A/N: Chapter dedicated to monskeelicious! Thank you thank you ulit sa pagbabasa! I would also like to greet Alleytots o si Alley ng story na ito ng HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY in advance dahil birthday niya bukas! Yiee. Dalaga ka na talaga.
Salamat sa iyo na nakaabot sa chapter na ito. Enjoy reading!
=====
Chapter 25
"Angelica... gusto mo bang gumanap na Mercidez?"
"Ayoko, girl. Hindi ako magaling umarte." tanggi niya. Napatingin naman ako kay Alley pero tinalikuran niya lang ako.
"'Wag mo akong talikuran, Alley. Hihingi lang ako ng tissue." palusot ko.
"Ay sorry!" humarap siya sa akin saka tumawa nang malakas, "Wala eh pero ayoko pa ring gumanap na Mercidez."
"Nicole..." napaturn naman ako sa side ni Nicole.
"Naiihi ako. Punta lang akong CR, ah?" bigla namang sabi niya.
Nung pag-alis niya, si Renier naman ang naging kitang-kita ko. Nginitian niya ako. 'Yung ngiting mapapangiti ka na lang din kahit mapipilitan ka lang sabay kikilabutan ka na rin, "Kung ayaw nila, ako na lang! Push natin 'to. Gora ako diyan, girl." napatayo pa siya nung nakaupo kami sa paligid ng fountain habang kumakain.
"Maupo at manahimik ka na lang diyan, beks. Isa ka talagang... hay!" nagulo na lang ni Kaye ang buhok niya.
Lumapit si Cel kay Renier, "Baby ko, ako na lang si Mercidez tapos ikaw naman si Bien."
"Che! 'Wag mo 'kong kausapin. Badtrip ako."
Si Cel naman ang lumapit sa akin. Hinawakan niya pa ako sa kamay, "Dali, Zuki. Change character. Gaganap akong Mercidez kung si Ren ang magiging Bien ko."
Napapunta rin sa lugar ko si Ren at kinompronta si Cel, "Hay! Magtigil ka! camera man--- camera girl ako! That's final!"
Nagtalo lang sila sa harap ko. Ang sakit na ng ulo at batok ko. Si Kaye kasi siya na 'yung sa cameo role na History teacher slash friend ng lead character.
"Ano ba, guys!" napatayo ako at napahawak sa batok ko, "Ano bang gusto niyong gawin ko? Gusto niyo bang ako pa ang gumanap sa lead role?"
Nagtinginan sila sa isa't isa na parang may plinano sila na nabuking ko.
"Oh my goodness! I can't believe this. No way!" nasabi ko na lang. Kaya pala sila tanggi nang tanggi kasi gusto nilang ako 'yung gumanap sa role.
"Kalma, 'te! Napapa-English ka na." sabay inabutan ako ni Ren ng tissue. Kinuha ko naman para ipampunas sa ilong ko. Medyo maanghang kasi 'yung sauce ng fried noodles ko with siomai.
"Eh kasi naman Zuki, chance mo na 'yan. Henry Matthew na 'yan oh! Nandiyan na oh! Oh! Oh!" sabi ni Alley habang nakatulalang nakatingin sa kawalan. Nung sinundan ko rin ng tingin 'yung tinitignan niya, nakita ko 'yung kumpol ng mga lalaki kong blockmates na naglalakad sa way palabas ng campus. Nandoon si Matthew. Binalik ko na lang 'yung tingin ko sa mga kinakausap ko, as if I care muna ang peg ko nang makita ko siya.
Saan kaya 'yun pupunta? Wapakels mode nga pala muna.
"Kahit na ba si Lee Min Ho o kung sino mang gwapong nilalang ang makakapartner ko diyan, 'di ako gaganap." basta hindi ako gaganap.
"Bakit naman?! Lee Min Ho na 'yun, girl!" si Angelica.
"Eh kasi nga ang gwapo. Nakakadistract!" Same with Matthew. Ngitian lang ata ako nu'n makakalimutan ko na 'yung lines. Chos. "Saka sa description, payat si Mercidez. Hindi pinalobong katulad ko."
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.