Chapter 46 - Super-sized Princess' Notes

46 5 0
                                    

A/N: Hi! At last, after 3 months nakapag-update na rin. Pasensiya na talaga sa sobrang tagal ng update ng story na 'to. :( Yung mga high school students na readers nito e magc'college na. CONGRATS!!! :) I wish you all the best at galingan, okay?

God bless and enjoy reading!

===== 

Krystal's POV


Napipikit-pikit na ako sa antok nang marinig ko na tumunog yung phone kong nakalagay pa sa study table. Lakas ng feels ko na si Matthew 'yon kaya kahit tinatamad akong tumayo e ginawa ko pa rin. Tama nga ako ng hinala, siya nga ang nagtext. Yay!

From: Henry Matthew Natividad 

Hindi ako makatulog. Anong ginawa mo sa akin? :(

Hindi na napigilan ni taba na ngumiti. Ang cute kasi ni Matthew. Kaasar.

Me: Wala akong alam diyan. :( Sinisisi mo ako. Grabe.

Him: Ikaw kasi. :(

Me: Sorry kung may nagawa man ako. :P

Him: Krystal...

Me: Hhmm?

Him: Bakit ganoon?

Me: Bakit ganoon? ???

Him: Isang oras pa lang kitang hindi nakikita pero namimiss na kita agad. Baliw na ba ako?

Ay! Kilergs si Taba. Nangingiti na naman ako nang mag-isa dahil sa kanya. Kalma, Krystal.

Me: Naku, may Krystal syndrome ka na. Lahat ng nad'diagnose diyan, nahihirapan ngang makatulog. :(

Him: Paano kaya ako gagaling? :(

Tumakbo ako palabas ng kwarto para pumunta sa terrace na saktong makikita mula sa bintana ng kwarto ni  Matthew. Tinawagan ko siya at sinagot niya rin naman kaagad.

"Tingin ka sa labas ng bintana mo." sabi ko.

Bumukas yung ilaw sa tapat ng bintana niya at saka ko siya nakitang dumungaw pero sa ibaba siya agad tumingin. Kaloka.

"Hindi diyan. Tingin ka sa terrace ng bahay namin, may makikita kang dyosa."

Tumawa siya nang bahagya. Nung nakita niya na ako (ehem), kumaway siya. Sabi na talaga may makikita siyang dyosa e!

"Bakit hindi ka pa rin natutulog?" tanong niya.

"Hindi ka pa rin kasi natutulog e. Kapag natulog ka na, matutulog na rin ako."

"'Di ba nga sabi ko dati masamang matulog nang late? Paano ka pa lalaki niyan?" sabi niya sa tonong sweet na parang tatay ang datingan. Keme!

"Matagal na akong malaki." biro ko. "Joke joke."

Tumawa na naman siya.

"'Wag ka magpapayat para lang magpaganda, ah?"

"Bakit naman? Ayaw mo akong pumayat?"

"Dadami manliligaw mo e. Maeechapwera na lang ako sa buhay mo. De biro lang. Ako pa rin naman, 'di ba?" saka siya tumawa. Ang hangin! "E kasi naman baka kalimutan mo na ako kapag pumayat ka."

Naalala ko bigla yung dati naming ginawa. Nakakalungkot lang na tumatak pala 'yon sa isip niya.

"Hindi mo pa rin ba 'yon makalimutan?"

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon