Chapter 11 - A Hundred Years Away

320 10 2
                                    

Chapter 11

"Oy Mercidez!"

"Kuya!" bati ko pagkabukas ng pinto ng pinsan ko. Nasa apartment niya sa Sampaloc kami ni Bienvenido.

"Anong problema't napabisita ka?"

"May favor sana ako."

"Ay! Sabi ko na nga ba eh! Naku, Mercidez. Kung balak mong idamay na naman ako sa mga plano mo eh 'wag na't baka sumabit na naman tayo't mapagalitan pa ako ni tito."

"PLEASE PLEASE PLEASE. Hindi naman kita pinapahamak ah? Dali na. Hindi ka mababadshot kay daddy. Promise."

"Ano ba 'yun?"

"May kasama kasi ako."

"ANO?! Magtatanan ka na?!"

"May kasama lang, magtatanan na agad? HINDI!"

"Ano ba 'yun? Pinapakaba mo pa ako eh."

Pinakita ko sa kanya si BIenvenido. TInapik tapik ko sa braso 'yung kasama ko, signalling him to introduce.

"Magandang gabi. Ako ho si Bienvenido."

"Magandang gabi naman. Luis, p're." nilahad ni kuya 'yung kamay niya at iniabot naman iyon ni Bienvenido. Akala ko hindi niya alam 'yung shakehands. Phew.

Nilapitan ko si kuya at binulungan. "Pwede bang dito muna siya tumuloy ng ilang gabi?" Lumayo siya sa akin at napatingin sa kasama ko. "'Wag kang mag-alala. Kaibigan ko siya at alam kong hindi siya gagawa ng masama. He might be weird pero normal siya. Formal lang talaga siya magsalita. " Gusto ko na sanang sabihin na galing siya sa past kaso baka batukan lang ako ng pinsan ko at sabihing nasobrahan lang ako sa pagbabasa ng mga ganoong story tapos itakwil niya ako bilang pinsan... tapos.. tapos... Hay. Kaya 'wag na lang. Nasabihan ko na rin naman 'tong si Bienvenido na 'wag nang imention 'yung tungkol sa pagiging 19th century kid niya.

"Sige sige. Pero kapag 'yan may ginawang alam mo na... alam mo na rin mangyayari sa kanya."

"Kuya naman! 'Wag na 'wag mong---" napahinto ako at napatingin kay Bienvenido na malayo ang tingin sa labas ng apartment. "---'wag mo siyang sasaktan. Basta 'wag!" nakakaawa naman kasi siya. "Sabihin mo na lang na kapag gumawa siya ng karumaldumal na bagay eh huhulihin siya ng mga gwardiya sibil na lalabas sa cellphone mo."

"Ikaw pa ata weirdo eh!" sabay batok niya sa akin.

"Biro lang naman. Pahiramin mo na lang siya ng damit ah! Much better kung ibigay mo na tutal napakarami mo naman nang hindi ginagamit na damit."

Tiwala naman ako na matino si Bienvenido kaya pwede siyang ipagkatiwala sa ibang tao. Marami pang tinanong si kuya at sumakit ang ulo ko sa paghahanap ng sagot para sa mga iyon. Bago ako umalis, pinaalalahan ko muna 'tong si Bienvenido kung ano'ng dapat niyang ikilos. Naintindihan niya naman iyon.

He's like a typical teenager. 'Yung gap lang sa panahon niya at panahon ko ang siyang nagpatanda sa kanya sa paningin ko pero katulad ko rin siya--- katulad ng mga kabataang nabubuhay sa generation ko.

=====

Nagising ako sa katok sa pinto ng apartment na tinitirhan ko. Pagkabukas ko, nakita ko si kuya Luis kasama si Bienvenido. Mukhang alam ko na kung anong nangyari. Naku naman.

"'Insan! Ayoko na." sabi niya pagkaupo sa sofa habang naiwan naman sa labas si Bienvenido.

"Bakit?!"

"Okay siya---- nung una! Tinulungan niya pa nga ako sa assignment ko sa foreign language class na Spanish eh. Kaso lang talaga..."

"Ano?"

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon