Chapter 47 - Super-sized Princess' Notes

59 5 2
                                    

A/N: Hindi ko sure kung tatagal pa  yung POV ni Krystal. Ilang chapter pa siguro at POV na ni Matthew. Yehey! Pinapagalitan na ako ng mga kaklase ko dahil sa bagal at tagal ko raw mag-update kaya ito na. :) Enjoy reading! :D

=====

Krystal's POV

Nagising ako sa kalampag na narinig ko sa pintuan ng kwarto. Aba't may nab'beauty rest dito! Abala!

Hindi ako tumayo para pagbuksan yung kumakatok. Hindi naman kasi nakalock 'yon. Hindi naman si mama or papa 'yon kasi mahinang dalawang katok lang ginagawa nila.

Baka si kuya? Galit ata kasi nakain ko yung cookies niya sa ref. Malay ko bang kanya 'yon? I thought it's for everyone.

May kumatok ulit, malakas 'yon.

"Sorry na, kuya! Hindi ko na ulit kakainin cookies mo!" sigaw ko habang nasa ilalim ng kumot.

Narinig ko na lang na bumukas na yung pinto. Pinilit kong makasalita kahit tamad na tamad ako at antok pa rin.

"Sorry... cookies."

"Good morning, Krystal. Cookies ba gusto mo for breakfast?"

Napabangon ako ng 'di oras nang marinig ko yung boses ni Matthew. I was surprised to see him this early, lalo na nung nakita kong may dala siyang tray na may mga pagkain.

"A-ah? Cookies?" Umiling ako, "Hindi, kasi nakain ko yung cookies ni kuya kahapon. Mukhang nagalit."

Napatabingi siya ng ulo, mukhang may inaalala "Cookies? Naaalala ko si ate na nagbake nu'n nung nakaraang araw." pinagsawalang bahala niya na lang, "Hayaan mo na yang si Kade. Sabihin mo lang yung pangalan ko, hindi ka na nu'n aawayin."

Nginitian ko siya sabay tumingin sa tray na hawak niya.

"Ano pala 'yan, Matthew? Mukhang masarap, ah? Ang bango e."

"Breakfast in bed, Krystal. Pancake saka hot choco." sabi niya saka nilapag sa kama ko yung mga pagkain. Pandalawang tao 'yon. Obviously, for the both of us. Super sweet.

Kinuha ko yung maliit na folding table sa ilalim ng kama ko saka inayos 'yon at iniligay sa kama para paglapagan ng tray.

"Si Tita nagluto niyan. Sabi niya pagdalhan na lang kita dito kasi raw masama pakiramdam mo kahapon. Hindi mo sinabi sa akin na hindi ka pala okay. Napuyat pa tuloy kita."

Nabilaukan ako nang maalala ko yung... kiss. Saka lang kumalma yung lalamunan ko nang makainom na ako ng tubig.

"A-Ah, oo. P-Pero okay naman na ako. Salamat, Matthew. Teka, kanina ka pa nandito ibig sabihin?"

Tumango siya. Kakapasok niya na lang naman siguro, 'no?

"Hindi ka naman siguro pumasok kanina dito, 'no?"

"Actually nanggaling na ako dito kanina."

"Oh."

"Hindi kita ginising kasi mukhang ang sarap ng tulog mo e. Humihilik ka pa kanina." saka pinigilan niyang tumawa.

"Ooooy, hindi ako 'yon. Si... ano 'yon... yung aso namin 'yon! Grabe." sabay turo sa isa naming aso na dumaan sa harap ng pinto ng kwarto ko.

Tumawa siya ulit, "Biro lang." sabay tawa na naman saka pinisil yung pisngi ko. "Ang cute mo talaga."

Bago pa ako maubusan ng hininga sa kilig e sinimulan ko nang kumain. Ang sarap naman ng ganito, paggising mo sa umaga, yung taong espesyal sa 'yo yung bubungad sa mata mo... at may dala pang pagkain! Bongga!

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon