Chapter 32 - Super-sized Princess' Notes

177 11 4
                                    

Chapter 32

Krystal's POV

Nagsimula na akong maglakad papunta sa bahay nila Matthew nang may kumakabog na puso. Wala akong dalang phone o earphones. Nalowbat phone ko dahil sa kakapanood ko ng video pampagoodvibes tapos 'yung earphone ko nasa bag ko pa.

Walang dapat ikakaba, kukunin mo lang bag mo. Mag-uusap lang kayo ng konti tapos uuwi ka rin agad.

"Good evening po, si Matthew po?"

"Nasa kwarto niya, Krystal." sagot ng dada ni Matthew na himalang nasa bahay nila. Masyado kasing busy iyon sa trabaho. As usual, nasa harapan siya ng laptop habang may tinitignang business report, "Mommy! Pakitawag nga si Matthew. Nandito si Krystal."

Pumunta sa sala 'yung mommy ni Matthew galing kusina.

"Kanina ko pa nga tinatawag para sa dinner, ayaw namang lumabas. Pinatawag ko na sa kuya mo nung pumunta siya dito kanina pero pinapasabi raw na busog pa siya. Is there anything wrong?" nag-aalalang tanong ni tita.

"Wala naman po. Kukunin ko lang po 'yung bag ko sa kanya."

"Ah, 'yun ba? Pinapatuyo ko, medyo nabasa kasi."

Nabasa?

"Po?"

"Maagang umuwi si Matthew kanina. Basang-basa. Lahat ng dala niya nabasa, pwera lang 'yung iyo. Labas lang ang basa dahil siguro nadikit sa mga dala niyang basa. Naiwan niya kasi 'yung payong niya dito. Buti na lang hindi masyadong pinasok ng tubig 'yung loob ng bag niya."

Hindi tinanong ni tita kung bakit na kay Matthew 'yung bag ko. Baka naipaliwanag na niya. Umalis si tita para kunin ata 'yung bag ko pero bumalik siya ng empty handed.

"Wala na doon sa pinagpatuyuan ko 'yung bag mo. Mukhang kinuha na ni Matthew. Puntahan mo na lang sa kwarto niya para makuha mo na, Krystal. Pumasok ka na lang, baka kasi tulog 'yon."

"Papasok po a-ako?"

Ang paulit-ulit ko ngayon.

Tumango saka ngumiti sa akin si tita. Usually kasi, hanggang labas lang ako ng kwarto ni Matthew. Minsan lang ako nakakapasok. Bilang ng isang kamay. Mas maraming beses doon, sapilitan.

Hala. Binasbasan na ako ni tita na lusubin ang kwarto ni Matthew. Normally, sinasabi sa akin 'Puntahan mo na lang sa kwarto niya.' which also means kumatok ka't kunin mo ang kailangan mo.

Pero parang pinanghinaan ata ako ng tuhod.

"Ah--- babalik na lang po ako bukas."

"Sige na, 'nak..." pilit ni tita, "Puntahan mo na si Matthew sa kwarto niya. Gisingin mo kung tulog. Ayain mo na ring kumain at baka sakaling sa 'yo sumunod. Nilalagnat din kasi siya pagkauwi niya eh. Kailangan niyang kumain para makainom na rin ng gamot."

Bigla namang nagsalita si tito, "Gusto atang magkasakit ng batang 'yon." aniya, "Ang tigas ng ulo. Sabing patitilain muna ang ulan bago umuwi kung walang dalang payong or itext ako para maisabay ko siya sa pag-uwi." napailing na lang si Tito.

Sana ginamit niya 'yung payong ko. Kahit masama ang loob ko sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.

Dahan-dahan akong humakbang sa hagdan nila. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang anytime, tatalon na itong puso.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon