Chapter 43 - Super-sized Princess' Notes

86 5 3
                                    

A/N: After so manyyyyyyyyyyy moooonths, nakapag-update din. Yes! Sorry for the long wait. Belated happy birthday, Angelica Cruz! Nandito na yung story mo. Nandito ka rin, Mark! Hello rin, Doreen. :) Wieee.

Enjoy reading!

=====

The Guardian Angel

Angelica's POV

I've always been here since our first day in college. Hindi ko alam pero bawat lilipatan kong school, sa chapel ako unang pumupunta. Humihingi ng divine intervention kumbaga, para gabayan ako ni God sa buong stay ko sa school.

Bago pa lang ako makapunta sa loob, ang dami ko na kaagad nadaanan na couple na ang sweet sa isa't isa. Minsan napapaisip ako habang pinagmamasdan sila.

Third year college na ako... Bakit wala pa rin?

Wala pa ring lovelife. Zero. Olats. Tigang.

Okay lang din naman sa akin. Hindi naman ako gaanong nagmamadali. Pero gusto ko lang maramdaman na pahalagahan ka ng isang tao dahil mahal ka niya. Gusto kong maramdamang mahalin hindi dahil kaibigan o kamag-anak ka niya, kundi dahil mahal ka niya dahil ikaw ang nakikita niyang makakasama sa hinaharap.

Lumuhod ako saka napapikit.

Lord,

Salamat po sa lahat ng blessings. Lord, alam ko pong ayaw niyo lang po akong masaktan sa murang edad kong 'to pero... Lord, wala pa po ba talaga? Alam ko pong may inilaan po kayo para sa akin. Kailan ko po kaya siya makikilala? Nameet ko na po ba siya, Lord? Okay lang naman po kahit hindi gwapo, basta ba hindi niya ako lolokohin at kaya niya akong bigyan ng magandang buhay... at 'yun po bang palaging nasa tabi ko kapag kailangan ko ng makakapitan.

Sa huling parte ng dasal ko, bigla ko na lang naalala 'yung unang masamang naranasan ko sa Maynila. Enrolment no'n tapos nanakawan ako. Wala akong pamasahe pero dahil sa isang schoolmate ko na hindi ko na nakilala kung sino, nakauwi pa rin ako.

I'm always praying for that person. Nakakatuwa kasi nung pagkatapos kong manakawan, dumiretso kaagad ako dito sa chapel at nagdasal na, sana, may makatulong sa akin. Wala pang isang oras ang lumipas, dumating kaagad yung tulong. Ayung tao ngang iyon. My guardian angel.

I named my guardian as Keloy. Nakakatuwa lang kasi nakuha ko yung pangalan niya nung mismong araw na 'yon. Habang umiiyak ako, nakarinig na lang ako ng tunog ng violin kasabay ng mahinang boses na nagsasabing "Keloy, Keloy." I always thought that it's my guardian angel's name.

Pagkalabas ko pa lang ng chapel, bigla na lang pumatak yung ulan. Hassle. Puti pa naman 'yung pants ko.

"Keloy!"

Napatingin kaagad ako sa likod ko nang marinig ko 'yung pangalan na 'yon. Boses ng babae ang tumawag. In just a glimpse of an eye, nakaramdan ako ng kamay na humila sa braso ko para paatrasin ako at saka nakita ko na may mabilis na motor na dumaan sa harap ko. That was too close.

"Apat na nga 'yang mata mo, hindi mo pa rin nakita 'yung motor."

Sa lahat ng tao, bakit 'tong antipatiko ko pang kaklase?! Nawawala lahat ng kabaitan ko sa taong 'to.

"Wow. So feeling mo superhero ka na niyan?" Pagtataray ko. Sa kanya ko lang 'yun ginagawa, baka isipin ng iba nagpapacute ako. Aba't hindi! Sa tuwing nakikita ko 'yung mukha niya, nababadtrip ako. Malamang ganoon din siya sa akin. Great! Mutual pala ang inis namin sa isa't isa.

"You're welcome." bigla siyang napa-ismid, "Akala ko ba matalino ka? Kapag tatawid, tingin kana't kaliwa muna, ha? Pre-school tinuro na 'yan, Miss Angel."

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon