"Cute ka sana, mataba ka lang."
Sa mundong payat na babae lang ang maganda sa paningin ng mga lalaki, na kahit chipipay at jejemon eh mapili na rin sa shoshotain, kaawa-awa talaga kaming matataba--- chubby o super-sized para mas sosyal pakinggan. Aangal ka pa ba eh sasabihin mo na nga lang iyon sa akin?
"Gwapo ka sana kaso humarap ka lang."
"Aba't palaban kang baboy ka ah!" sigaw sa akin ni jejeboy. Napataken aback naman ang fats ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako ngayong araw. Parang may kakaiba sa akin.
Lumapit siya nang lumapit kasama 'yung dalawang alipores niyang nakajejecap din. Itinaas niya 'yung kamay niya na akmang susuntukin na ako kaya naman napapikit na lang ako. Hindi ako makagalaw, ni mga pata ko hindi ko maikilos sa sobrang kaba. Kung tatakbo man ako, malamang limang metro pa lang eh hingal kabayo na ako.
PATAY.
Nakaramdam ako ng parang hangin na dumaplis sa buhok ko at pagdilat ko, nakakita ako ng superhero sa katauhan ng palihim na iniirog kong si Matthew. What the--- palihim na iniirog? Bura bura. Nakahawak siya sa kamao nung lalaking nakajacket kahit tirik ang araw.
"Sinong nagbigay sa 'yo ng karapatan na saktan siya?" sabi niya habang hinahangin ang buhok. Naks. Nakadagdag sa kagwapuhan.
Krystal's first note: Mas gwapo pala siya sa action scene.
Napangisi 'yung leader ng mga jejeboy at pinandilatan pa si Matthew.
"Kaanu-ano mo ba 'tong baboy na 'to? Alaga mo? Umalis ka na lang dito, boy. Sayang mukha mo kung sisirain lang namin 'yan para sa mataban---"
Sinipa na ni Matthew 'yung leader bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya. Umatake naman 'yung dalawa at nasuntok ng isa si Matthew sa tagiliran pero nakabawi naman siya ng sipa. 'Yung leader na nakatumba sa sahig, inapakan ko na lang. Tingnan ko lang kung makagalaw pa 'to sa bigat ko. Sesermunan ko pa sana 'tong inaapakan ko nang maramdaman ko na lang 'yung kamay ni Matthew na hinawakan 'yung wrist ko sabay na hinila ako papunta sa hindi ko alam kung saan.
"Teka, bakit tayo tumatakbo?"
"Marami na sila. Hindi mo ba nakita?"
"Sorry, busy ako doon sa leader eh. HA?! Nasaktan ka ba?"
"Medyo lang naman." nilingunan niya ako at sabay na ngumiti. Naks ulit. 2 pogi points.
Krystal's second note: Ang gwapo niya sa pacool effect.
Hindi pa ata kami nakakalayo pero hingal na hingal na ako.
"Matthew, pagod na ako. Mauna ka na. Pabayaan mo na lang ako."
"Hindi pwede. Sasaktan ka nila. Kayanin mo muna! Malapit na tayo."
Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong ngang marami na sila. Hindi ko akalain na marami palang nagmamahal sa jejeboy na iyon.
Lumuhod si Matthew sa harap ko. "Sumakay ka sa likod ko."
"Ha? Matth---"
"Bilisan mo na lang!"
Krystal's third note: Pinapabilis niya ang tibok ng puso ko kapag nagsusungit siya.
Dali-dali akong sumampa sa likod niya. At nung tatayo na siya, mukhang hirap na hirap pa siya. Nakakahiya naman.
"Ang bigat mo pala talaga."
Nahampas ko na lang siya sa braso."Bilisan mo na lang sa pagtakbo."
"Sa susunod, isang cup ng rice na lang, ha?"
Krystal's fourth note: Ang cute niya nang sabihin niya 'yan. Hihihi.
"'Wag ka nang magsalita, mas nakakapagpapagod 'yan. Dali. Go, HORSEY! Malapit na sila!"
Sa sobrang kabigatan ko, ang bagal na ng takbo ni Matthew na halos dalawang metro na lang ang layo ng jejeboys sa amin.
"Sige na. Ibaba mo na ako, Matthew."
Krystal's fifth note: Hindi niya ako kaya. So, 'wag nang magpabuhat sa kanya next time.
Walang anu-anong tumigil si Matthew sa sinabi ko pati na rin 'yung mga humahabol sa amin. Bumaba na ako sa likod niya at humarap sa kanilang lahat.
"Sige. Okay na. Thank you sa participation, guys."
Pumikit ako. Huminga nang malalim. At pagkadilat ko... ang pagd'daydream ko ay nagwakas na rin. Maling-maling gawin scene sa imagination na ang antagonists ay mga gangster. Kapag nangyari iyon sa totoong buhay, I'll be a dead meat, kasama na rin kung sino man ang tutulong sa akin. Pero malayo naming mangyari 'to sa akin kasi kahit sabihan akong mataba, baboy, chubby, piggy, lechon... hindi naman ako lumalaban.
Nakakadown naman. Kahit sa imagination ko hindi maganda 'yung nagiging ending. Tapos 'yung leading man ko pa hindi man lang kinaya na buhatin ako. Ang taba taba ko kasi. Ilang beses na akong nagtangkang magpapayat pero hindi ko naman natutuloy. Ningas kugon.
Kapayatan, pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa?
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.