Krystal's POV
"Cut! Okay na 'yun. Nice, Skye." sabi ko pagkapindot ko ng stop sa SLR ni Kaye. Kinuhanan kasi namin 'yung part na naglalakad na siya sa kalsada bago niya makita si Bienvenido, played by Matthew. Nakakaamaze lang na lakad pa lang ni Skye, nakaka-identity crisis na ang peg.
"Matthew!" sigaw ko. Matthew ko! Bibi. Hihi.
Sumagot siya mini seconds after ko siyang tawagin. "Po? Tubig? Food? What?"
Tumawa si Aldrin sa sinabi ni Matthew. Ay wow. Ganu'n agad-agad? At ito namang si Aldrin, hindi ko alam kung bakit 'to nandito. Kagrupo ko ba 'to?
"Nako." Pang-asar si Matthew. Tumatagaktak na nga pawis ko at pagod pa tapos gano'n?
"Bakit ba?" tanong niya, "Miss mo na ako?" bulong niya nung nakalapit na siya sa akin.
Emerghed, Matthew.
"Nah." sabay dila ko, "Doon ka na." saka ako tumuro sa spot kung saan magandang angguluhan na magsasama sila ni Skye sa frame ng video.
"Tsk tsk." sabi niya habang naglalakad na palayo.
The filming went fine--- doon sa scene na 'yon. Matthew portraying an innocent character is cute. Really really cute. Nakangiti nga ako the whole time na kinukuhaan ko siya. Ewan ko ba. Habang nakatingin ako sa kanya sa camera screen, gustong isigaw ng puso ko na, "Labidabs ko 'yan!"
Bago kami magpatuloy, nagkaroon muna kami ng break since it's already dinner time. Nagwawala na rin kasi 'tong mga baby dragons sa tiyan ko, mahirap na, baka mangain ako ng tao kapag nasobrahan sa gutom.
'Di naman ganoon kalayuan yung kinainan namin sa lugar namin kanina kaya saglit lang at nakabalik din kami. Pero bago man kami makaliko ni Matthew sa eskenita papunta sa kalyeng pinagshooting-an namin kanina, bigla siyang huminto sa paglakad kaya napahinto rin ako. Nagpatuloy lang 'yung iba kaya naiwan kaming dalawa.
"Bakit ka nahinto? Masakit tiyan mo, 'no?" biro ko sabay tusok sa tiyan niya. Hinawakan niya naman 'yung kamay kong 'yon kaya natigilan ako.
"Yayakapin ako ni Skye sa next scene. Okay lang ba 'yun sa 'yo?"
Nangiti ako pero pinigilan ko. Seryosong parang may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. I'm really into this guy.
"Siyempre naman." sabay ngiti ko sa kanya, hindi ko na napigilan. Besides, acting lang naman kaya okay lang talaga.
"Weh?"
Tumango ako, "Saka, you know, hindi naman 'yun yung unang beses na makikita kong yakap ka niya." ngiti ulit. Nagbago 'yung facial expression niya. From that "relieved" look, parang naging dismayado.
"'Yun nga e. Yung dati na nakita mo, grabe yung reaksyon mo. Iniwasan mo ako. Biglang tamang hinala kasi e."
Ay wow. Sinisi pa ako. Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Bigla, 'yung kamay kong kapit niya, nilagay niya sa likod niya pati na rin 'yung isa kong kamay. Ang dating, nakayakap na ako sa kanya.
"Pinapaalam ko na po. Baka kasi mamaya diyan, iwan mo kaming lahat dito. Paano mo na kukunan ng video 'yung gwapong si Matthew?"
Hinampas ko siya nang pabiro sa likod saka ako tumawa.
"Biro lang." sabi niya, "Basta, Krystal..."
Hinintay ko 'yung sunod niyang sasabihin. Kulang ata ang isang puso sa sobrang kilig at tuwa na pinaparamdam niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.