Chapter 40 - Super-sized Princess' Notes

133 3 7
                                    

A/N: Para sa lahat ng in love, in like, heartbroken... nawa'y kiligin kayo sa kwento ni Krystal. @JElly_Banzaime , smile :) Kina Angelica, Mark, Ser Nicole, Alley. HELLO! Smile. Maganda'ng buhay! Matatapos ko rin ang mga love story niyo.

Enjoy reading!

=====

Chapter 40

Nakikinig lang ako ng music habang hinihintay na dumating 'yung professor namin nang may biglang magtanggal ng isang earphone sa kaliwang tenga ko. Si Matthew. Umupo na rin siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Anong pinapakinggan mo?" tanong niya.

"Currently playing 'yung Forevermore ng Side A."

"Pa-share, ah? Ang senti mo kasi e. Mukhang ang lalim ng iniisip mo." saka niya nilagay 'yung isang earphone sa tenga.

"Hindi naman." saka ako bahagyang tumawa. Saktong may nagtext sa kanya, Dada niya. Tumingin muna siya sa akin bago nagreply.

"Anong sabi?" tanong ko.

Pinabasa niya sa akin 'yung text ni Tito. Napaaga 'yung uwi niya from Cebu at mukhang may urgent na sasabihin kasi gusto silang i-meet na family for dinner daw.

"Hatid muna kita pauwi bago ako pumunta doon."

"'Wag na. Dumiretso ka na lang doon. 8pm daw o. 7:30 dismissal natin. Mukhang malayo pa 'yan kaya pumunta ka na agad doon."

"Super late na nga ng uwian natin tapos mag-isa ka pang uuwi. Delikado, Krystal."

"Mag-iingat na lang ako. Saka kaya ko. Ilang taon ko na 'yang ginagawa, Matthew."

Mukhang naconvince naman siya sa sinabi ko at bumalik sa tuon na sa pagreply. Nagsalita naman siya habang nagtatype.

"Bakit kaya? Hindi naman namin kasi madalas ginagawa 'to. Usually sa bahay lang kami kumakain after umuwi ni Dada galing business review."

"Baka may ipapakilala sa inyo. Baka may ia-arrange marriage sa 'yo." Bigla na lang lumabas sa bibig ko. Nagulat din ako sa sinabi ko kaya natigilan ako ng saglit. Pinakiramdaman ko 'yung tibok ng puso ko. Faster than the usual. Uminom na ba ako ng gamot? Kanina pa. Bakit parang kinabahan ako bigla?

Tumingin ako sa kanya. Nakita ko na busy pa rin siya sa pagpindot sa screen ng phone.

"Imposible. Saka ang cliché ah? Hindi nakaisip si Dada ng cool love story sa only son niya?" tumawa siya sabay pindot ng send at saka tumingin sa akin na may ngiti sa labi. "Hindi 'yon." paninigurado niya.

"Paano kapag meron nga?"

Walang anu-anong sumagot siya sa tanong ko.

"Would you run away with me?"

Parang huminto nang panandalian ang mundo ko sa sinabi niya. Tumingin ako ng diretso sa mata niya. Nararamdaman kong walang halong biro 'yung sinabi niya base sa basa ko sa kislap ng mata niya at sa pagiging seryoso ng mukha niya. Bigla, ngumiti siya.

"'Wag mo na kasing isipin 'yon. Nag-o-overthink ka lang masyado."

Baka nga. At sana nga iniisip ko lang 'yon at hindi talaga mangyayari. Hanggang sa mag-uwian na, nakatulala lang ako habang naglalakad sa loob ng subdivision. Nauna na akong umuwi kasi hindi maganda 'yung pakiramdam ko, at the same time sira rin kasi 'yung pants ko. Napaisip ako ng bagay-bagay bigla.

Nakikita ko si Matthew na nakatayo sa harap ng pamilya niya at ng iba pang tao na hindi ko kilala. May kasama siyang babae habang nakahawak siya sa bewang no'n. Nakangiti silang dalawa. Parang ang saya-saya nila.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon