Chapter 24: Liberties

375 54 0
                                    

I woke up with an empty space beside me. Napabalikwas ako pagkamulat ng mga mata ko kasi hindi pamilyar ang interior ng kwarto kung nasaan ako. Iniikot ko ang paningin ko sa buong kwarto hanggang sa mapadpad ang mga mata ko sa isang picture frame na nasa taas ng bedside table at nu'n ko naalala na nasa condo nga pala ako ni Hanns. My vision blurred with unshed tears as I stared at the picture.

It was a picture of Hanns with Tito Danilo and Tita Lynda. A family picture. Maaaliwalas ang mga mukha nila sa larawan at makikita mo ang kasiyahan sa kanila. Dumoble ang lungkot ko dahil naalala ko na naman ang mga nangyari kagabi. Parang piniga ang puso ko.

Sobrang malapit kami ni Hanns sa pamilya namin lalo na sa aming mga magulang. Kaya nakakalungkot isipin na hindi kami maayos sa kanila ngayon. Mahirap para sa aming dalawa ang sitwasyon pero alam kong mas nahihirapan siya kesa sa akin.

Nakita ko kung gaano niya kamahal at pahalagahan ang mga magulang niya. Dama ko kung gaano kasakit para sa kanya ang mga nangyayari. Kahit gaano pa katapang ang ipinapakita niya sa akin, alam kong sobrang nasasaktan siya deep inside. Ayaw lang niyang ipakita sa akin.

Hindi madali para sa kanya na suwayin ang mga magulang niya. Dahil mula noong bata pa kami, walang gusto sina Tito na hindi niya sinunod. But not this time. Buong tapang niyang ipinaglaban kung ano ang nararamdaman niya. Buong tapang niya akong ipinaglaban. At doon ako pinakabumilib sa kanya.

Inilipat ko ang tingin ko sa isa pang picture frame na nasa taas ng bedside table niya na katabi ng family picture nila Hanns at napangiti ako sa nakita ko. Picture naman naming dalawa 'yun nu'ng mga bata pa kami. It was a stolen shot nang nakawan niya ako ng halik sa pisngi. Ang cute ng pagkakakuha. Naaalala ko na tuwang-tuwa pa noon ang mga magulang namin dahil sa sobrang kakulitan ni Hanns, lalo na sa akin.

Pero lahat ng bagay, nagbabago. Kung dati ay natutuwa pa ang mga magulang namin sa mga inosenteng lambingan naming dalawa, ngayon hindi na. Napatunayan ko sa sarili ko na iba talaga ang noon sa ngayon. Pero, hindi mababago ng pagkakaiba ng dalawang 'yun ang nararamdaman namin ni Hanns para sa isa't isa. Hindi 'yun mababago kahit pa ng panahon. I sighed as I stood up.

Hindi ko alam kung nasaan si Hanns. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Gusto ko sanang maligo na kaagad pero naalala kong wala nga pala akong damit pampalit. I opened a cabinet and looked for the toothbrush I used last night. May spare toothbrush kasi siya at 'yun ang ginamit ko kagabi. Pumunta ako sa may lababo sa loob ng banyo at humarap sa salamin na nasa itaas nito habang nagsisipilyo.

I stared at my reflection. Para naman akong kiniliti nang bigla kong maalala kung paano kami nag-make out kagabi ng boyfriend ko. Sobrang intimate na namin ni Hanns at hands down ako sa kanya because he was always in control. Alam niya kung kailan siya titigil at saludo ako sa kanya sa bagay na 'yun.

Mabilis lang akong naghilamos. I pulled a towelette from inside the cabinet again and wiped my face with it. Lumabas na ako ng kwarto nang matapos ako. I took the stairs down pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ang boyfriend ko. Parang may nagluluto kasi may naaamoy ako na parang iginigisa mula sa kusina kaya doon ako nagtungo.

Pagpasok ko sa kusina, nakita ko si Hanns na abala sa pagluluto. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin na nasa loob ako at ang paglapit ko sa kanya. I stared at him. His stance was very manly. He's really in good shape. Kahit nakatalikod ay ang gwapo-gwapo pa rin niya dahil sa ganda ng tindig niya. He was still wearing his sando and shorts. Ang kaibahan lang ngayon ay naka-apron siya.

Ipinulupot ko ang mga kamay ko mula sa likuran niya nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. "Good morning, Hanns," I said as I rubbed my face against his back. Inamoy ko siya.

"Yam," medyo nabiglang tugon niya. Tumagilid siya sa akin at iniakbay ang isang braso niya sa mga balikat ko habang hindi natatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. "You're awake," he whispered smiling as he touched his lips on my forhead. "Good morning, Yam," he uttered as he pulled me closer against him. I burrowed my face between the angle of his arm and shoulder. Hindi ko alam kung bakit may pagka-fetish talaga ako sa kili-kili niya. Kahit anong parte kasi ng katawan niya ay napakabango. "Yam, baka amoy-pawis na ako nakakahiya naman sa maganda kong girlfriend." He chuckled and I tilted my face up to look at him.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon