A/N: Hi SittieNihayaNaga! This chapter is dedicated to you! Salamat sa pagvote at pagcomment sa mga chapter ng kwentong ito. Sana naeenjoy mo. Huhuhu. Maraming salamat sa pagfollow at pagsuporta. Natutuwa ako sa mga comment mo na nababasa ko. Shoutout din kay Angelica Sarsale! Kaway-kaway. Hihihi. V-in-ote mo kasi 'yung last chapter at ikaw ang isa sa mga masusugid kong reader. Salamat talaga! Kay Alleytots din na naghihintay ng update, ito na! Nandito rin ang pangalan mo. Yieee.
At sa iyo na nagbabasa nito, sana magustuhan mo. Thank you.
=====
Chapter 21
Krystal's POV
"Matthew... teka---"
Kahit na ba go lang ako kapag pagkain na ang usapan, medyo wala pa doon ang focus ko lalo na't namatyagan ng mata ko 'yung isang taong ang tagal-tagal ko nang gusto makita ulit.
"Ayaw mo pa bang kumain?"
Lumingon ulit ako sa kung saan ko nakita si Rupert. May mga dumadaan na tao kaya hindi ko siya makita nang maayos. Ito namang katabi ko hindi paawat. Hindi tatakbo ang mga kariton ng pagkain! (itutulak lang 'yan)
"Kalma, Chu."
"Ano?"
Ohmyghawd. I've been hiding from him that codename for almost forever.
Ano naman kung malaman niya?
Kabado ka masyado, Krystal. Para namang may matutuklasan siya ah. Sus. Notebook lang naman 'yun na pinalamanan ng pinakatagu-tagong liham na unknown ang sender at ang recipient ay nagtatago sa pangalang Chu na dati na niyang nakita na hopefully hindi niya nabasa. 'Yun notebook na puno rin ng mga sulatin sa pangarap niyo (na sa 'yo lang talaga. Masabi lang na OUR Dreams ang title.), mga hinanakit mo kapag nagseselos ka tuwing may babae siyang ine-entertain, mga doodle mo ng CHU at Chu with a heart sign sa likod ng libro mo. Idagdag pa pala ang username mo sa twitter na ChuPerK. Sounds like Super K with that pa-baby pronunciation but it is actually Chu for K or Matthew for Krystal. Lakas mangarap. Iyon lang naman ang mga bagay na matutuklasan niya.
"Ah--- ang sabi ko kumalma ka. Akala ko ba hindi ka nagugutom? Bakit parang hayok na hayok ka na ngayon sa pagkain?"
"Ewan ko. Parang nagutom ata ako nung makita ko 'yun." sabay turo sa barberque stand na humahalimuyak ang usok hanggang sa kinatatayuan namin. Naglakad kami papunta roon. Nawala na rin sa isip kong tingnan ulit kung si Rupert ba talaga ang nakita ko o hindi. Baka namali lang ako.
Napatangu-tango ako habang pasimpleng tumitingin-tingin sa kamay niyang kanina pa pala nakahawak sa balikat ko. Krystal is so happy, isn't she?
Umorder siya ng apat na barbeque para sa akin... Kidding. Para sa amin. Nagulat na lang ako nung hawakan niya 'yung kamay ko para ilayo ako doon sa mausok na parte ng tinadahan na para bang wala lang sa kanya iyon pero para sa akin, it feels like heaven. Chos. Binitawan niya lang iyon nung tumingin siya sa akin para sabihin 'Mausok' saka siya ngumiti at binalik din agad ang tingin sa iniihaw.
Mas nahirapan ata akong huminga nung gawin niya iyon kumpara sa mausukan.
"Matthew, bibili lang ako ng maiinom."
"Ako na lang."
"Hindi na. Dito ka na lang. Stay put." sabi ko habang nakataas ang kamay na para bang pinipigilan siya.
Nung patalikod na ako, pinigilan niya ako kaya napaharap ulit ako sa kanya.
Krystal's note: Tumigil lahat ng bagay sa palagid. Parang kami na lang dalawa ang nag-e-exist sa mundo. Parang may nagtutugtugang kampana kasabay ng pagtama ng mata niya sa akin. Eeek. Napakadramatic naman!
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.