A/N: Mayroon pong mga short story sa loob ng kwentong ito. Kung gusto niyo lang po ng story ni Krystal, pwede niyo namang laktawan iyon (pwede niyo ring basahin para masaya. Hihihi). Nilalagyan ko naman ng title per chapter kaya malalaman niyo kung kay Krystal o sa iba iyon. Thank you. Enjoy reading.
=====
Chapter 1
Sabi nga nila, destiny or fate is a matter of choice and control. Tayo ang pumipili ng landas na tatahakin natin. Bakit kailangan pa nating umasa sa mga bituin, baraha, charms o sa bolang kristal kung tayo mismo ang may kontrol sa ating mga gagawin?
"Krystal! 'Yung kanin! Baka masunog na naman." sigaw ni ate mula sa labas.
"Oo na! Saglit lang." sinara ko na muna ang librong kanina ko pa binabasa at patakbong pumunta sa kusina. Ayokong kumain ng tutong na kanin. Pero bago ako makarating doon, nagulat ako nang makita ko si Matthew na saktong kakapasok lang sa bahay. Magtatago sana ako kung saan man magkakasya 'yung fats ko kaso nakita niya na ako. Sa laki ko ba namang 'to eh.
Marahan akong nagpatuloy na sa pagpunta sa kusina kaso tinawag niya ako kaya napahinto ako. "Krystal! 'Yung kuya mo?"
Hindi ako makatingin sa kanya habang papalapit siya sa lugar ko. Hay Matthew, hindi ko akalain na magiging ganyan ka kagwapo. Nakakahiya na tuloy makipag-usap sa 'yo.
"A-a-h--- H-hindi ko alam." nauutal-utal ko pang sabi habang tinataas ang kamay na parang sinasabing 'Ewan.'
"Bakit hindi mo alam?"
"A-ano bang klaseng tanong 'yan? B-bumalik ka na lang mamaya." Tanungin daw ba ako kung bakit hindi ko alam? Eh hindi ko nga talaga alam eh. Hawak ko ba buhay ng kuya ko? Basta ang alam ko pagkagising ko nakaalis na siya.
Tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko nagbounce 'yung mga bilbil ko katulad ng pagbounce ng puso ko. "Ano pa bang kailangan mo?" this time, nakatingin na ako sa kanya nang sinabi ko iyon.
"Psh. Sungit naman." nakasimangot niyang sabi at sinimulang gayahin 'yung sinabi ko kanina. Pati 'yung facial expression ko ginaya rin. Nang-aasar talaga.
"Tigilan mo nga 'yan. Hindi bagay."
"Bakit ba inis ka sa akin? Parang kahapon lang okay tayo ah?" "yung tinutukoy niya ata eh 'yung groupings kahapon sa class namin. Wala naman akong magagawa doon kasi ako ang naging leader. Nakakapayat daw kasi ang pagiging leader. Mga pauso talaga sa panahon na 'to. Sus.
Kasi ayoko munang makausap ka dahil ang dugyot kong tignan ngayon. Hindi ako nakapagsuklay at nakapaghilamos man lang. Nahiya naman ang humahalimuyak kong amoy sa 'yo. Napatingin ulit ako sa malayo at tinalikuran na ulit siya.
"Okay naman tayo ah? Sige na, bumalik ka na lang mamaya." sabi ko habang nakatalikod sa kanya. Hinawakan niya ulit ako sa balikat kaya napahinto ako. "Ano na naman ba?"
"Ah-- Krystal..."
Inabangan ko kung anong sasabihin niya kaso nahinto siya at sabay na inamoy ang paligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/10241165-288-k781931.jpg)
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.