Chapter 22 - Super-sized Princess' Notes

341 13 21
                                    

A/N: Hi Anne Sherina! Salamat sa pag-add ng kwentong ito sa reading list mo. Thank you. Sa ibang readers, sana maenjoy niyo ang chapter na ito. Hihihi.

=====

Chapter 22

Krystal's POV

Nginitian ko rin siya.

Ibig sabihin ba nito, matutuloy na ang naudlot naming... pagkakaibigan?

Friendship daw. Ibang klase ka talaga, Krystal!

Pwera biro, pagkatapos naming magkita sa palengke nung sabado, narealize ko na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya--- na ganoon din siya sa akin. Mali lang din siguro ako ng akala noong high school kami na baka gusto niya ako. Pinaasa lang ang mataba. Umasa rin naman kasi. Mas maganda siguro kung hanggang magkaibigan na lang talaga kami.

Hanggang kaibigan na lang ang i-o-offer mo sa kanya, Krystal, ha? Maganda iyon para iwas sakit at asa.

Nawala rin agad 'yung tingin ko kay Rupert nang biglang may nagtaas ng kamay sa kabilang side naman ng classroom.

"Hindi mo ako tinawag. Wala ba ako sa class list?" si Matthew. Medyo may kalakasan niya iyong sinabi.

"Weh? 'Di nga?" sabi ko.

"Oo nga."

Napatingin tuloy ako nang maigi ulit sa papel na hawak ko. At 'yun, nakita ko rin ang pangalan niya.

"Ako rin Krystal!" nagtaas din ng kamay si Aldrin. "Hindi mo ako tinawag."

"Aldrin Pragacha, nandito ka sa list. Sorry, sorry. Nandito ka rin, Henry Matthew Natividad. Hala, sorry. Hindi ko napansin."

Natividad, Pragacha and San Antonio. Shocks. Magkakasunod pala sila. Napaghahalataan ako. Eh sa tumalon agad mata ko sa 'S' eh! Naexcite lang.

Krystal's note: Akala ko ba nakalimot ka na?--- Simula pa lang naman. Di bale next time, mag-iingat na. Apologies, beautiful lady.

Nagpatuloy na ako sa pagroll call hanggang sa pinakahuli. Nung pagtingin ko kay Rupert, saktong nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya saka kinawayan. Nakaupo siya sa likuran. Wala kasi siya sa sitting arrangement namin. Hindi naman alphabetical. Kung saan mo trip, doon ka. 'Yun nga lang, kapag nahuli ka, doon ka na sa likod.

"Class, especially sa late enrollees, listen." napatingin kami kay ma'am. "Nadiscuss na namin ang final exam ng class niyo. Lahat naman pumayag na movie making na lang. Nagrupo ko na kasi sila by two rows. Since late kayo, kayo na lang bahala kung saang group kayo sasama."

Nagkaroon ng commotion, ako naman itong napatingin agad sa kaliwa ko para tanawin si Rupert. Kainis nga kasi hindi ko siya makita nang maayos kasi harang si Matthew na nakaupo sa bandang likod ko.

"Excuse! Humaharang ka." mouthing ko.

"Ano?"

"Harang... ikaw." sabay turo ko sa kanya. "Tabi, tabi." habang pinapatabi siya.

"Bakit?"

"Kakausapin ko si Rupert."

"Bakit?"

"Isasali ko siya sa group natin."

"Bakit?"

"Bakit, bakit, bakit. Tanong nang tanong. Tumabi ka muna. Kakausapin ko lang siya."

"Hindi ka rin niya maiintindihan. 'Wag na muna. Mamaya na."

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon