Chapter 19 - Super-sized Princess' Notes

431 17 2
                                    

A/N: Chapter dedicated to LoveTester. Maraming salamat sa pagbabasa, pagvote at pagcomment ng Love in Silence. Hopefully, magustuhan mo rin 'to. Magaling magsulat si LoveTester! Nakakatuwa 'yung story niyang CLASSIC A [Allison: The Goddess of Perseverance] kaya sana mabasa niyo rin.

Enjoy reading as much as I enjoyed writing this. Hahaha.

=====

Chapter 19

Natameme ang chubby girl sa sinabi niya at napa-isip. Teka, kailangan pa bang pag-isipan ang isasagot ko sa kanya? Malamang naman alam na ang sagot. Pero 'yung iwan thingy, parang meron nga ata. Shocks! Nagkalikelife din pala ang mataba--- I mean, sa part ko lang ATA. One sided like?

Krystal's note: 3rd year high school nang simulang humarot--- I mean, nagfeeling mahaba ang hair ng chubby girl. Oops.

Here goes the story.

It was just like any other ordinary days. Palihim na tumitingin kay crush, nakikinig sa lecture ni Ma'am kasabay na nakikinig sa kwento ng madaldal na katabi, nagte-take down notes habang pigil na isulat ang pangalan ni crush sa likod ng notebook, magrerecite especially dedicated kay crush, titingin sa nakangiti niyang mukha at automatic na mapapangiti rin, aalamin kung bakit siya ngumingiti at malalaman na may kausap pala siyang isang higad. Just an ordinary day indeed.

Palaging ganoon ang scenario namin ni Matthew. Hindi ko akalin na crush na crush ko na pala siya dati pa. Char. Konting crush lang naman. 'Yung tipong naiinis ako kapag lumalapit 'yung mga may motibong babae sa kanya kasi hindi ko naman talaga siya masyadong crush.

Humanda kayong mga babae kayo. sa isip-isip ko noon. Pero hanggang isip lang iyon talaga.

Naaalala ko pa 'yung araw na PE namin. Simula na naman kasi ng pasakit na physical fitness na luging-lugi ako lalo kapag bilangan ng curl-ups. Maswerte na'ng makatatlo pero suko na ang katawan ko sa dalawa, so wala talaga. So far, sa previous years eh hindi naman ako bengga sa MAPEH at fortunately, sa buong high school years ko. 

Then that day came into a flash. Biglaan na lang akong nakaligo nang wala sa oras. Inaamin ko, kapag weekend madalang lang talaga akong maligo kasi nga tambak ang gawain sa school pero tama ba namang paliguan ako sa school ng walang shampoo at sabon man lang ? Aba't lugi ako!

Pagkatingin ko sa taas, nakakita ata ako ng anghel.

"Sorry, miss! Hindi ko alam na nandiyan ka. Sorry talaga."

Wala akong masabi sa nakita ko. May kasama pa siyang isang lalaki, alam ko galing 'yun sa kabilang section pero 'yung nagsorry, noon lang nakita ng maganda kong mata. Hindi kaya nakapikit ako kapag nakakasalubong ko siya?

Bakit ngayon ko lang nakita 'tong gwapong nilalang na 'to? sa isip-isip ko noon.

"Miss! Okay ka lang ba? Sorry talaga." pasigaw niyang sabi. Nasa second floor kasi siya.

Ayokong mag-asal kalye at awayin siya sa bagay na hindi niya sinadya. Okay lang naman talaga ako, kakatapos lang ng PE namin kaya makakapagpalit pa ako ng damit.

Sasabihin ko na sana na okay lang ako para makaalis na nang lumapit sa akin 'yung isa kong mataray na kaibigan. Napansin niya rin na nabasa na ako kaya ayun, siya na ang nagreact para sa akin.

"Hoy! Ayus-ayusin niyo nga 'yang pagdidilig niyo. Tingnan niyo may nabasa kayo---"

"Ano ka ba... Okay lang." mahinahon kong sabi kaya nahinto siya saka ko naman inangat ang ulo ko para ngitian 'yung mga lalaki sa taas sabay sumigaw ng, "Okay lang! Sorry sa sinabi ng kaibigan ko, ah? Sige ipagpatuloy niyo na 'yung ginagawa niyo." sabay na hinila ang kaibigan ko papunta sa CR.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon