Chapter 5
Cavis's POV
Pumunta na kami sa gym. May opening program pa pala.
"Umayos kayo. Konting katahimikan ah. Magdadasal na." sabi ng org president.
Pasimple akong lumapit sa grupo nina Denise para makita ko siya. Pero nung palapit na ako, umalis siya kaya hindi ko na siya nakita. Susundan ko pa sana siya eh kaso baka makahalata siya sa ginagawa ko kaya bumalik na lang ako sa amin.
"Saan ka galing?" tanong ni Bryle.
"Sa tabi-tabi lang."
Nagsimula na ang program sa pagkanta ng The Prayer ng dalawang estudyante. Napayuko ako pero dahil na curious ko kasi ang galing nung mga kumakanta, napaangat ako ng ulo.
Mabagal pero unti-unti akong napasapo sa dibdib ko. Pakiramdam ko lumulutang lahat ng bagay. Bumilis na naman ang pagkabog ng puso ko nang makita ko si Denise na kumakanta sa gitna ng stage.
Boses ng anghel. Mukhang anghel. Nasa heaven ata talaga ako.
Sa buong program, sinusundan lang ng mata ko si Denise. Kapag may lumalapit sa kanyang lalaki, nagtitimpi ako sa panlabas pero sa utak ko, kung anu-anong pangangarate na ang nagawa ko sa kanila. Biro lang. Kahit papaano mabait pa rin ako... pero nawawala 'yun dahil sa mga alien na umaaligid sa kanya.
"Bryle, Andrei, Cavis, Nicholo..." patuloy na nagtawag ng president sa mga participant sa unang laro. Ininstruct sa amin 'yung gagawin at ang mechanics ng game. Something like water balloon game pero 'yung tubig nakalagay sa plastic labo na hinaluan ng food coloring. Makikipagbatuhan lang kami sa kabilang team hanggang sa aalamin kung anong team ang may pinakamaraming players na nabasa. Malalaman naman kasi sa kulay ng tubig na kumapit sa white t-shirt na pinasuot sa amin.
"Ready ka na, Cavis?" tanong ni Bryle sa akin. Nag-apir kami bilang pagsagot ko. Ako pa papatalo? Eh alam kong manonood si Denise. Kailangan magpasikat.
Buong gulat ko na lang nang malaman kong makakalaban pala namin sila. Take note: Isa siya sa player. Nakngfishball. Paano na mga plano kong pagpapasikat? Babasain ko siya? O sasaluhin ko 'yung tubig sa plastic labo na ibabato sa kanya?
Dumating na kami sa part na magkakamayan 'yung two parties sa gitna. Parang maraming nagtunugang kampana sa paligid nung diniianan niya 'yung paghawak sa kamay ko sabay sabing 'Oh Mico!" na may gulat sa tono. "Galingan natin ah." oo siyempre basta sabi mo.
"3, 2, 1 Let the game begin!"
Lumabas na sa hide-out 'yung teammates ko pero ako naiwan doon na nagbabantay ng mga water bags. Ang sama nila. Sabi nila bantayan ko na lang daw tutal gwapo naman ako. Mga pang-uuto talaga nila. Bawal kasi 'tong iwan at baka makuha ng kalabang team.
"Ako na lang magbabantay dito. Ayokong mabasa eh." sabi ng babae kong coursemate pagkarating niya sa hide-out. Sa sobrang tuwa ko at kaexcite-an sa laro, kumuha na ako ng maraming water bags.
Saktong pagkalabas ko, nakita ko si Bryle na naghagis ng water bag at nung sinundan ko kung saan lumanding 'yon, nakita ko si Denise na tinamaan sa balikat.
Lakad-takbo akong lumapit kay Bryle na nagtatalon na sa tuwa. Nabitawan ko 'yung hawak ko para hawakan siya sa balikat at yugyugin.
"Bakit mo siya binasa?! BRYLE! Bakit mo siya binasa?!"
"Kasi kalaban natin siya?" sabi niya na may nakakaasar na tono.
"Siya si Denise!" Nanlaki pa 'yung mata niya sabay sabing "Talaga?"
"Oo kaya 'wag mo siyang basain."
"Siya nga si Denise pero kalaban pa rin natin siya." nang-aasar niya ulit na sabi.
"Baka sipunin siya, Bryle!!!" Hindi pa rin siya nakikinig at patuloy pa rin siyang nagbato ng water bags.
"She's no longer a child. Sumali siya dito at siguro alam niya na ang consequences ng game."
Nakaramdam na lang ako na parang may bumato na sa likod ko. Unti-unting tumagos sa damit ko hanggang sa maramdaman ko na 'yung lamig ng tubig sa likod ko.
"See? Ni hindi niya naalala na pwede ka ring sipunin kapag nabasa ka ng water bag na siya mismo ang nagbato."
Pagkalingon ko, nakita ko si Denise na nakapeace sign sabay sabing 'sorry'.
"Hindi niya 'yun sadya." mahinang sabi ko kay Bryle.
"Eh hindi ko rin sadya. Sorry. Ano ba, Cavis? Game 'to. Malamang kailangang sundin ang mechanics ng game na basain ang kalaban."
"Oo na." napabuntonghininga ako. "Hindi niya ata naalala na kababata niya ako, Bryle."
"Then make her remember." At iniwan na niya akong dumbfounded doon. Hindi ko alam kung paano.
Sa first part pakiramdam ko natalo kami kasi sinasalag ko 'yung tubig na binabato ng mga kups kong bespren kay Denise pero babatuhin naman ako ni Denise pagkatapos kong magpakabayani para sa kanya.
Martir, sabi nga nila. Waterbagzoned ako sa kanya.
Pero sa second at third part ng game, kami na ang nanalo kasi ginawa na nila akong bantay sa hide-out tutal gwapo naman daw ako at bagay magpakamartir sa pagbabantay ng mga water bag.
Panalo kami sa game at pinagharap na kaming two teams sa gitna ng field.
Bigla akong napakanta sa isip ko ng It took one look then forever laid out infront of me. One smile then i died, only to be revived by you, nang mahuli ko si Denise na nakatingin sa akin nung pasimpleng susulyap sana ako sa kanya. Abot-abot na naman siguro ngiti ko nito sa tenga. Ang bading pero KINIKILIG TALAGA AKO EH. Sino bang nagsabi na babae lang pwedeng kiligin? Ibaon na 'yan sa lupa. Kinikilig kami pero hindi lang namin pinapahalata.
Napalu-palo ko pa si Bryle sa braso nang makita ko na ngumiti nu'n si Denise. Nababading na ata ako.
"Masakit!" pagrereklamo ng kaibigan ko pero hindi ko siya pinansin. Tinanong ko pa siya na parang walang panghahamapas na nangyari.
"Bryle, kapag ang babae ba ngumiti nang mahuli siya nung lalaking tinitignan siya, ibig sabihin ba nu'n kinikilig siya?"
"Pwede rin."
"Ano ba?! Sabihin mo oo."
"Edi OO. Masaya ka na?"
"Oo, Bryle. Sooobrang saya ko."
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.