Chapter 17 - A Hundred Years Away

380 11 15
                                    

Chapter 17

Walang araw na lumipas na hindi ko siya iniisip. Bawat gabi, bumabalik ako sa playground kung saan siya umalis... nagbabakasakali na bumalik din siya kaagad katulad ng pangako niya. Pero wala. Bakit nga ba umaasa pa ako sa mga imposibleng mangyari? Naniniwala pa rin kasi ako na pagtatagpuin ulit kami ng tadhana.

Graduate na ako at kasalukuyang nagt'trabaho sa isang private company. Umabot ng ilang taon ang paghihintay ko pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang makakabalik siya kahit na ba malabo na talaga iyong mangyari. Umaasa lang ako, pero sa pag-asang iyon ay masaya ako. Ni hindi ko na nga rin namalayan ang takbo ng panahon.

Nang umalis siya, bumalik na rin sa ayos lahat ng bagay. Nakilala ulit ang pamilya nila sa panahon namin. Si kuya Luis tinatanong kung nasaan na si Bien. Basta ang sabi ko, umuwi na siya sa kanila pero babalik naman daw siya. Sana pala hindi ko na lang sinabi kay kuya na babalik siya para hindi rin siya umaasang katulad ko. Si Misis Reyes naman nakasalubong ko isang beses, ilang taon na rin ang nakalilipas. Kinamusta niya ako pati na rin si Bien. Ganoon din, tinatanong niya kung bakit hindi na bumibisita si Bien sa kanila. Sinabi kong biglaang pinabalik na siya sa kanila at hindi na nagawang sabihin pa sa mga ito. Walang pagbabago kay Misis Reyes, hindi ko alam kung bakit hindi naapektuhan ang buhay niya sa pagbabalik ni Bien sa panahon nila. Iyon ang ipinagtataka ko. Malamang nagkatuluyan pa rin talaga ng kapatid ni Bien ang napangasawa niya noong nawala siya at noong nagbalik na siya. Isa ang kapatid niya sa hindi naapektuhan ng pagbabago.

Habang namimili sa mall, nakasalubong ko 'yung kaklase ko noong high school sa isang shop. Nagkayayaan pa kaming mag-usap sa isang coffee shop.

"Kamusta, girl?" tanong niya.

"Okay lang ako. Stressed sa work kaya naisipan kong mag-unwind. Ikaw? Diba nag-educ ka? So anong subject tinuturo mo?"

"History, girl. Ang kukulit nga ng mga estudyante kong high school eh."

"History? Edi marami kang alam tungkol sa buhay buhay ng mga kilalang tao sa Pilipinas? Pwede ba'ng magtanong?"

"Go lang, girl. Sige. Ano ba 'yun? Sana alam ko."

"Kilala mo si Silvestre de Vega?"

"Malamang! Sino'ng hindi makakakilala doon? Pati nga ata pangalan ng aso nila kilala ko eh. Chos. Mga kapatid niya lang at anak ang kilala ko. Pinakabisado kasi sa amin 'yan ng prof kong terror. Sa takot kong mabengga sa recitation, kinabisa ko talaga nang todo-todo at inalam ko buhay nila."

"Alam mo 'yung tungkol sa mga anak niya?"

"Oo naman! Si Timoteo, Bienvenido, at si Anastacio."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko pagkarinig ko sa pangalang Bienvenido. "Anong nangyari sa kanilang tatlo?"

"Okay naman siguro. Nagkaasawa naman silang lahat."

"Nagkaasawa?! Lahat sila?" nanlaki ang dalawa kong mata.

"Oo. Gusto mo sabihin ko pa pangalan ng mga naging asawa nila?"

Bakit nasasaktan ako sa nalaman ko? Diba dapat masaya ako kasi sinunod ni Bien 'yung huling hiling ko sa kanya? Tama. Dapat masaya ako't nakahanap siya ng makakasama niya sa buhay. Hindi ko na pala kailangang maghintay pa sa pagbabalik niya.

"Hindi na. Ano'ng alam mo tungkol kay B-Bienvenido?"

"Ang alam ko siya ang pinakapinapaboran ng tatay niya. Siya kasi ang pinakamabait, pinakamatalino at pinakamasunurin sa tatlong magkakapatid. 1854 nung nawala siya pero isang buwan lang din ang lumipas nang makita nila siya na walang malay sa isang gubat. Sa tatlong magkakapatid, siya ang may pinakamaraming tala sa kasaysayan. Kakaiba kasi ang buhay niya. Kakaiba na raw 'yung kinikilos niya nung nakabalik na siya sa bahay nila. Iba na rin 'yung suot niya na kakaiba sa sinusuot sa panahon nila kaya nagtataka sila. Malamang daw, may tumulong sa kanya pero hindi nila nalaman kung sino."

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon