A/N: Dahi hindi ako nakapag-update nang matagal, long update po ito. Nandito ang story ni Alley at siyempre, may story din dito si Krystal.
HI ALLEY! Ito na 'yung love story niyo ng love of your life. Part 1 lang 'to at hindi siya pa siya tapos. Sa next update, kina Krystal na ulit. Ang story mo kasi, medyo mahaba-haba ang time frame kaya hindi pwedeng isang bagsakan dahil magkakaroon ng lapses sa story nina Krystal.
Chapter dedicated to Darielle Shaine aka Iamyourgreatestfan. Thank you sa pagbabasa ng story na 'to. Thank you rin sa pagshare ng mga kwento. Nakakatuwa lang na dahil sa story na 'to at sa wattpad, nagkakilala tayo.
Sa ibang nagbabasa, salamat dahil nahintay mo at nakaabot ka sa update na ito.
=====
Chapter 27
Alley's POV
'Alley, paki-GM naman na wala tayong klase ngayong araw. Regular lang kasi load ko eh. Kakatext lang sa akin ngayon ni ma'am na may sakit daw siya. Si sir naman may pupuntahang training na hagip sa oras ng class natin sa kanya. Ayun lang naman. Ngayon ko lang sinabi kasi ngayong umaga lang din ako tinext ng mga prof. Thank you!'
Chat sa akin ng president namin na natiyempuhang online ako ngayong umagang-umaga sa facebook.Chineck ko kasi 'yung COC (clash of clans) ko kaya binuksan ko 'yung wifi ng phone ko para makaconnect. Nakalimutan kong nakalogin din pala ako sa fb.
'Sige.' reply ko.
Kung kailan ang lamig lamig dahil rainy season at tamad na tamad akong maligo pero naligo pa rin, 'yun pala walang pasok. Naku naman. Sayang ang mainit na tubig. Pero buti na lang hindi pa ako nakakaalis ng bahay. 6:30 AM na kaya malamang marami na akong kaklase na on the way na sa school. Kailangan ko na talagang sabihin sa kanila ang mabuting--- malungkot na balita.
'ANNOUNCEMENT:
No classes for today. Hindi makaka-attend ng class mga prof natin kaya hayahay. Please be guided accordingly.'
Nasa unahan palang ako ng listahan nang makita kong dalawa 'yung pangalan ni Aldrin sa gm list ko. 'Yung lalaking 'yon! Tss.
'Wag ko kayang padaanan ng gm?
Kainis kasi! Sa bawat araw na nagkikita kami, palagi siyang may puna sa akin.
"Mali 'yung kulay ng damit mo." saka iaabot sa akin 'yung malaking notebook na parang 'yung sa pinaglilistahan ng mga plate number ng security guard sa school namin.
"Late ka."
"Malakas na masyado boses mo."
"Wala kang suot na ID."
Hindi ko alam kung trip niya ba ako o sadyang inis lang siya sa akin. At para inisin siya lalo sa araw-araw na buhay niya at para sagarin ko na rin ang pagiging rule breaker ko sa paningin niya, nagkulay ako ng pula sa buhok ko.
"Bawal 'yan, Alley." sita niya sa akin noon.
"I know." le me.
"Dapat hindi mo ginawa kung alam mong bawal."
"Eh sa gusto ko. Wala kang magagawa."
"Hindi ka pa ba nagsasawang mapagsabihan?"
Hindi ko pinansin 'yung tanong niya. "Ikaw? Hindi ka ba nagsasawang pagsabihan ako?"
"Hindi." Bigla siyang umubo saka napatingin sa ibang direksyon, "Trabaho ko 'yun kaya hindi ako magsasawa. Mas maganda kung black buhok mo. Mas bagay 'yun sa 'yo." sabay layas sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomansaJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.