Chapter 8 - Forever my Childhood Sweetheart

434 14 13
                                    

Chapter 8

Krystal's POV

"Hey Crystal! Nasa line ka pa ba?" tanong sa akin ni Cavis.

"Ah--- Oo Cavis!"

"Akala ko wala ka na eh. Hindi ka kasi sumasagot."

"Sorry ah. Masyado lang kasi akong naamaze sa pagkikita niyo saka ngayon ko lang nalaman na may kababata ka palang naiwan. Dali! Ituloy mo na 'yung kwento."

"Anong sa tingin mo, Krystal? Magkikita pa kaya kami?"

Napaisip ako. Mahirap magsabi ng bagay na pwedeng magpaasa lang sa isang tao. Kaso hindi ko naman pwedeng sabihing hindi na at baka sobrang malungkot siya.

"Hindi ko sigurado eh. Pero malay mo gumawa ng paraan ang tadhana para magkita kayo. Napakalaking coincidence na nga na same course ang kinuha niyo eh so may possibility na mameet mo ulit siya. Kung sakaling pagtatagpuin ulit kayong dalawa, 'wag mo nang palampasin ang pagkakataong magpakilala. Umamin ka na rin. Wala namang mawawala kung ireject ka niya eh. Atleast nasabi mo kung anong nararamdaman mo." 

"Hay Krystal. Salamat talaga. 'Yung huling sinabi mo, bakit hindi mo kaya 'yan gawin? Umamin ka na kasi kay---" naunahan ko na siya bago pa niya matuloy kung ano mang sasabihin niya.

"Oy! Oy! Babae ako. Ayokong gumawa ng first move." saka alam ko namang marereject lang ako. Masakit 'yun para sa babaeng katulad ko. "Dali na! Ituloy mo na 'yung kwento."

"Actually, nasa binder ko 'yung kwento. Ang title nu'n--- The adventures of Cavis chuchuchu. Nakakahiya 'yung title eh. Basta hanapin mo na lang."

"Ah sige!" Binaba ko na 'yung telepono at sinimulang hanapin 'yung sinabi niya. Nakita ko rin agad at sinimulang basahin iyon.

=====

THE ADVENTURES OF CAVIS: FINDING HIS CHILDHOOD SWEETHEART

"Hindi na kailangang ipaalala ang nakalimutang nakaraan kung pwede namang gumawa ng mas magandang bagong alaala." Naks. Umiintro ako. Ito na.

Lagi na lang akong nahohopia. Wala na bang iba? nakakasawa na kasi.

Sunday, 8:30AM

"Bryle, sa tingin mo dadating pa sila? Babalikan pa kaya ako ni Denise?" malungkot kong tanong.

"Hindi ko sigurado eh." naghihintay kami sa parking lot ng school. Dito kasi ang babaan ng mga estudyante mula sa iba't ibang school dala ng shuttle bus.

"Nakikita mo ba 'yon?" sabay turo sa paparating na bus. "Sa school 'yan nila Denise." at dali dali kaming lumapit papunta doon.

Tumapat kami sa bandang pintuan ng bus at hinintay na maglabasan ang mga estudyante. Isa, dalawa, tatlo, apat... halos lahat ng babaeng lalabas may malagkit na tingin sa aming dalawa. 'Gwapo ba talaga ako? Bakit kailangan nila akong titigan nang ganyan?' mahinang sabi ni Bryle. Nagpatuloy lang kami sa paghintay kay Denise.

Lima, anim, pito hanggang sa pinakahulihulihan ay walang nagpakita ni anino ni Denise. Tinapik ako ni Bryle sa balikat at inaya nang bumalik sa gym.

Lumipas ang ilang oras ng kabugnutan at naisip kong umalis na muna doon. Mage-emo-emohan na lang muna ako sa bay sa likod ng canteen. Kahit papaano kais, naaalala ko doon si Denise.

Umupo ulit ako sa concrete wall. Naka-apat na tokneneng ata ako at sumakit batok ko. Napapakain talaga ako ng marami kapag depressed. Buti hindi ako tumataba.

Napakanta ako. "Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat. Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat. Naalala ko pa noon nag aagawan ng--- ugh!" napahinto ako kasi parang sinapak ng malansang amoy 'yung ilong ko. Aalis na sana ako pero nawala rin naman 'yung amoy pagkalipas ng ilang minuto.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon