Chapter 30 - Super-sized Princess' Notes

163 7 3
                                    

A/N: Hi VenCap! Are you still reading this? Thank you sa pagbabasa at pagvote! This chapter is dedicated to you. Sana maenjoy mo. :)

To the readers, nawa'y mainlove naman kayo kay Rupert sa chapter na ito. :)

=====

Chapter 30

Krystal's POV

Saan nga ba ako magaling? Edi sa pagkukunwari na masaya ako kahit hindi naman. Sa harap, nakangiti ako. Pagkatalikod, mapapayuko ako saka mabubura na ang mga ngiting pinilit ko lang ipakita.

Parang kanina lang.

"Okay ka lang ba, Krystal?"

Napakurap ako. "H-ha? Ah--- oo."

"Kanina pa kita tinatanong kung anong gusto mo pero hindi ka naman sumasagot."

"Sorry, Rupert. Hindi na ata ako bibili. Nasa bag ko kasi 'yung pera ko eh. Wala akong pambili."

"'Wag mo nang isipin 'yung pambili. Ako na'ng bahala, pumili ka na lang ng gusto mo. "

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung sakaling hindi dumating si Rupert kanina. Kahit papaano, maswerte pa rin ako. Kapag kailangan ko ng masasandalan, palagi lang siyang nakaabang.

"Dali na, Mizuki! Ikaw na gumawa nito. Parang hindi naman tayo magkaibigan. Please. Please." pilit ng babae kong kaklase nung 4th year high school pa lang kami. Naalala ko pa na hinarangan niya ako para lang kausapin. Kasama niya noon 'yung boyfriend niya.

"May gagawin pa ako eh. Hindi ko na 'yan magagawa."

"Ganyan ka naman eh. Akala ko pa naman mabait ka."

Nginitian ko na lang 'yung kaklase ko nang tanggihan kong gawin 'yung ipinapagawa niya sa aking art work project namin na deadline na bukas. Nalaman niya kasi na tapos na ako. Pero siyempre, ginawa ko nang maaga 'yon para hindi na ako magahol.

"Ano na? Hindi na ba talaga magbabago isip mo?" Hindi ako sumagot, ngumiti lang ulit ako, "Matutulog at kakain ka lang naman eh. Magpapataba. Kaya ang taba mo eh."

Hindi ko na kaya. Sobrang dami ko nang pinoproblema. Nalate ako kaya nagdampot pa ako ng natuyong dahon sa quadrangle kaya hindi ako nakapasok sa first class namin tapos nacorrupt pa 'yung flashdrive ko nang inisert ko sa pc ng school nung Computer class namin. Lahat ng files ko biglang nawala.

Maiiyak na talaga ako pero nawala 'yung luhang nagbabadya na sa pagpatak nang marinig ko 'yung boses ni Rupert. Nagulat pa nga ako kasi alam ko nasa ibang school siya dahil sa photojournalism contest na sinalihan niya.

"Kapag sinabi na niyang ayaw niya, hindi mo na siya dapat pilitin pa. Grade mo ang nakasalalay diyan. Bakit hindi rin ikaw mismo ang gumawa ng project na 'yan para sa grade MO?"

Hindi nakasagot 'yung kaklase ko. Pati 'yung boyfriend niya hindi na nakasalita pero mukhang napikon sa sinabi ni Rupert.

"Alam kong mali na pumatol ako sa 'yo kasi babae ka pero hindi ko kasi kayang makita na inuutusan at pinagtataasan mo ng boses si Krystal. At kahit wala ako at hindi ko makikita 'yung ginagawa mo sa kanya, ayoko pa ring gawin mo 'yun kay Krystal. Hindi lang ikaw, pati mga kaibigan mo."

"Tama na, Rupert." bulong ko sa kanya.

Mabait talaga si Rupert. May respeto sa babae... kung karespe-respeto.

Bigla niya na lang hinawakan 'yung kamay ko saka hinila ako palabas ng hallway ng building para ilayo doon sa kaklase ko.

Nung panahong 'yon, gusto ko na siya kaya ang saya ko dahil sa ginawa niya.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon