A/N: Chapter dedicated to Alleytots. Ito na 'yung update. Hahahaha. Salamat sa pagsuporta. Huhuhu. Salamat talaga Alleyromae Indong! Sana ma-enjoy mo itong update :) Hihihi.
Salamat din sa mga nagbabasa nito! Umabot na tayo ng thousand reads. Hahaha! THANK YOU VERY MUCH SA 'YO NA NAGBABASA NITO NGAYON! Naenjoy kong sulatin 'to kaya maeenjoy mo rin ang update na ito.
=====
Chapter 20
"Tapos mo nang basahin?" tanong ko para maiba ang topic.
"Oo. May tanong ako."
"Ano?"
"'Yung tungkol sa A Hundred Years Away na magulang niya 'yung may-ari ng coffee shop. Ano'ng ibig sabihin nu'n? Si Silvestre ang may-ari?"
"Hindi. Si Ginang Reyes, 'yung may-ari ng salon na nagsabi sa kanyang kukupkupin siya. Gets mo na?" Tumango siya saka mukhang napa-isip pa kaya nagtanong ako. "May tanong ka pa ba?"
"'Yung tungkol sa ending." sabi niya.
"Nagkunwari lang naman si..." napahinto ako. Bigla kasi siyang nag-lean forward kaya bigla akong natense. Lumakas din bigla 'yung kabog ng puso ko. Kalma, Krystal. Kalma. "s-si Bienvenido. Hindi niya ine-expect na magkikita sila doon." napalunok ako, "Actually, matagal na niyang pinaghahandaan 'yung araw na magkikita sila. Nagtago siya nung mga unang taon niya nang mapunta ulit siya sa panahon ni Mercidez. Gusto niyang maayos siya kapag nagkita na ulit sila." pagpapatuloy ko habang nakatingin sa vase sa table doon sa sala. Napalunok ako nung pagtingin ko kay Matthew, nakatitig sa akin. Maaliwalas 'yung mukha niya. Para bang nag-aabang pa ng sasabihin ko. Napatingin naman ako sa ibang direksyon saka nagpatuloy na. "Gusto niyang magbago para kay Mercidez, para ipakita na mas deserve niya si Mercidez kaysa sa ibang mga lalaking umaaligid doon sa babae nung mga panahong nagmamasid lang siya sa malayo at wala sa tabi no'n."
Bienvenido would spend a day following Mercidez. Nagbabantay siya kapag may pagkakataon--- maraming pagkakataon. Nung araw lang na nagkita sila hindi kasi galing siya somewhere na ayon sa pagkakacompose ng utak ko ay sa church? He must be preparing for their wedding. Ha! Ha! Or somewhere. Probably sa most romantic place para sa engagement pala muna.
Nakita kong napasandal siya saka sinabing "Kumbaga, hindi siya nagpakita ng ilang taon para baguhin ang sarili niya?" sabay nilapag 'yung laptop sa table.
"Yeah, the better him. 'Yung mga unang taon niya nang makarating sa present, nag-aral din siya."
"Hindi niya naman kailangang baguhin ang sarili niya kaya hindi siya nagpakita ng ilang taon kay Mercidez. Ano ba siya?! Hinihintay siya nung babae, iniiyakan siya gabi-gabi. Hindi niya ba naisip na pinatagal niya lang 'yung paghihirap nung babaeng sinasabi niyang mahal niya?" napatingin ako nang diretso sa kanya. Seryoso siya, hindi maliwanag ang mukha niya compare kanina. "In the first place, nagustuhan na siya ni Mercidez sa kung ano siya nung simula pa lang kaya hindi niya na kailangan pang gawin 'yon!"
"Nasasaktan din naman siya nung mga panahong 'yon!" depensa ko. "Ano bang alam niya sa panahon na ang mga babae, sa tingin niya, mas gusto 'yung cool, mayaman, edukado, magandang pumorma at may dating na lalaki kumpara sa lalaking oldies ang datingan?!" napatirik ako ng mata, nadala sa emosyon kaya nagpatuloy sa pagsasalita, "Diba ganoon din naman kayong lalaki? Mas gusto niyo 'yung mga babaeng sexy, skinny, maganda manamit kumpara sa---"
Natigilan ako. Humingang malalim. Oh, crap! Naiinis na ako. Habang tumatagal, parang nagrereflect kay Bien 'yung gusto kong maging ako para lang mapansin ng lalaking gusto ko.
"--- Biro lang. Joke lang 'yun, Matthew." saka ako ngumiti ng pilit.
"Hindi kasi, Krystal---"
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
Roman d'amourJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.