Chapter 34
Krystal's POV
Super-sized Princess' Notes:
Krystal's initial weight: 83 kg
Krystal's current weight: 82 kg. Naks. Ilang araw lang naconfine, isang kilo na agad ang nawala. Ngayon ko lang narealize na hindi lahat ng nawawala, nakakasakit ng damdamin. Hikhik.
Nakapagbihis na ako nang mapag-isipan kong pilitin si kuya na hayaan na lang akong lumarga nang walang bubuntot-buntot sa akin... sa amin. (Kahit gusto ko naman talagang kasama si Matthew. Pero 'wag lang sana sa ganitong sitwasyon.) Saka paano ako nu'n makakakilos nang maayos kung alam kong pinapanood niya lahat ng ginagawa ko?
Nakakainis talaga kapag masyadong close sa family mo 'yung lalaking gusto mo.
"Kuya, hindi ko na isasama si Matthew ah?"
Nasa bahay na kami at nanonood lang si kuya ng TV. Pinalipat-lipat niya lang 'yung channel at saka umiling.
"Kapag hindi mo siya isasama, 'wag ka na lang din tumuloy."
Naiintindihan ko naman kasi na protective lang si kuya kasi ayaw niyang may mangyaring masama sa akin. Kaso parang gusto ko na talagang isigaw na kaya ko naman ang sarili ko. Mauudlot ba ni Matthew 'yung kapahamakang darating sa akin kung kasama ko siya? May mga nakatakdang mangyari at wala na kaming magagawa para mapigil iyon.
"Mabibinat si Matthew! Kagagaling lang nu'n sa sakit eh."
"Sus. Labnat lang 'yun."
"Labnat?"
"Nilagnat kasi sawi o kaya naman gusto lang magpalambing o alagaan."
"Wow. Daming alam, ah? Pero baka mabinat nga siya!"
"Hindi nga. 'Yun pa! Kalabaw 'yun eh. Ewan ko nga kung bakit tinablan ng sakit ngayon 'yung besh kong 'yon. Saka pumayag na siyang sasama siya. Kung ayaw mo, pwede ka namang hindi na tumuloy. Ikaw, magdecide ka na ngayon."
Gusto ko na talagang sabihing date ang pupuntahan ko kaso alam kong sobrang magrereact 'tong si kuya at malalaman ng buong sambayan na may nanliligaw sa akin (na hindi pa rin ako makapaniwala). Malamang hindi na ako makakakilos nang maayos nu'n dahil bawat galaw ko, sasabihing 'Yiee, may nanliligaw na kasi kaya ganyan.' like that.
Saka ayoko pang makilala ng pamilya ko si Rupert bilang manliligaw hangga't hindi pa ako sigurado sa kanya--- hangga't hindi ko pa napapatunayan na totoo 'yung inamin niya sa akin. It's too good to be true kasi.
"Nakabihis na ako eh."
At malapit na ring mag5PM. Any moment from now, darating na 'yung ever punctual guy na si Rupert.
Biglang may nagdoorbell kaya lumabas si kuya para papasukin 'yon. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko. Akala ko si Rupert na 'yung dumating, si Matthew pala.
"Sabi sa 'yo, Krystal, walang sakit-sakit kay Matthew eh." bigla niyang inakbayan si Matthew, "'Di ba kaya mo naman samahan 'tong si Krystal?"
Hindi nagsalita si Matthew pero ngumiti siya. Napatingin na lang ako sa kanya mula ulo hanggang paa at wow, ang linis at ang bango niya talagang tignan kahit kailan.
"Nasaan na si Rupert?" tanong ni Matthew.
"Paparating na raw siya."
Umupo muna kami ni Matthew sa sala habang si kuya naman, pumasok nang sandali sa kwarto niya. Walang nagsasalita. Para kaming nagtitimbangan ng lakas kung sino'ng unang magsisimula ng conversation. Medyo may kadaldalan 'tong si Matthew eh. Ewan ko kung bakit ang tahimik ngayon. Baka kasi kagagaling niya lang sa sakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/10241165-288-k781931.jpg)
BINABASA MO ANG
Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]
RomanceJourney of Krystal, a chubby girl, and her friends in finding love. Alamin kung paano paglalaruan ng kapalaran, pagbibigkisin ng tadhana at aayusin ng pag-ibig ang kanilang mga puso. [ ONGOING ] Short stories are included inside.