Chapter 24 - Super-sized Princess' Notes

295 13 8
                                    

A/N: Hi wohohow! Natuwa naman ako sa pinost mo sa message board ko at comment mo sa last update. Hi din monskeelicious! Nakakatuwa 'yung comment mo! Natuwa ako sa inyong dalawa kasi pagkagising na pagkagising ko, good reviews niyo 'yung nabasa ko. Thank you po. I would love to dedicate this chapter and the next update to both of you!

Enjoy reading! At sa iyo rin na nakaabot sa chapter na ito, maraming salamat!

=====

Chapter 24

"Late ka na. Ihatid na lang kaya kita?" si Papa.

Napuyat ako nung birthday ni kuya. Kinabukasan, late na akong nagising kaya late na ring nakagawa ng assignment. The process repeated. Nalate ng tulog kakatapos sa gawain sa school kaya tinanghali ng gising the next day.

"Naku, 'di na po, pa. Sige, alis na po ako. Bye na po." sabay halik sa pisngi.

"Oh, si Matthew 'yun ah." turo naman ni mama sa direksyon ng bahay nina Matthew. "Mukhang nalate din ng gising." Kita ko sa malayo na nakatutok na naman 'yung mata niya sa phone niya.

Hindi ko alam na nakatadhana rin pala kaming magkasabay na malate.

"Oo nga po, 'no? Alis na rin po ako, ma." sabay halik din sa cheeks ni mama.

"Hatid ko na kayo. Dalawa naman pala kayo eh." sabay takbo ni papa para kunin 'yung susi ng kotse sa loob ng bahay. Hindi na ako nakatanggi pa. Biglang tinamad na rin kasi akong magcommute.

"Tawagin mo si Matthew. Dali. Baka mauna na 'yun." utos ni mama.

Napatakbo naman agad ako papalapit kay Matthew. Malamang kasi nakaearphones 'yun at magbingi-bingihan kapag sumigaw ako. Kaso sumigaw pa rin ako para tumigil siya. Napagod kasi ako bigla. Ang bilis niyang maglakad kaya parang wala lang din 'yung lakad-takbo ko. Lumingon naman siya para hanapin kung sino 'yung tumatawag sa pangalan niya. Buti naman. Huminto siya, binaba 'yung phone na hawak niya saka lumapit sa akin. Nginitian niya pa ako.

"Good morning, Krystal. Late na tayo, bakit hindi ka pa nagmamadali?"

Hinawakan niya ako sa wrist para hilanin na pero nagpapigil ako.

"Teka lang!" lumingon naman ulit siya sa akin sabay tanggal niya ng isang earphone sa tenga. "'Wag kang masyadong maglakad nang mabilis. Ihahatid daw tayo ni papa."

Biglang may bumusina sa amin. Napahila naman agad ako ng kamay ko. Si papa iyon habang nakaupo naman si mama sa passenger seat. No choice kundi ang umupo kami sa backseat ni Matthew.

No choice daw pero tuwang-tuwa naman ang mga pata ko. Hindi kaya! Ehem. Hindi naman masyado.

"Napuyat ka?" tanong ni Matthew.

Shocks! Halata ba masyado sa eyebags ko? Baka nahalata niya kasi pahikab-hikab ako. Baka nga.

"Medyo. Tinapos ko pa mga assignment eh."

"Dapat maaga mo na lang ginawa. Masamang magpuyat, Krystal. Dapat maaga kang natutulog."

Ikaw kasi eh! Dahil sa 'yo kaya napuyat ako. Ang dami kong insip dahil sa sinabi mo.

"Ayos lang. Late na rin naman akong nagising kaya bawi rin tulog ko." tatlong oras lang ata akong natulog. Nakakaiyak. Di bale, sa ibang araw ko na lang babawiin. "Ikaw, bakit ka nalate? Anong oras ka ba nagising?"

"4AM."

Napadilat naman nang bonggang-bonga 'yung mata ko na napipikit-pikit na kanina. "Ang aga na nu'n tapos nalate ka pa?" napahikab ako.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon