Chapter 18: Heartstrings

391 52 1
                                    

I want you back. Mahal pa rin kita. I tightened my grip on Hannah's phone as my anger surged up in no time. Tangna! I was fueled with rage. I clenched my fists as I tried to suppress my emotions.

Alam kong hindi naman ako dapat mayamot dahil sa nabasa ko. Wala akong dapat ipag-alala at lalong hindi ako dapat na magselos kasi napag-usapan na namin ni Hannah ang tungkol sa kanila ni Louie. I know my place in her heart and I know what I am to her. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasan.

Ikaw ba namang makabasa ng ganu'ng klase ng text message sa phone ng girlfriend mo, 'di ba nakakagago lang? Tapos alam mo pang galing 'yun sa ex niya. Pucha, kahit naman sabihing wala siyang alam sa amin ni Hannah pero nakakalalaki pa rin ang gago!

Halo-halo ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung ano lahat 'yun pero mas nangibabaw 'yung inis at selos. Kahit pa maliwanag sa akin kung ano si Louie para kay Hannah, hindi pa rin mababagong ex niya 'yung lalaking 'yun at nagkaroon siya ng feelings du'n kahit papaano.

"Bakit nakasimangot ka d'yan?" tanong sa akin ni Hannah pagkalabas niya ng banyo. Naramdaman kong lumapit siya sa akin pero hindi ko siya tinignan. I was still looking intently at her phone's screen when I felt her arms wrap around my waist. "Why is my Hanns frowning?" she asked softly. "Ano 'yan?" she queried and I handed her phone to her.

"May nagtext sa'yo. 'Yan 'yung nagko-call din sa number mo kanina," walang ganang sagot ko sa kanya. She looked at it and I felt her stiffen upon reading the text message. She hastily deleted the message and smiled uneasily at me.

"Tara na?" she asked cheerfully but I knew better. Alam kong nag-iba ang timpla niya at parang hindi siya mapakali nang mabasa niya 'yung text message. She held my hand and tried to pull me with her pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

Tumingin siya sa akin at nagbuntong-hininga ako. "Nagkikita o nag-uusap pa ba kayo ni Louie?" I couldn't help but ask as I looked directly on her eyes. She looked astounded at my sudden question but she held my gaze. "Do you and Louie still communicate?" I questioned. "Answer me, Hannah." My voice was still low even though I was boiling inside. Kahit naman kasi anong galit o inis ko ay hindi ko kayang sigawan siya.

Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Alam ko namang open si Hannah sa akin sa lahat ng bagay at alam ko rin naman na malaki ang posibilidad na wala naman siyang alam tungkol sa text message na 'yun kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang sa kanya ko naibabaling 'yung init ng ulo ko.

But you need to let this out, Hanns, my mind reasoned. Maybe jealousy was eating me. Hindi ko lang talaga matanggap kung sakali mang may communication pa rin silang dalawa.

"Hannah, answer my question-----"

"Pinagdududahan mo ba ako, Hanns?!" matalim na putol niya sa sinasabi ko. She glared at me as she angrily huffed. "Tingin mo niloloko kita?! Bakit?! Wala ka bang tiwala sa akin?! I thought nagkalinawan na tayo kagabi tungkol kay Louie?! Do you really think that I am cheating on yoo?! God, wala pa tayong 24 hours ganyan na agad ang tingin mo sa akin?!" she spatted, obviously hurt and offended, before she pulled her hand back from mine and turned her back at me before started walking towards the door.

Hindi ako kaagad nakagalaw dahil sa sinabi niya. Lahat ng inis na naramdaman ko kanina ay napalitan ng hiya. She was right. She's absolutely right. Ilang oras pa lang nang maging kaming dalawa pero nagdududa na kaagad ako sa kanya. You're not thinking straight, Hanns! I silently reprimanded myself. She was about to open the door when I stopped her. "Hannah, it's not like that." I grabbed her by the wrist but she glowered at me.

"Eh, ano pala?!" she snapped. "Hindi pa ba malinaw sa'yo kung ano ka at ano si Louie para sa akin?! Hindi pa ba malinaw sa'yo na ikaw lang ang minahal ko?! Ha?! Oo, kahit unknown 'yung tumatawag at nag-text sa akin alam kong alam nating pareho na si Louie 'yun! Pero, Hanns naman nakakababa ng tingin sa sarili 'yang way ng pagtatanong mo! It's as if my boyfriend is slapping on my face that I am being unfaithful! That I am being a two-timer!" she hollered and I sighed before I hugged her to my chest.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon