A/N: Happy Birthday @Eurika_Seven :) Inistalk ko kasi account mo kaya nalaman ko na birthday mo ngayon dahil masyado akong natutuwa na natutuwa ka sa story ni Krystal. More birthdays to come and God bless. Tiwala lang, kung hindi man ngayon, sa future makikilala mo rin ang Bien at Matthew ng buhay mo. God bless! This chapter is especially dedicated to you. :) Sana magustuhan mo.
Hello rin @JustDeeeyn97 ! Masaya ako na natutuwa ka sa story na 'to. :)
=====
Chapter 38
Pagkalipas ng ilang segundo, binalikan niya rin ako. Tinulungan niya pa nga akong makatayo. Hindi ko na siya nahabol kasi namitik ‘yung paa ko at nahirapan din akong tumayo. Hirap talaga kapag sexy. Ehem. At the same time, parang huminto rin 'yung mundo ko sa ginawa niya. Shocks. Shocks.
Nakaisang ikot na kami sa paligid ng clubhouse at court nang walang nagsasalita. Nahiya siya? Nahiya rin ako bigla eh. Parang umurong 'yung dila ko papunta sa esophagus. Ano bang dapat sabihin? Wala. Ang gulo. Nahihibang na rin ako.
Sa pangalawang pag-ikot namin, hinila niya na lang ako bigla papunta sa gitna ng court na may mga nagbabadminton at basketball tapos bigla siyang kumanta ulit doon ng 'treasure' with matching sayaw na. Total performer ang Matthew! Nakakatuwa! Hindi ko alam kung saan niya nakuha ‘yung steps pero--- goodness gracious for the nth time--- ang cute niyang tignan. Pati mga baby fats ko ata e natuwa. Isang chorus lang naman ‘yung kinanta niya, after that, hiyang-hiya na siyang nagtakip ng mukha. ‘Yung babaeng nagbabadminton na nakapanood ng ginawa niya, ngiting-ngiti pa bago bumalik ulit sa paglalaro.
“Sige, pwede ka nang tumawa.” sabi niya.
Natawa nga ako pero hindi naman napahagalpak. Tawa with poise lang.
“Para saan ‘yon?” Para ba mabuo ang umaga ko? Makita lang siya, okay na e. What?! Haharot.
Tinanggal na niya ‘yung pagkakatakip niya sa mukha saka nagsalita. “Panabla sa kamalasan kanina. Sabi sa ‘yo malas talaga kapag ikaw lang ‘yung nakakarinig ng kanta ko e.”
“Ano ba’ng kamalasang nangyari?” Parang wala naman.
“Hindi mo ako iniimik kanina pagkatapos nung...” huminto pa siya, “Nagalit ka ba? Sige, pwede mo na akong sipain or daganan. Sige lang.”
I gave out a shallow laugh. Bakit ang cute ni Matthew?
“Praning ka na. Kain na tayo. Hindi ako galit.”
Biglang nagliwanag ‘yung mukha niya, "Talaga?"
Tumango ako saka inabot sa kanya 'yung kamay ko para palapitin siya sa akin. Ngumiti siya saka kinuha na 'yung kamay kong naghihintay sa paghawak niya. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon para wrestling-in, karatehin at jombagin siya.
Biro lang.
Inilapat ko sa kamay niya 'yung tali ni Choco habang karga ko naman ang aso. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa fastfood chain habang nag-uusap. Kwentuhan ng iba't ibang bagay. Memapag-usapan lang kami habang hinihintay ang order.
Sa labas kami ng kainan umupo kasi may dala kaming aso. Napatingin na lang ako sa number na nasa table na binigay kay Matthew sa counter. Nung bata ako, as a typical kid na may balak malaman ang kahiwagan ng mundo, tinanong ko pa kay mama kung ano'ng significance no'n. Sabi niya, para raw malaman na sa amin 'yung ihahatid ng crew na pagkain. We just have to wait. May instances lang na matatagalan iyon kaya kailangan mo nang lumapit sa namamahala para tanungin kung bakit masyadong matagal. Pagkatapos ng maayos na pakikipag-usap, makukuha mo na rin ang order mo.
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.