Chapter 10 - A Hundred Years Away

343 10 2
                                    

Chapter 10

"Ano'ng pangalan mo, hijo?" tanong sa kanya ng medyo may edad ng pulis. Dinala ko pala siya sa pulis station hindi para ipakulong kundi para tulungan siyang malaman niya kung saan siya nakatira. Hindi ko kasi siya makausap nang matino kanina eh. Ewan ko ba. Pinaglololoko ata ako. Hindi ko naman siya maiwan sa kalye kasi mukhang wala siyang alam sa lugar na napuntahan niya. Aalis na nga sana ako pagkarating dito kaso nakaramdam ako ng awa sa lalaking 'to. Pakiramdam ko rin kasi hindi ako mapapalagay sa bahay kung hindi pa 'to nakakauwi sa kanila. Saka... ayaw ko ring umuwi pa dahil nga baka maisip ko lang si Christian at malungkot pa ako nang sobra.

"Bienvenido de Vega y Guinto ho."

May kapangalan siya. Hindi ko lang maalala kung saan ko naencounter 'yun. Parang narinig ko na talaga somewhere 'yang pangalan na sinabi niya. Alam ko talaga.... alam ko. 

"Kaanu-ano mo si Silvestre de Vega?" Naalala ko na! Kahit hindi ako taga-Ermita, kilala ko kung sino 'yung tinutukoy nung pulis. Kilala kasi dito sa lugar si Silvestre de Vega dahil sa kabutihang ginawa raw nu'n para sa mga nakatira rito. Bienvenido rin ang pangalan ng anak niya. Wow. Hindi kaya fan ni de Vega 'yung magulang ng lalaking 'to at pinangalan pa talaga sa kanya? Pati apelyido nagkapareho pa.

"Kilala niyo ho siya?" nakangiti niyang sabi. Ngayon ko lang napansin na medyo may itsura pala siya. Tumango naman 'yung pulis. "Ama ko ho ang tinutukoy niyo."

Napatanggal ng salamin ang pulis saka napatingin sa kanya nang diretso. Pati ako nagulat sa sinabi nitong si Bienvenido. Talagang pinanindigan niyang 19th century kid siya ah. Sa pagkakaalam ko, 1880's something namatay 'yung 'tatay' niya raw who happened to be Silvestre de Vega dahil sa katandaan.

"Ah--- nagbibiro lang po itong kasama ko. Dala lang po siguro ng gutom kaya kung anu-anong sinasabi niya. O kaya naman po baka kapangalan lang ng tatay niya si de Vega. Sorry po." Napatawa naman na din 'yung pulis pero narinig kong bumulong itong si MAKATA Bienvenido ng 'Totoong ama ko ang tinutukoy niya.' Buti hindi narinig ng pulis.

"Ano bang cellphone number ni Silvestre?" medyo natatawa pang sabi ni manong pulis. Ako na ang sumagot sa tanong niya kasi baka kung anong kaweirduhan na naman sabihin nito eh.

"Natanong ko na po iyon sa kanya kanina. Wala raw pong may cellphone sa pamilya nila. Pati siya wala raw po. He doesn't even know what cellphone is." pabulong kong sinabi 'yung dulo. Napatingin 'yung pulis kay Bienvenido mula ulo hanggang paa at mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko. Malinis naman itong si 18th century kid, sadyang kakaiba lang 'yung suot niya.

"Saan ka ba nakatira, hijo?"

"Dito ho sa Ermita. Sa Calle Arroceros."

Napaisip 'yung pulis kung saan ang tinutukoy ni Bienvenido. Ako nga rin hindi ko alam kung saan 'yung sinabi niya eh.

Nagtanung-tanong pa si manong pulis sa kasamahan niya pero walang nakasagot sa kanila. Saka ko lang naalala na may internet access pala ako sa cellphone kaya sinearch ko kung saan ang Calle Arroceros sa Ermita at lumabas na 'yun pala ang dating tawag sa AJ. Villegas street.

Ang daming gumugulo sa isip ko. Hindi kaya totoo ang sinasabi nitong si Bienvenido? Pero imposible iyon. SOBRANG IMPOSIBLE.

"Ahm, sir. Pasensiya na po sa abala. Alam ko na po pala kung saan siya nakatira. Ako na lang po ang maghahatid sa kanya."

"Sigurado ka ba, hija? Gusto mo magpasama ako ng---"

"Hindi na po kailangan. Sige ho, aalis na ho kami. Pasensiya na po talaga sa abala." mabilis kong sabi. Hinawakan ko na sa damit si Bienvenido at hinila palabas ng police station. Tumila na rin pala ang ulan.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon