Chapter 5: Restoring Ties

594 52 3
                                    

Wala na si Hanns sa tabi ko paggising ko. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Ang sigurado ko lang, madaling-araw na nu'ng dalawin ako ng antok. Ang weird sa pakiramdam na makatabi siya ulit na matulog after eight years. Para akong hihingalin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang makatabi ko ulit siya pero ang gaan-gaan din naman sa pakiramdam. And I had to admit to myself that I have missed sleeping enfolded in his embrace too. Naloloka na rin ako kasi nangingiti ako t'wing naaalala kong magdamag kaming magkayakap. Jusko, Denisse baliw ka na yata, bulong ko sa sarili ko.

I stood up and walked towards my bathroom to do my morning rituals. I was a little bit disoriented because I couldn't find Hanns anywhere inside my room. Nasaan na ba 'yun? I asked myself. Mabilis lang naman akong nag-ayos ng sarili. After changing into my shirt and shorts, I immediately took down the stairs and headed straight to the dining room. Nagpalinga-linga ako sa buong bahay pero hindi ko pa rin makita si Hanns. Kahit sa guest room kung saan siya supposedly na matutulog ay wala siya. Saan 'yun nagpunta? Nadatnan ko sina Mama at Papa na kumakain na.

"Good morning po," I greeted cheerfully as I hugged and kissed them on the cheek.

"Good morning, anak."

"Good morning, Denisse. Nauna na kaming kumain sa'yo, nagpunta kasi kami kanina ng Mama mo sa kwarto mo pero ang himbing pa ng tulog mo kaya hindi ka na muna namin ginising. Baka naman ma-late kami sa b'yahe kung hihintayin ka pa namin," Papa uttered as I took my seat.

"Okay lang po 'yun, Pa," I smiled. "Anong oras po ang alis niyo?"

"Alas-nuwebe ang usapan namin. Sa Morel Enterprises, Incorporated muna lahat magkikita-kita para sabay-sabay na ang lahat sa pag-alis at sabay-sabay din lahat na makarating sa Baguio," my mother replied. Alas-otso na nang umaga, eksaktong isang oras bago ang alis nila. "Ayaw mo ba talagang sumama sa amin, anak? Sayang din kasi at pwede ka pang makapasyal sa Baguio kung sasama ka. Hindi ba nu'ng mga bata pa kayo ni Hanns ay lagi kayong sumasama sa mga out of town seminars ng kumpanya?"

"Ma, matatanda na po kami ni Hanns. Nakakahiya naman po kung sasama pa kami tapos wala naman po kaming gagawin du'n."

"Hindi naman por que't binata at dalaga na kayo ay hindi na kayo pwedeng sumama sa mga seminars ng kumpanya, ah. Isa pa, kayo din naman niyan ang mamamahala sa MEI pagdating ng panahon kaya okay lang kung daluhan niyo ang mga ganitong activities ng kumpanya."

"Helen, may sarili nang isip ang anak natin kaya hayaan na lang natin siya sa mga desisyon niya. Ayaw ko namang ibigay kay Denisse ang pressure tungkol sa pamamahala sa MEI nang ganito kaaga kaya hayaan na lang natin muna siyang i-enjoy ang pagiging dalaga niya. Kapag nakapagtapos na siya ng college doon natin ipasa sa kanya ang ganu'ng kabigat na responsibilidad," ani ni Papa at ngumiti naman ako kay Mama.

"Ma, hindi ko naman po kinakalimutan ang responsibllidad ko sa kumpanya. Pero, may mga naka-schedule na po kasi akong gagawin this summer kaya hindi po talaga ako makakasama sa event ng MEI."

"I understand, anak. Minsan lang dumaan ang pagiging teenager sa buhay ng tao and I want you to get the best out of it. Makakabuti nga kung i-refresh mo muna ang utak mo sa lahat ng stress. Basta, lagi mong tandaan ang lahat ng mga ibinilin namin sa'yo kagabi, ha," she said and I nodded my head. "Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang sa amin ng Papa mo. Nand'yan naman sina Aling Delia para bantayan kayo ni Hanns at nasabihan na rin naman namin siya at iba pa nating mga kasambahay sa mga dapat gawin."

"Opo, Ma."

"Gusto mo na bang mag-breakfast? Teka lang tawagin ko si Aling Delia," my father uttered as he called our househelp. "Pakihanda ang breakfast ni Denisse," he told Aling Delia who curtly nodded her head before she left.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon