Matapang ka. 'Wag lalambot lambot. Si Denise lang 'yan. Yung kababata mong matagal mo nang hinahanap. Yung first love mo. Siya lang naman 'yung babaeng patay na patay ka. Bigger version lang siya.
"Ah... kuya, may kailangan po ba kayo?" tanong nung kasama niya. Para akong autistic na 'ahh' lang ang masabi sabay matuturo na nangangatog kay Denise na parang ewan. Nagiging eccentric na naman ako. Kaharap ko kasi siya eh. Ilang taon ko lang siyang hindi nakita tapos nawala na agad ang immunity ko sa kanya.
Siniko nung babae si Denise, "gusto ata niyang magpakilala ka. Dali na."
"Ako pala si Denise." sabay lahad niya ng kamay. Napalunok ako bigla. Parang ayokong iabot 'yung kamay ko kasi paniguradong namamasa na 'yun. Baka maturn-off siya. Pinunas ko na lang gilid ng t-shirt ko itong namamasa kong kamay sabay handshake sa kanya.
ASDFGHJKL. Ang lambot pa rin ng kamay niya. Pakiramdam ko pa nga pumunta 'yung puso ko sa kamay na 'yun at tumibok tibok.
"Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan." sabay tingin sa akin ng sincere. Napalunok ulit ako. Bumalik lang ako sa wisyo nang magpakilala sa akin 'yung kaibigan niya.
Pagkatapos nu'n, nagkaroon na naman ng nakabibinging katahimikan.
Tatlong bagay ang pumasok sa isip ko habang nasa nakamamatay na sitwasyon sa harap ni Denise.
1. Ang weak ko.
2. Weak
3. WEAK!
Mali pala. Lima ang pumasok sa isip ko,
4. Bakit parang hindi niya ako maalala?
5. Burahin na 'to. Apat lang pala talaga.
Napakurap kurap pa ako matapos magreflect. Tumingin si Denise na parang nagsasabing, 'ikaw? Sino ka?' Ang sakit. Tagos sa puso.
"A------" tanging nasabi ko. Nasaan na ang lakas mo, Cavis? Pinagpraktisan mo 'to ng higit walong taon tapos nganganga ka lang? Eh sa umuuurong talaga dila ko papasok sa lalamunan eh. Pakiramdam ko umiiyak na 'yung kaluluwa ko ngayon kasi sobrang napapahiya na siya. Pati 'yung kilikili ko sobrang umiiyak na rin.
Hindi niya talaga ako maalala. Ang sakit. Laslas. Joke.
All this time, akala ko niloloko lang ako nila mommy na gumwapo raw ako, 'yun pala totoo talaga. Siguro kaya hindi na niya ako maalala kasi pumogi ako--- o baka dahil pumangit ako. Ewan ko ba pero sa itsura kong 'to, sobrang pinagpapawisan ang buo kong katawan especially ang kilikili dahil lang sa babae. Wala eh. Si Denise 'yan. Siya lang nakakagawa sa akin nito.
Nang makaipon na ako ng lakas na sabihing ako si Cavis na kababata niya, bigla na lang may panirang umakbay sa balikat ko na siyang kina-distract ko.
"Hey! Bro! Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala.... sa harap ng mga chicks." pabulong niyang sinabi 'yung huli. Si Andrei. Akala ko siya lang pero nagsama pa pala ng bubwit.
"Mico Mico Mico Mico." sabay hampas sa dibdib ko. Nilagay niya 'yung nameplate ko na nakasulat sa sticker. "Mico Mico Mico." paulit-ulit na sabi ni Bryle. Teka. Saan na naman ba nila nahalukay 'tong ibinaon-at-matagal-nang-kinalimutan kong unofficial nickname na sila lang ang nagbansag sa akin? MiCOCO Martin daw kasi ako. MICOCO MARTIN PICTURE NA NAKAIPIT SA NOTEBOOK ang wala.
Kung alam ko lang, malamang isa 'yun sa mga paepek nilang pant'trip sa akin.
Napatingin ako kay Denise na kasalukuyang nakatingin sa nameplate ko. Bigla na naman siyang nagsalita sabay na tumingin sa akin. Bumilis na naman 'yung kanina pa mabilis na tibok ng puso ko.
"Ahm, kung magkikita tayo ulit mamaya, ililibre na lang kita ng kahit anong gusto mo. Para naman mapasalamatan kita, Mico." ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Napatangu-tango na lang ako na parang 'yung aso sa dashboard ng sasakyan.
May diin nung sinabi niyang Mico. Pero siguro mas maganda kung Cavis. Kahit ano okay basta siya ang nagsabi. Wala eh. Tinamaan na talaga ako nang sobra. Nag-uumapaw pa.
Nung umalis na sina Denise kasama 'yung kaibigan niya, saka lang ulit nawala 'yung pakiramdam kong pagkabaon ng paa ko sa lupa.
Pumunta na ako sa lugar kung nasaan 'yung coursemates ko. Naglalakad nang lutang. Pakiramdam ko kakagaling ko lang sa heaven. Ang sarap sa pakiramdam na nakita ko na ulit siya kahit na masyadong nakakahiya 'yung pinakita ko kanina. Pasalamat na rin ako dito sa dalawa kong alipores kaya nawala 'yung pagkatameme ko. I love you, bros... but i love Denise more.
![](https://img.wattpad.com/cover/10241165-288-k781931.jpg)
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.