Chapter 13
"Mahal, gising na."
Napadilat ako nang marinig ko 'yung boses ni Bien. Eh? Mahal?
"Gising na, mahal."
Napabangon na ako at nakita kong nakaayos siya ng damit pero may apron din siyang suot. Tinakpan niya ako bigla ng kumot.
"Anong 'mahal'?"
"Mahal, iyon ang tawagan ng ama at ina ko sa isa't isa."
"BIEN! Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko."
"Bakit? Ayaw mo ba?" napasimangot siya.
"Awkward kasi eh." saka medyo baduy din.
"A-awkward?"
"Oo. Sobrang awkward. Nakakahiya."
"Ikinakahiya mo ang pag-iibigan natin?"
"Uy grabe. Pag-iibigan agad? 'Gusto' pa lang naman sinabi mo ah!"
"Hindi ba'y parang ganoon na rin 'yun?"
"SUPER DUPER ULTRAMEGA KULIT MO! Ang pag-ibig o pagmamahal, mas mataas kaysa sa gusto lang."
"Paano kapag lumampas na sa pag-ibig?"
"SUPER DUPER ULTRAMEGA LOVE NA 'YUN!"
"Edi super duper ultramega love na pala kita."
"Cheesy ka na naman, Bien. Ano bang meron at nakaganyan ka?"
"Ipinagluto kita ng umagahan. Kain na tayo."
"Inaantok pa ako. Mamaya na lang ako. Mauna ka na."
"Gusto ko kasabay kita. Gumising ka na at tanghali na."
"Anong oras na ba?"
"Alas-siyete ng umaga."
"SUS! BIENVENIDO?! Tanghali ba 'yun? So anong tingin mo sa alas-dyis? Gabi na?" napahampas ako sa unan ko.
"Sa panahon namin, masamang gumising ng sobrang tanghali."
"Sa panahon niyo 'yun." Nagtaklob na ako ng kumot kahit mainit.
"Paano kapag nagkasupling ka na? Sinong magluluto ng umagahan para sa kanila?"
"Nandiyan ka naman eh."
Eh? Napabangon ako at nakita kong ang lawak lawak ng ngiti ni Bien.
"Biro lang, Bien! Sige kakain na ako. Doon ka na sa kusina." Umalis na siya at pakiramdam ko naiwan 'yung pilyo niyang ngiti at tingin sa utak ko. Kahiya-hiya. Sinuot ko na 'yung jacket ko at saka dumiretso sa kusina. Kailangang maging conservative muna habang kaharap ko siya. Pinagpapawisan ako sa suot ko, nakapatay kasi 'yung aircon kaya naka-electric fan lang kami.
"Bien, sigurado ka na bang dito ka na sa panahon namin mags'stay--- i mean, mananatili?"
"Ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ganoon. Tingnan mo, mahirap magadjust---" Pati ako nahihirapang tagalugin 'yung English words na sinasabi ko eh. "... mahihirapan kang maisaayos buhay mo rito. Paano ka makakapag-aral kung wala kang dokumento?----ah-" may solusyon na pala dito. "English at Tagalog ang lenggwahe namin dito. Mahihirapan kang makipag-usap sa iba."
"Pag-aaralan kong mabuti ang banyagang wika na pinag-aaralan niyo."
"Paano ka kikita habang nag-aaral? Mahirap maghanap ng trabaho, Bien."
"Magtuturo ako ng Espanyol o kaya naman ipagpapalit ko ang natitira kong salapi."
"Paano kapag---"
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.